I LOOK around, ang daming tao. Napailing na lang ako, bakit ba napilit ako ng mga dati Kong college buddies na pumunta pa dito.
I have a lot of works to be done kahit tapos na ang office hours. But here I’m walking towards to those bunches of dumb*ss. They’re the most noisy in this place, people around them are just looking at them like they’re looking a group of idiots.
“Oh, ang ating CEO ay nandito na. Sa wakas lumabas din sa lungga niya.” It’s Melvin just like me a IT graduate also.
But unlike me he preferred to be just employee. Kaya pumapasok siya sa company as a IT support analysis.
“Buti naman sumipot ka ngayon.” Henry a medtech representative. Magdodoctor sana ito kaso maagang nakabuntis kaya Med-tech na lang ang natapos.
“Papamisa na yata ako, ngayon. Sinong nagsabing walang himala. May himala, nandito si Juarez.” Dexter our lawyer. Na hindi mukhang lawyer.
“Sagot niya lahat ng inumin natin ngayon, pambawi na lang sa lahat ng drawing niyang attempt na magpakita satin.” Lastly Jerome, maniniwala ka ba kung sasabihin Kong Mayor itong gago na ito. Kasi kahit ako hindi makapaniwala na mayor siya ng isang City.
These are the idiots I was with when I was in college. Nakakilala lang kami because we’re in a fraternity in college. Madami pa kaming brotherhood pero kaming lima lang ang nagkasundo-sundo.
“Uuwi na ako.” Sagot ko sa kanila sabay talikod.
Tayuan ang mga loko para pigilan ako. Si Dexter ang unang nakalapit sakin at naakbayan ako dahil siya ang malapit sakin. While Jerome held my both hand and pulled me towards their table.
Pag-upo ko pa lang agad na nila akong pinagitnaan. Siniksik nila ako na para silang takot na matakasan ko sila.
“Walang aalis na hindi wasted ngayon gabi.” Sabi ni Jerome habang nakangisi na nakatingin sakin.
“Papaano ang asawa at mga anak ninyo?” napapatawa ako habang nakatitig sa kanila.
Silang apat mga may asawa at mga anak na. Ako na lang talaga ang nag-iisang binata sa grupo namin.
“Nagpaalam kami, kaya wag kang epal d’yan. Maglalasing tayong lahat ngayon gabi dahil nandito ka.” Kung makapagsalita itong si Dexter akala mo laking kanto.
Kaya hindi mo iisipin na abogado ang loko na ito, kung magsalita barumbado.
“Walang KJ ngayon gabi kaya wag kang mag-alala bachelor. Sasamahan ka naming magchick hunting pero ikaw lang ang maghahanap papanoodin ka lang namin.” Sulsul pa ni Jerome.
Napailing ako ng hawakan ni Melvin and kamay ko at siya pa talaga ang naglagay ng bote ng alak sa palad ko. In that nagsimula na ang inuman session naming magkakaibigan.
“You know I envy you,” ani Henry.
Lasing na yata, kung ano-ano na ang sinasabi.
“I evny you because your still a free man. Pero mahal ko ang asawa at mga anak ko. But there’s a time na nahihiling ko na sana binata pa din ako.” Dagdag niya habang nakatitig sakin.
“I don’t feel that way, though minsan naiinis ako lalo pa at sabay-sabay kung magsalita ang mga anak ko. Disaster sobrang gulo sa bahay kapag kompleto silang lahat.” Tatawa-tawa naman si Dexter ng sabihin iyon.
“Wala ka na ba talagang balak na mag-asawa?” tanong naman ni Jerome.
I look tge bottle that I’m holding right now.
“Maniniwala ba kayo kung sasabihin Kong meron?” balik tanong ko sa kanila.
Seryoso silang nakatingin sakin, inisa-isa ko pa nga silang tignan.
“Man, you should be. Ang sarap sa pakiramdam na may uuwian kang bahay na may naghihintay saying masarap na putahe. Bukod sa luto ng asawa mo, may asawa ka din masarap na pulutanin sa gabi.” Seryoso si Melvin habang sinasabi niya iyon.
“Kidding aside, masarap na may sariling pamilya Leo. Maniwala ka samin, kilala mo ang likaw ng mga bituka namin gaya ng pagkakakilala namin sayo.” Segunda naman ni Dexter.
“Ang pihikan mo naman kasi sa babae. Ilan na nga ang naging live-in partner mo? Pito ba o walo?” ani Jerome.
“I lost count,” aniko naman.
Isang malakas na batok ang inabot ko kay Melvin dahil sa sagot ko.
“G*go, aanihin mo lahat ng kat*rantaduhan mo balang araw.” Sermon niya pa sakin.
Siya ang sensitive sa mga ganito, palibhasa puro babae ang mga anak niya. Limang Maria ang anak niya na hanggang ngayon buntis ang asawa niya sa ika-anim nila anak pero babae pa din ang bunso.
“Seryoso ako sa kanila, sila ang nakikupaghiwalay sakin hindi ako.” I reason out.
“Sir*ulo, kung seryoso ka sa kanila hindi mo sila aayain na makipaglive in lang. Kasal dapat, inaya mo sa kanila hindi live-in lang.” Sermon naman ni Henry.
“Ano ba naman kasi ang hanap mo sa babae, Leo? Lahat naman ng mga babaeng dumaan sa buhay mo may mga sinabi buhay. Hindi naman mga pangit, lahat naman may magandang trabaho.”
Napaisip din ako sa sinbi ni Dexter. I still remember doctor, nurse, teacher, model ang mga naging live-in partner ko. Pero ni isa sa mga iyon wala akong inalok ng kasal.
“i don’t know really, siguro nga seryoso ako sa kanila pero hindi ako seryoso na sila ang magiging asawa ko. Magulo, pero parang ganoon ang sitwasyon ko sa kanila.” Kahit ako naguluhan sa paliwanag ko.
“Maghanap ka na ng babaeng pakakasalan mo. Madaming babae d’yan sa tabi-tabi. Advantage mo makakahanap ka ng bata na puwede mong maging asawa.” Sabi ni Henry na nakangisi na may pataas-taas pa ng kilay.
“No, I don’t like that idea. Asawa ang gusto, ayokong maging baby sitter. I want someone who’s as age like us. Matured na hindi lang sa isip pati na din sa edad.”
Nagkatinginan ang mga kaibigan ko after kong sabihin iyon. As if naging dalawa ang ulo ko kung makatingin siya.
“Man, iyong ibang mga oldies papatay makakuha lang ng batam-batang aasawahin ikaw naman naghahanap ng gurang.” Mangha na saad naman ni Melvin.
“Hindi gurang ang hanap ko, g*go.”
“Leo, sa panahon na ito kung hanap mo mga kaedad natin it’s either they’re married, separated or widow. Kung dalaga pa sila hanggang ngayon, it’s either again madre o pangit kaya walang nagkakagusto.” Dagdag naman ni Jerome.
“I love my wife, pero buddy kung ako ang nasa kalagayan mo I’ll choose younger women these days. It is your advantage that you have the right to choose younger partner in life.” Sabi din naman ni Henry. “That is the reason I envy you, kasi malaya ka pa para makapili ng sariwang isda.” Dagdag pa niya.
“Loko, marinig ka ng asawa mo. Lagot ka na naman doon sa sasakyan ka na naman matutulog p’re,” ani Dexter kay Henry.
“Sa dami ko naman ng experience sa buhay, hindi ko na habol ang virgin o sariwa. Ang gusto ko maayos na partner na maiintindihan ako at hindi ako kailangan na baguhin o ano pa man. A woman that is matured enough to understand that she’s not the only person in my life and can deal will all the demon inside me. Kung ang matatagpuan kong babae ay may anak o hiwalay sa asawa wala sakin iyon. As long na nagkakaintindihan kaming dalawa ayos na sakin iyon.”
Sabay-sabay na umiling lang silang apat matapos ko ang speech ko.
……………………………………