“HEY!” pupungas-pungas pa si Jolene nang sagutin ang tawag ko. “Hello,” sagot niya. Tulog sa tabi niya si Violet, hapon pa lang naman. Pero alam kong ito ang oras nang gising niya. Alam ko na ang buong schedule niya sa araw-araw. “Did I wake you up or I just really did?” ang g*go ko lang magtanong. Pero sa mga ganitong pagtatanong ko nakikita kong ngumiti si Jolene kaya minsan talaga sinasadya ko na ang mga tanong ko na ganito. “I had a alarm clock, pero palagi ka namang nauuna sa kaniya kaya yeah nagising mo ako but it’s my time to wake up anyway,” sagot niya. Tumayo na siya para siguro kumilos na rin para sa hapunan nilang mag-ina. Wala kasi ang mga magulang ni Jolene ngayon, umuwi ng Ilocos Norte sa mga kamag-anak ng Mama ni Jolene. Kaya silang dalawa lang ang nasa bahay ngayon.