Habang kumakain ako, natanawan ko ang mag-asawa na kaibigan nila Daddy. May isang lalake ang kasama ni Hailey ng lumapit sa kanyang Mommy at Daddy. Pero hindi ko yun namukhaan ng dahil sa nakatalikod ito.
Ano kayang itsura? Gwapo kaya? Napangiti ako habang naibulong at binalikan ang kinakain ko.
Iyon na siguro ang kanilang anak na nabanggit kangina. Jude? Nasambit ko ng maalala ang pangalan ng panganay na anak na sinasabi ng mag-asawa.
Jude nga ata! Dr. Jude Almoro ang iniwika ng kanyang ama. Isa raw kasi itong doctor sa isa sa kilala at pinakamalaking ospital rito sa buong bansa.
“Hi!” nagulat pa ako ng mag-angat ng aking mukha ng may marinig akong nagsalita mismo sa harap ng aking mesa na kinauupuan banda sa gilid kung saan ay walang gaanong tao ang makikita.
Pero tanaw ko pa rin naman ang lahat-lahat ng bisita ni Dad kung titingnan rito. Hindi nga lang gaano daanin ng mga bisita rito dahil halos lahat ay sa gitna mga naroroon.
Malalakas ang tugtugin at maiingay na nagsasalita sa microphone si Daddy habang kanyang binabanggit ang tagumpay na narating ng kanilang itinayong Telephone Company ni Mommy.
Malalakas na palakpakan at ang ilan ay mga sumisigaw habang nagpapasalamat na si Daddy sa lahat ng mga dumalo sa kanyang birthday party. “Pwede bang makiupo?” anito muli ng lalake na siyang bumati sa akin ngayon-ngayon lang din.
“Wala na kasing bakante sa banda ruon. Pwede bang makipwesto rito sa tabi mo at makiupo?” Nakangiti pa ito na mas lalong nagpagwapo rito.
“Sige, maupo ka.” Sagot ko nalang. Tama naman ito ng dahil sa rami ng bisita wala ng mauupuan sa bandang gitna. Dito nalang sa gawi ko ang mailan-ilang bakante at dito ay walang gaanong tao.
“Salamat ahh! Masyado rin kasing maingay ruon. Kaya medyo napagawi ako rito banda sa pwesto mo.” Anito muli.
Pakialam ko ba! Napakadaldal naman nitong lalakeng ito. Pinaupo ko na nga, dumadaldal pa habang sumusubo ng kanyang pagkain.
“Bisita ka rin ba?” nakangiti na kanyang itinanong muli.
Napahigit ako ng hininga at naiinis ako sa kanyang kadaldalan. “Sorry, madaldal na yata ako masyado. Pasensya na marami akong tanong. Ako kasi, pinilit lang ng parents ko na tumungo rito. Katunayan malalapit na kaibigan ng parents ko ang siyang may birthday rito. Tinawagan lang ako ng sister ko para patunguhin rito na dapat ay pauwi na sana ako.” Sa itsura nga ng kanyang mukha bakas ang pagkadismaya na napunta pa siya rito ng dahil sa pamimilit ng kanyang magulang.
“Wala ka ng juice, teka, tatawag ako ng waiter ng mabigyan ka. Gusto mo rin ba ng food? Ikukuha kita at papapunta ako ruon sa buffet table para kumuha ulit ng food. Baka gusto mo ikukuha rin kita.”
Pati ba naman maging baso ko na walang laman at pagkain? Ano bang pakialam nito at pati yon ay kanyang napansin. Hinayaan ko na nga siya maupo at makishare aking mesa na kinauupuan. Ang daldal pa niya maging pagkain ay nais akong ikuha.
“No, thanks nalang. Busog na ako at ayos na sa akin yung kinain ko. Actually papatayo na sana ako ng lumapit ka rito. Sige, mauna na ako.” Sagot ko sa kanya at tumayo. Napailing nalang ako sa kakulitan ng lalakeng bigla nalang lumapit at nakiupo.
Nakakainis ang isang yon! Nasambit ko ng papalayo.
************
“Kuya naririto ka lang pala. Kangina ka pa hinahanap nila Mom at Dad. May ipakilala raw sayo. Babae, maganda.” Nakangiti at masaya na iwinika ni Hailey.
Excited pa itong hinila ako papatayo sa upuan matapos kong kumain. “Teka nga lang, matanggal naman yung braso ko sa pamamaraan ng paghila mo.” Anito kong sinabi sa kanya. “Kung baltakin mo at hilahin para ng maaalis yung braso ko. Pwede bang dahan-dahan lang muna at baka madapa rin tayong dalawa.” Sinabi ko pang muli rito ng mabibilis ang yapak sa bawat hakbang makalapit lang sa aming mga magulang.
“Sabi kasi nila Mom at Dad, dapat raw kong bilisan sa pagdala sayo ruon ng may commission ako. Nakita mo na, parang ikaw lang yung mga parents natin nadadaan ako sa suhol.” Natatawa niyang iwinika na parang bata.
Sabagay sa isang banda ay tama siya. Madalas na dinadaan siya sa suhol para mapasunod lang namin siya ni Dad. Kahit si Mom ay natututo na rin na daanin siya sa suhol para lang talaga mapasunod. Mas busy pa siya sa pakikipag-usap madalas sa phone at nagtetelebabad hanggang hindi bumibigay yung kausap at ito ang mauna sumuko kesa kay Hailey.
Bunsong anak kasi si Hailey, kaya naman sunod-sunod lang ang luho at mga favor nito ang madalas na masunod. Kahit siya ang napapakinabangan nila Dad sa kumpanya. Si Hailey pa rin ang masasabing mas sakit sa ulo sa aming dalawa. Dahil sa pagiging spoiled brat nito na hindi na naalis hanggang tumuntong sa edad niya ngayon. Para pa rin kasi siyang bata kung kumilos at minsan maging sa pagsasalita.
“Ikaw talaga, may racket ka pala kaya kung makakilos ka ngayon ay naiiba. Kung lakihan ko at tapatan yung ibibigay nila Dad at Mom? Payag ka? Para makaalis at makauwi nalang ako.” Pakikipag-deal ko sa kanya. Subalit ngumuso si Hailey at umiling.
“Ayoko, bakit natatakot ka bang ipakasal ka nila duon sa babae?” Panunukso nito na sinabi ng nakangisi.
“Bakit ako matatakot? Hindi naman magagawa nila Mom at Dad ang bagay na yon. Alam mo naman sa usapang pag-aasawa. Laging pinapriority nila ang panig natin at kagustuhan. Parang ikaw lang, nakita mo nga. Sa edad mong ‘yan para ka pa ring bata kung kumilos at magsalita. Pero, nakita mo ba kahit minsan na pinagsabihan ka nila? Hindi di ba?” Nakatawa kong sinabi sa kanya.
Tama naman kasi sa itinanda namin dalawa. Kahit minsan pagdating sa usapan ng pag-aasawa walang sapilitan. Marunong mag-antay ang aming mga magulang. Hanggang mapagdesisyonan na namin ni Hailey ang pumasok sa buhay may asawa. Tanda ko pa, bilin ni Mom, dapat handa kami ni Hailey sa bagay na yon oras na pumasok kami. Hindi lang ito isang laro o bahay-bahayan na matapos magsawa pwede ng iwanan.
Kaya ako, susulitin ko muna ang pagiging buhay binata. Saka na yung pag-aasawa. Sa parte ko, wala naman expiration. Hindi gaya ni Hailey na mayroon hahabulin.