(MISCHA RIVER SARMIENTO'S POV) ANG LAMIG, pero naiiinitan ako dahil sa kaba at sa mabango n'yang Jacket. Ngayon, kasabay kong naglalakad si Kaislr sa street ng Japan. Parehas kaming tahimik pero nakakaba pa rin. Lalo na't suot ko ang Jacket n'ya, kahit kasi sobrang sungit at taray niya sa akin ay 'di ko akalain na gano'n niya kadaling ipapahiram ang Jacket niya sa akin. Somehow, he shows me a little bit of kindness like today. Dapat ay magpapahangin ako at ikaclaro ang utak ko tungkol sa kiss namin pero ito ngayon, nag-iisip ng mga bagay tungkol sa kaniya. Ang huling beses na nag-isip ako ng ganito ay noong nagpaparamdam pa lang si Kevin sa akin. Napahawak ako sa leeg ko, si Kevin. Siya lang dapat ang iniisip ko. Nalito lang ako bigla, siguro dahil si Kaislr ang unang nagpakita sa aki