(MISCHA RIVER SARMIENTO's POV) HINDI ako nakatulog mula nang mangyari 'yon, pakiramdam ko sobrang halaga no'ng nangyari sa amin. Para akong tanga na umaasa, pero kahit alam kong nagmumukha akong tanga. Umaasa pa rin ako. Bakit? Dahil alam kong may kakahinatnan pa rin ang mga pasakit na ito. Kahit ilang beses ko pang gustuhing mamatay, alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit ako minamalas ng ganito. Kung napagtripan man n'ya ako. Sigurado pa rin akong may dahilan kung bakit ako. May dahilan kung bakit sa kabila nang mga nangyari.Mahal ko pa rin si Kevin at kahit na nasa akin na lahat ng dahilan para magalit siya ay 'di ko magawa. Dahil si Kevin lang ang lakas ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nakaabot sa araw na ito. May mangyayari ring maganda. Inaabangan ko ang pagbabalik ni Kev