Astrid's POV Nang nasa parking lot na ako ng campus ay nakita ko si DJ. Hindi pa ito nakakauwi? Mabuti naman at hindi niya kasama si Meredith. Napatingin siya sa akin at kinawayan ako. Naglakad siya palapit sa akin. “Hindi ka pa rin pala nakakauwi. Hatid na kita," sabi niya pagkalapit niya sa akin. “Mukha bang hind ko kayang umuwi mag-isa?” mataray kong tanong. “Stop playing hard to get! Wala pang babae ang tumatanggi sa akin,” mayabang niyang sabi. “Pwes ngayon mayroon na!” Sumakay ako ng kotse ko at iniwan siya roon.Ang yabang talaga ng lalaking ’yon! Ewan ko kung paano napagtyatyagaan ni Meredith na pakisamahan ang lalaking ’yon! Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko. Anak ng! Sinusundan ba ako nito? Tinigil ko kotse ko at huminto rin siya. Nang bumaba ako ay bumaba rin siya.