Thirteen FOR THE PAST three days hindi ako nakapagtrabaho nang maayos. Pero hindi ako nagrereklamo, masaya ako na alagaan si Violet habang nasa Manila sila ni Jolene. Mas madalas na nasa labas kami, sa mall o kaya naman sa mga themed park para sa mga bata, dinala ko rin si Violet sa 3D museum para ilibot at libangin. Tuwang-tuwa naman ang bata, mas masaya sana kung kasama namin si Jolene sa lahat nang mga lakad naming. Masyado kasing busy si Jolene, mukhang marami siyang dapat asikasuhin. “Whoa! Kuya bakit kasama mo si Violet?” mangha na tanong ni Madeline. Nag-video call kasi ako sa kaniya ngayon, hihingi ako ng advise tungkol sa pancake na gustong kainin ni Violet. Kaming dalawa lang kasi ang naiwan sa bahay, kahit sabado na may trabaho pa rin si Jolene. “Kilala mo si Violet?” kunw