Chapter 31 DANICA Dumaan kami sa isang mamahaling tstaurant sa Laspinas bago umuwi sa condo unit ni Alp at kumain muna. Madilim na kami na nakauwi napansin ko naman na wala si Lola, kaya tinanong ko siya. "Nasaan si Lola?" "Nasa bahay sa Bf Homes. Nagtampo 'yon dahil napagalitan ko kanina dahil mahigpit kong bilin sa kaniya na bantayan ka niya," wika naman ni Alp na seryoso ang mukha. "Hindi mo naman kailangan pagalitan ang matanda, eh! Nag-iisip ka ba?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Nag-iisip ako, ikaw? Nag-iisip ka rin ba? Alam mong kagagaling mo lang kaninang umaga sa hospital pero umalis ka! Paano kung nadulas ka riyan? Paano kong mapahamak ang anak ko, ha?" galit niyang tanong sa akin. "Alam kong ayos lang ako at alam ko na kaya ko alagaan ang sarili ko at ang magiging anak