Chapter 10 Danica Pagpasok ko sa loob ng bahay namin ni Julie ay nakahiga ito sa kama. Naghubad naman ako para magbihis ng short at blouse. Saka tumabi ako kay Julie. "Bakla?'' tawag nito sa akin. ''humm?'' ''Hindi mo ba napapansin si Sir Alp? Parang may gusto siya sa 'yo,'' seryoso nitong wika sa akin. ''Tigil-tigilan mo nga ako Julie Ann. Baka nagugutom ka na. May biscuite ako riyan,'' wika ko naman sa kaniya. ''Gage, Bakla! Sadyang binili niya talaga ang bulaklak na iyon para maghingi ng sorry sa 'yo sa ginawa niya sa koko mo,'' daldal pa ni Juie sa akin. ''Para mag-sorry kamo? Tingnan mo nga kung nag-sorry siya. Sa halip ay ininsulto niya pa ako. May balak pa yata siyang ilibing ang koko ko,'' nainis kung turan kay Julie. ''Eh, baka nahihiya humingi sa 'yo ng sorry kaya pinad