Chapter 26 DANICA Matutulog na sana ako nang may malakas na katok akong naririnig at boses ng isang lalaki na kausap ni Tita. Hindi ko akalain sa pagbukas ko ay mabungaran ko ang mukha ni Alp. Lalo akong nagulat noong bigla niya na lang ako binuhat at inilabas saka isinakay sa taxi. Naguguluhan ako sa lalaking ito. Kahit si Tita ay walang nagawa kundi ang tingnan na lang ang taxi na lumalayo sa harap ng kaniyang bahay. Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay nilingon ko si Alp. "Ano ba iyong kalukuhan mo Alp? Hindi mo ba talaga ako titigilan? 'Di ba, maayos naman ang pag-uusap natin kanina? Ano ba ang gusto mo talaga!?" Naiinis kong tanong sa ka kaniya. "May gusto lang ako malaman! Masasagot ko 'yang mga katanungan mo kapag nakarating na tayo sa condo ko," seryoso naman niyang wik