Jethro's POV
Just like the old times, I was stuck here in a goddamn traffic. Wala na yatang pag-asang maalis ang traffic sa Pilipinas. Sanay na rin naman ang mga tao.
I look at my phone and saw DJ calling. I put him on speaker.
"What?"
"What now, pare? Nasaan ka na?" inip niyang tanong pero mas naiinip na ako. I want to have a drink already.
"I'm on my way! Pvtcha! Sobrang traffic kasi," reklamo ko at tumawa siya sa kabilang linya. Maingay ang background and I know that they're having fun already.
"Bilisan mo, pare. May chicks dito."
"Nah! I don't care. I'll hung up now." Pinutol ko na agad ang tawag dahil alam kong magyayabang na naman siya tungkol sa babaeng makaka-hook up niya ngayong gabi. And I'm so done hearing his flirting story.
I'm Jethro Claveria, I don't flirt. I only make out with girls I know won't demand anything from me. I won't let cheap girls to have a bragging rights that we made out. I want them all to just drool over me knowing that they won't have a chance to touch me.
Hindi ko alam kung bakit nagyaya ngayon si DJ. Marahil ay dahil malapit na ang pasukan. Pero palipat-lipat kami ng school dahil lagi kaming naki-kick out because of our gang fights. And this year, sa Wellington High namin gustong maghari-harian.
Lahat ng school na pasukan namin ay kinatatakutan kami ng mga estudyante. Wala pang nagtangkang kumalaban sa amin na nanalo. Lahat sila, sinisiguro naming hindi na uulit at magtatangka na banggain ang grupo namin.
Except sa isang babae kanina.
"Dark Core Gang, sa wakas ay nagkaharap din tayo..." sabi ng leader ng hindi ko kilalang gang. Halata namang mga mahihinang nilalang ang kaharap namin ngayon. Some of them are holding a bat. Nagsimula nang maglayuan ang mga tao sa park dahil alam nilang gulo ito.
Pumili ako ng mga magiging target ko. They were fifteen and we're just four. Wala pa si DJ sa ngayon bibilhan pa niya ng regalo ang kapatid niyang babae. Gayunpaman ay hindi kami aatras.
Hindi pa man ako nakakapili ng target ko ay may sumugod na sa akin. Wrong move, kid. That's sucide. He tries to surprise me with a bat but I easily dodged it. Napangisi ako nang mahawakan ang bat ng lalaki at inagawa iyon gamit lamang ang isang kamay.
He looks at his hands at nagulat nang makitang wala na siyang hawak na anumang magagamit laban sa akin. What? They call themselves gangsters but can't fight with their barehands?
Hindi na ako nagsayang ng lakas sa kakaisip kung paano sila naging gangster at hinampas ko na siya ng bat sa mukha. Mabilis siyang bumulagta sa damuhan. Isa pang lalaki ang sumugod sa akin. He's not holding anything so I threw the bat I am holding.
Walang kahirap-hirap kong naiilagan ang mga suntok niya. Seriously? Ito na ’yong leader nila? Naumay ako sa pag-ilag, so for a change, I threw fist. Mabilis siyang napaatras at napahawak sa ilong niya. He looks at his hand na ngayon ay may dugo na.
He tries to attack me again pero sunod-sunod na ang pinakawalan kong suntok at hindi na niya ako nahawakan pa. What? Ito na yun? They can't even put my gang members in trouble. Para lang kaming nagsa-shadow boxing.
"Fvck!" Mahina akong napamura nang may mabunggo akong babae. Pero hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa pagsapak sa leader ng kalabang gang. Susuntukin ko na sana ng huling suntok ang isang ito pero may babaeng lumapit sa amin at tila nagta-tatrums.
"Sinong bumunggo sa akin?" Lahat kami ay natigilan! Fvck! Sino ba ang babaeng ’to? Hindi ba niya alam na delikado rito? Pinapaalis at pinapaalalahanan na siya ng mga taong nakapaligid pero ayaw niyang makinig.
"FVCK! DON'T YOU HEAR ME? SABI KO SINONG BUMUNGGO SA AKIN?" Galit na galit niyang sigaw. This girl is really getting into my nerves. Damn all women. What a pain in the ass!
"DAMN! WHO DO YOU THINK YOU ARE?" I shouted back at itinulak ang leader na hindi man lang nakaisang suntok sa akin. Masuwerte siya dahil may iba na akong mapagbabalingan ng init ng ulo. He was saved by this unthinking b***h.
I look at the thing she is holding dahil baka naroon ang sagot sa tanong kung bakit sa nagwawala. At nakita ko ang hawak nitang ice cream.
"Ikaw ba ang bumunggo sa akin?" Maangas niyang tanong. And I admit, mas may kilabot ang mga bigkas niya kaysa sa mga lalaking nakahandusay sa lupa.
"Hindi ko na kasalanan kung—" Napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang malamig na bagay sa aking noo. And I couldn't believe that someone dared to push an ice cream in me.
"Aww..." Natatawang reaction ng mga kasama ko. Did she do this in front of my gang members?
"Ayoko sa lahat ay ’yong iniistorbo at sinisira ang pagkain ko!" singhal niya at walang sabi-sabi kaming tinalikuran. Sumakay sa kotse. Nakalayo na siya ngunit ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng ginawa niya.
To think na nagwala siya dahil nasira at nahulog ang ice cream niya? Sorry, miss, but I'm Jethro Claveria. And I won't let it slide. You have to pay for what you just did. Tumakbo ako papunta sa sasakyan ko.
"Jethro, saan ka pupunta?"
"Ipapakilala ko lang sa babaeng ’yon kung sino ang binabangga niya."
"Kalma lang pare, ha? Chicks pa naman ’yon," biro pa nung isa pagkasakay ko ng kotse
"Fvck you!" I raised my middle finger at narinig ko pa ang tawanan nila bago ko isarado ang pinto.
Binilisan ko ang pagda-drive para maabutan ang sasakyan ng maangas na babaeng ’yon. Sino ba siya sa inaakala niya? Natanaw ko ang pamilyar niyang sasakyan at pumasok iyon sa isang exclusive subdivision.
I stepped on the gas at nang malagpasan ko siya ay iniharang ko ang kotse ko sa sasakyan niya. I hop out my car and it surprised me that she hop out, too. She's really this fearless, huh? She keeps on going near and I salute her bravery. The guts! Sumandal ako sa kotse ko at pinanood ang paglapit niya sa akin.
"So what is your problem?" inip niyang tanong at napangisi ako. Naglabas ako ng isang pakete ng sigarilyo at nagsindi ng isa.
"Kung sa tingin mo ay mapapalagpas ko ang ginawa mo sa akin kanina, well I'm sorry but you're wrong," sabi ko na sa malayo nakatingin. I can't even look at her ugly face.
"So what if I'm wrong? Nobody's perfect," she said sarcastically.
"Don't you dare talk back to me that way. You don't know who are you messing up with," banta ko ngunit ni hindi ko man lang siya nakitaan ng takot. Tila walang epekto ang salita ko sa kanya.
"Hmm... Matatakot na ba ako?" Sa pagkakataongbito ay binalingan ko na siya ng tingin. Sinalubong niya ang mga titig ko at alam kong hindi siya magpapadarag.
"Masyado kang matapang! Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng katapangan mo," sabi ko at sinuot ang aking sunglasses. Hindi ako pumapatol sa babae pero kung tulad niya ang mag-aangas sa akin, baka patulan ko siya.
Bago ko pa makalimutang babae ang kaharap ko ngayon ay tinalikuran ko na siya at bumalik sa sasakyan. Mabilis akong nag-drive dahil sa labis na inis at galit. Nakita ko pa siya sa rear view mirror na nakatanaw sa sasakyan ko. May araw ka rin sa aking babae ka.
Sa mall ako dumiretso para magpalamig at nakita ko roon si DJ. Tinawag ko lang siya pero hindi ko na inistorbo dahil may kasama siyang babae. Nagyaya na lang siya mag-bar mamaya.
—
Matapos ang pagkaka-stuck ko sa traffic, sa wakas ay naka-move on na ako. Nakalusot ako sa mga sasakyan at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Dumiretso agad ako sa loob para sana hanapin na ang mga kasama ko pero may isang babae ang humila sa akin. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na napansin kung sino iyon.
And to my surprise, I felt something soft landed on my lips. I have only kissed few lips but this one is different. It tastes really different. I can taste the bitterness of beer but I still find it sugarly sweet.
Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako balak halikan pero ayos lang sa akin kahit magtagal pa ito. Yea, I'm enjoying her lips but I want to push my luck. Let's take this kiss to another level. I tried to kiss her deeper. But the moment I move my lips, she pushes me and I felt a smack on my face.
What was that?
I was about to confront her but when I saw her face, I almost choke.
"Ikaw?" sabay naming sabi at tila nabigla rin siya.
"Why did you do that?" tanong niya. What? Ako pa ngayon?
"You insisted the kiss!" I remind her. Her face turns red and I don't know if it's because of what she did or just because of anger.
"Kahit pa! You shouldn't have—nevermind!" Bigla na lang niya akong tinalikuran at naglakad na siya palayo.
"Remember, you did the first move!" I shouted just to piss her more. I thought she didn't hear me because of the huge crowd and loud music but she raised her hand raised her middle finger. I can't help but laugh.
What a badass.
I touched my lips and shrug. Dumiretso na ako at hinanap sina DJ. I saw him at the counter.
"Bro," bati ko at naupo sa tabi niya.
"Dumating ka pa, pare " Humalakhak ako at napakunot ang noo niya. Tinaasan niya ako ng kilay at buong pagtatakha akong tiningnan. "Ang saya mo yata?" komento niya at muli akong natawa.
"Paano mo naman nasabi?"
"Dahil tumatawa ka ngayon?" he said sarcastically. Nginitian ko lang siya at um-order ng drinks.
"Bye, DK! Uwi na kami ni Astrid." Napatingin ako sa babaeng nagpaalam kay DJ. As far as I remember, siya ’yong kasam niya kanina sa mall
"Agad? Ang aga naman yata?" DJ said. Alam kong ayaw pa niyang pauwiin ang babae. I look at DJ and study his expressions. I know him very well. He's not flirting with this girl.
"Na-badtrip si Astrid, e. Ewan ko kung bakit. Nasaan na ba ’yon? Wait nga lang." Umalis siya at hinanap na yata ang kasama niya.
"Sino ba ’yon pare?" tanong ko. Lagi kaming magkakasama nina DJ ngunit ngayon ko lang nakita ang babaeng ’yon. Wala rin namang naikukuwento tungkol sa bago niyang mga babae.
"Si Meredith ’yon, pare. She's very silly. She thinks we're both gays."
"What?"
"I don't know why but I don't feel offended." Natatawa niyang sabi kaya tiningnan ko siya nang masama.
"Don't tell me bakla ka na talaga?" biro ko at binatukan niya ako.
"Sa tingin mo ba ’yong ganitong hitsura magiging bakla?" he boasts.
"Why don't you feel offended then?" Taas-kilay kong tanong.
"I don't know. Natutuwa lang siguro ako sa kanya," aniya. Dumating ang order kong inumin kaya tumungga agad ako.
"You like her?" Hindi na ako nagkapagpigil pa at nagtanong na.
"No way, dude! I found her cute, yea. Pero ’yong best friend niya? Iyon, pare, iyon ang gusto ko."
"Ang tanong...gusto ka ba?" I taunted him. Napahawak siya sa baba at nag-isip.
"That's the thing about her. She's too elusive."
"Then huwag ka nang umasang—"
"DJ!" Natigil ulit kami sa pag-uusap nang muli na namang sumulpot si Meredith. Ngunit may kasama na siya at nasa likuran niya ito. Sinilip ko kung sino ba ang flavor of the month ni DJ.
And for the record, siya na naman. That girl never ceases to surprise me. Maging siya ay nagulat nang magtamang muli ang aming mga mata.
"Bye, DJ! Bye, Jethro!" How did she even know my name?
"Magpaalam ka na rin, Astrid," utos ni Meredith kay... Astrid, right?
"Why would I?" Masungit nitong sambit at walang paalam kaming tinalikuran.
"Pasensya na kayo, ha? Badtrip lang talaga siya." Nagpaalam na rin si Meredith para sundan ang kaibigan niya.
—