HINDI nakatulog si Kevin nang gabing 'yon. Bigla s'yang nalito sa dapat n'yang maramdaman. He knows that he doesn't feel anything about Mischa anymore. Ang alam niya purong gabi lang 'yon pero ngayon na nahihimbing ito sa kaniyang dibdib matapos umiyak ng mahigpit tatlong oras nang 'di man lang bumibitaw sa kaniya. Nagsisimula na s'yang kuwestiyonin ang mga nararamdaman niya. Nadinig niya ang tunog ng cellphone niya. Senyales na alas- syete na nang umaga. Sa mga oras na 'yon ay dapat nagwo-work out na siya pero wala s'yang ginawa kung 'di ang titigan ang dalaga habang nahihimbing sa kaniyang bisig. Mahina s'yang napangiti rito. "Why do you need to do this, River? Bakit kailangan mo akong lituhin ulit? Kinokonsensya mo ba ako?" He asked at saka ito bumuntong hininga. Bumangon na s'ya at