Fixing her Chapter 18 “MAY NAISIP KA na ba na gagawin sa proposal mo kuya?” pangungulit sa akin ni Madeline. Medyo mataray pa niya ako kung kausapin. Paano kasi tinanggihan ko ang sinabi niya sa akin, ang hirap naman kasi nang gusto niyang sabihin. “Ang hirap naman kasi ng trip to memory lane mo, nakalimutan mo na yata na ilang buwan pa lang kaming mag-boyfriend. At mahigpit isang taon naman na magkakilala. Baka limang memory pictures lang maipakita ko mawala ang trill na dapat niyang maramdaman,” reklamo ko naman. Kaya nga noong isang linggo nakipagkita ako sa mga kaibigan ko para humingi nang tulong sa kanila kasi wala talaga akong maisip. “May naisip si Jerome, ilagay ko daw sa libro ung singsing instead of jewelry box,” sabi ko. "At paano niyo ilalagay ang singsing aa libr