Jethro's POV Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang ayaw ko sa idea na si Astrid ang inaakala ni DJ na gusto niya?Dapat ba kong pumayag? Pero kaibigan siya ni DJ. “Urgh!” Nagulo ko na lang ang buhok ko. “Jethro, are you alright?” napalingon ako nang marinig ang boses ni tita at napatayo. “Opo tita... Bakit gising pa po kayo?” “Chineck ko lang kung tulog na si DJ. Kaso napansin kong wala ka sa room kaya hinanap kita.” “Pasensya na po tita. Nagpapahangin lang po ako.” “It’s alright. Chineck ko rin sina Meredith at Astrid, kaso wala si Astrid... Nakita mo ba siya?” “Po? Sabi niya po matutulog na siya eh.” “Naku, eh bakit wala siya sa room?” takhang tanong niya. “Sige po tita, ako na lang po maghahanap sa kanya.” Pumasok na si tita sa loob. Nasaan kaya ang babaeng yon? Malam