Chapter 28 DANICA Matapos kaming mag-usap ni Alp ay nakita naman namin ang tatlo sa may pintuan. Malamang narinig nito ang usapan namin ni Alp. Pero patay malisya lang ang mga ito. Lumabas si Alp sa silid at pumasok naman ang tatlo si Tita, Julie Ann at Ma'am Helena. "Ano ang pinag-usapan niyo? Magpapakasal ka na ba kay Alp? Ako ang maid of honor, ha? Saka si Mark ang best man," nakabungisngis pang sabi ni Julie. Siya pa talaga itong excited. "Dapat lang na panindigan ka ng lalaking iyon. Aba, wala sa lahi natin ang disgrasyada! Kaya, habang hindi pa malaki ang tiyan mo kailangan makasal na kayo. Tatawagan ko si Kuya mamaya at papuntahin ko na rito sa Maynila para maputulan ng leeg 'yang lalaking 'yon! Doon ka pa talaga niya tinuhof sa mga badjan! Tapos ano? Iniwan ka lang doon matapos