APPLE'S POV'S
Puso ko ang lakas ng kaba, pero yung nasalat ng pw*t ko ng mapaupo ako sa pangandong niya ang kinatahimik ko bigla. Hindi ko talaga expect na kay tigas nuon at umbok talaga.
Jusko! Ano na naman ba itong napasok ko ngayon? Bakit ba sa lahat ng pagkakataon ngayon pa talaga ako dadanas ng ganito at sa baliw na doktor pa. Kahit makapagsalita ay di ko magawa. Natahimik ako na parang naging pipi habang nakatingin ito.
Pinagmamasdan niya yung mukha ko habang di ko alam kung ano ba tumatakbo sa isip nito. Nagtataka ako pero di ko na naiwasan ang di singhalan siya dahil sa madalas na pag-ngiti na pakiramdam ko may di maganda na naglalaro sa isip nito. “Problema mo?" ani na sabi ko ng singhalan ko siya.
Ngumiti lang siya at sinabi. “Wala!" sagot niya sa akin habang hawak niya pa rin ako sa magkabila kong braso.
“Bitiwan mo na nga ako." ani ng ko ng ayaw niya ako bitiwan at mas humigpit pa ang pagkakahawak niya. “Bitiwan mo ako." ulit ko na sabi ng naiilang na ako sa mga pangiti-ngiti nito. Nahihiwagaan na rin ako dahil sa madalas niya pagngisi.
Ano kaya nasa isip nito? nang maibulalas ko sa isip habang kita ko pa rin ang pangiti-ngiti niya at parang may kakaiba sa kanyang iniisip.
“Pwede bang ganito lang muna." sabi niya sa akin at kinagulat ko ng kanya niya na inumpisahan na maiyakap ang dalawang mga kamay niya at maipulupot yon sa aking katawan. Niyakap niya ako mula sa aking likuran yakap niya ako ng mahigpit habang nakaupo ako sa kanyang pangandong.
Hindi ko magawa ang pumalag dahil sa mahigpit na kanyang pagkakayakap. Pinipigilan ko na mas humigpit pa ng kanya maigalaw ang kanyang dalawang braso na nakapulupot sa aking magkabilang bahagi ng katawan.
Napalunok ako, kinabahan at napapaisip kung may susunod pa ba sa kanyang ginagawa. Pero nagulat ako ng magsalita na siya ulit at sinabi. “Ang sarap mo pala yakapin. Very warm!" sabi niya na naipikit ko pa ang aking mata na bahagya naman ako kiniliti sa kanyang wika. Napakasmooth ng pagkakasabi niya at para bang nanuot sa aking pandinig. Nakagat ang pang-ibabang labi ko ng gumalaw muli ang magkabila niyang kamay at hindi ko alam kung mapigilan ko ba ang mga susunod pa nitong paggalaw.
Mas lalo ko pa naramdaman ang pagdikit maigi ng aking katawan at maging ang sa kinauupuan ko na para bang kumikibot-kibot mayroong pakiramdam. Mas lumakas pa ang kaba ko ng ang magkabila niyang kamay ay umabot na sa pang-ibabang dibdib ko.
“Apple!" ani niya na nakakabaliw sa pandinig dahil sa malamyos na boses na pagkakasambit. Para lang siya bumubulong sa hangin at habang nadadampi sa aking balat ay nagdudulot yon ng kakaibang init na tila ba isang boltahe ng nag-iinit na kuryente.
“Apple!" pangalawa niyang sambit at kinabigla ko ng mailapit niya nag kanyang bibig sa may likuran ng aking taenga. Mula duon ay nagsalita siya muli at saka nagtanong. “Bukas ka na ba sa panibagong relationship? Open ba kung susubukin ko na pumasok sa buhay mo? Hahayaan mo ba na makapasok ako kung manliligaw ako?" tanong niya sa akin na di ako nakakibo.
Nagulat ako, nanlaki ang mata mula sa pagkakatalikod ko sa kanya. Habang yakap niya ako ay nagtapat siya at nagtanong at sinabi pa niya ulit at narinig ko mula sa mga pag-amin niya sa kanyang nararamdaman. “Pakiramdam ko kasi, yung obsession na nararamdaman ko ng makita kita, di naman obsessed ako sayo. Pero sa tingin ko, mahal kita, gusto kita, Apple!" para bang napatigil ang mundo ko sa kanyang sinabi.
Obsessed, obsessed siya pero ngayon ay tingin niya na gusto niya na ako. Ang labo, walang linaw o baka naman pinasasakay niya lang ako mula sa sinabi niya.
Pero ang sinabi naman niya na yon ay malaki ang naging impact sa nararamdaman ko ngayon dahil sa mga pinaggagawa niya.
Nagulat ako, nagulat talaga ako ng bigla siya magtapat ng wala sa oras. Ang bilis, biro ba ulit ito? Isang biro na naman ba ito at talagang pinasasakay niya lang ako. Hindi ko alam, hindi ko rin alam ang katotohanan sa mga sibani niya mula sa pag-amin nito mula sa mga sinabi niya. Maging ako naguguluhan, utak ko magulo dahil di ko maunawaan kung biro na naman ba at isa lang sa marami niyang pa-segway na tulad ng sinasabi niya kangina.
“Really, I like you, April." sabi na naman niya at bigla niya ako pinihit paharap sa kanya. Nagkatinginan pa kami, nagtama ang aming mga mata at ngayon para na yon mga nag-uusap.
Napalunok ko, maging siya ay ganuon rin at makikita sa mata nito na parang totoo naman siya sa kanyang sinabi. Pero ayaw ko muna maniwala, nahihirapan ako paniwalaan ang mga naisambit niya habang ako naman ay nangangapa sa aking nararamdaman.
Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko at Ang t***k ng puso ko mas bumilis pa sa kanina. “I..." nang biglang may kumatok at napilitan siyang wag ituloy ang sasabihin.
“Sino yan?" ani ni Jude narinig ko pa na sumagot ang taong nasa labas na kumakatok.
“Dok, si Nurse Mia po." ani nito, yung tao sa labas. “Dok, busy ka?" tanong na sabi pang muli at napilitan na tumayo si Jude. Ang baliw na doktor, pinatayo ako matapos na maibitaw ang dalawa niyang kamay sa aking katawan.
“Teka lang, may istorbo na." anito na naibulalas pabulong bago siya lumakad papunta sa pintuan. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad at inayos ang kanyang sarili. Maging ako, inayos ko ang sarili ko ng magusot ang suot ko ay bahagya ko pa iyon pinalis para maging maayos muli tingnan.
“Dok, may ginagawa ka ba? Kailangan kasi namin sana ng tulong, baka pwede ka?" ani ng nurse na babae na kanyang kausap. Nagawa niya pa ako lingunin matapos ay tingnan. “Off ko na di ba?" ani ng pabiro pero sa akin nakatingin.
“Kasi, Dok. Busy yung ibang mga doktor, may emergency patient na kailangan matingnan. Baka pwede ka? Makikiusap ako... Alam ko naman na off muna, kaya lang emergency talaga, baka mamatay yung patient." sabi ng nurse pero ang tingin ng baliw na doktor ay sa akin pa rin.
Hindi ko naman maunawaan ang sinasabi niya na pabulong. “sa***in mo ****s tayo." di ko magets napakamot ako nahiya rin ng sumilip yung nurse.
“Sige na, sumama ka nalang." yun yung nanulas sa bibig ko. At nadismaya naman siya sa naisambit ko. Ang mukha ng nurse na kinatuwa ang nasambit ko habang si Jude parang nainis at nanlumo mula sa nasabi ko.
Walang magawa si Jude. Dahil sa sinabi ko na yon ay napilitan na siya pumayag sa nurse. “Sige, susunod ako. Wait lang, magpapalit lang ako." sabi niya at isinarado na ang pinto at nilocked. Bumaling siya sa aking ng tingin at umiwas naman ako.
“Bakit naman pumayag ka? Off ko na nga, paano ka rito? Mag-iintay ka pa, until matapos ako." sabi niya.
“Ayos lang ako." sagot ko.
“Ikaw, ayos, pero ako hindi." sabi niya.
“Okay nga lang ako, di ba sabi nung nurse delikado yung patient. Baka mamatay. Gusto mo bang mamatay yung pasyente dahil sa tatanggi ako na sumama ka?" sagot ko ulit.
“Mamamatay naman ako."
Napabuntong hininga ako. “Bakit ka naman mamamatay?" hindi ko na napigilan ang matawa.
“Mamamatay ako, kasi di ko pa nakukuha yung sagot mo." sabi niya napangiti siya at sinabi ulit. “Apple, mahal kita!" anito na kinapitlag ko ng idikit niya ang kanyang mukha sa mukha ko na para bang hahalikan niya ako na kinatawa niya ng mapapikit ako.
“Mamaya nalang. Pagbalik ko, ayaw ko ng bitin. Gusto ko, yung liliparin ka sa mga halik ko, mamaya nalang." ani ng kintalan ako ng halik sa labi bago pa man maidilat ang aking mata.
Natatawa siya, kinatawa niya ang nagawa kong pagpikit at nag-intay sa kanyang paghalik. Pero nagmamadali na siya, hindi na niya naituloy at lumabas na siya ng kwarto. “Intayin mo ako ahh!" sabi niya at nagmamadali na sa pag-alis. Nang maglapat na ang pintuan, nakahinga ako. Pero yung dibdib ko patuloy lang sa pagkabog.
Apple? Bakit parang nadadala ka na rin sa kanya? Wag mong sabihin nahuhulog ka na rin sa kanya? Wag mong sabihin na gusto mo na rin siya? Wag mong sabihin, inaantay mo na talaga ang halik niya matapos ang makailang ulit na paghalik niya sayo ay nasarapan ka na.
Nagugustuhan mo na ba ang mga halik na ginagawa niya sayo mula ng magkita at magkasama kayo sa buong maghapon? In love ka na nga kaya sa kanya? Apple? Tuluyan ka na nga kaya nahulog sa mga pa-segway niya sayo ng di mo pa nga alam. Kung totoo ba lahat ng mga sinasabi niya sayo. Hindi mo pa nga alam ang tunay na pakay niya kung bakit niya ginagawa ito sayo.
Hindi mo pa nga alam, kung sa lahat ng mga sinabi niya ay lahat pawang may katotohanan o kahit isa sa mga sinabi niya ay pawang may katotohanan o baka pinasasakay ka lang dim niya gaya sa mga babaeng madalas niya na ilabas na gaya na sabi niya at sa bibig na nito lumabas.
Nag iisip ako, pinag iisipan kong mabuti lahat. Nag-iisip ako kung dapat ko bang patulan at paniwalaan ang mga sinambit niya bago siya umalis kangina. Pinag-iisipan ko at dahil gumugulo iyon ngayon sa utak ko maging sa sinasabi ng puso ko.
************
JUDE'S POV'S
“Istorbo ka, Nurse Mia, alam mo na may kasama ako sa loob ng kwarto ko. Bakit naman kumatok ka pa?" ani ko pabiro habang naglalakad ako kasama itong pasaway na nurse na gumulo sa mga maganda na sanang lagay ng pagtatapat ko kay Apple.
“Naku, Dok. Tumigil ka nga, istorbo. Bakit? Pang ilan na ba siyang dinala mo rito sa ospital? Lahat naman walang mga nagtatagal. Mukhang malabo pa rin ang isang iyon. Saan mo ba nakilala yon?" ani na sagot ni Nurse Mia at tinanong rin ako. “Alam mo, Dok, bakit di ka kaya magseryoso na pagdating sa mga babae? ani ni Nurse Mia na kinatawa ko.
“Bakit? Mukha bang di pa ako seryoso sa lagay na yon?" ani na tanong ko pabalik sa sinabi niya.
“Seryoso ka ba? Parang di naman kasi halata, sa ilang babae na dinala mo rito, parang iisa lang ang gawa mo." sabay natawa ito mula sa sinabi niya.
“Seryoso nga ako, I think she's the one." sabay kinatawa niya ng malakas.
“Dok, I think narinig ko na yan sayo minsan. Pero, sa pagkakaalala ko may sampong beses ko na yan narinig sayo." ani ng may biro ni Nurse Mia. Papasok na kami sa ER ng may tumawag pa.
“Dok, patingin din ako ng patient ko pagkatapos." sabi ng isa pa na kinatawa ko.
“Off ko di ba? Bakit puro ako nakikita niyo? May lakad pa ako, baka pwede na sa ibang doktor nalang." sabi ko.
Hindi naman sa inaayawan ko yung pasyente. Baka matagalan lang ako at maulit-ulit pa ang maging dating ng mga nakikisuyo na mga nurse sa paligid. Bakit kasi saan ba nagsipagpunta ang mga doktor rito sa ER?
“Pasensya ka na, Dok. Alam mo naman ba kulang na kulang tayo sa doktor ngayon. Kaya tiis ka muna, next time na yung date niyo." ani ni Nurse Mia.
”Hindi pwede, di ko pa nga napapasagot. Gusto mo agad na i-cancel ko? Kung ikaw kaya yung i-pacancel ko ang off sa susunod na linggo? Papayag ka ba, Nurse Mia?" nakangiti na sabi ko at pabiro na sinita siya. “Tingnan mo yang uniform mo, ayusin mo nga nahahalata. Mukhang duon na naman kayo sa stock room naglagi buong lunch break. Nagpakain ka na naman ng buwaya, ano?" may biro ko at mabilis na inayos ang suot niyang uniporme.
“Ikaw, Dok. Baka mamaya may makarinig sayo. Alam mo naman isang malaking secret lang yon. Ikaw at ako lang nakakaalam. Kaya wag kang madaldal." ani ni Nurse Mia ng nakatawa.
“Sige na, pagkatapos nito. Pwede ka na umalis at tumungo duon sa bagong magiging girlfriend mo, sana siya na nga tulad ng sinambit mo. Baka mamaya, iba na naman makita ko na kinahuhumalingan mo. Maawa ka na sa mga babaeng napapaikot mo sa palad mo. Tama na at magseryoso ka na, dahil tumatanda ka na rin naman. Mahirap na, baka mamaya at the end wala ka na makita na mas matino sa kasama mong babae ngayon. Mukha pa naman mabait at di makakain ng tingin. Hahaha!" biro na sabi niya.
“Ano bang makakain ka diyan. Pasaway na ito, oo, siya na. Saka baka makagalitan pa ako ng parents ko once na lokohin ko siya. Parents ko at parents niya magkaibigan. So, meaning di pwede magloko si Dok, baka mapugutan ng ulo. Hahaha!" sabay ako rin ang natawa sa naging biro ko.
Binilisan ko na at upang makabalik na rin kay Apple at baka naiinip na yon sa kakaintay sa akin. Kaya mas binilisan ko pa ang aking ginagawang paggagamot sa pasyente ni Nurse Mia. Pasyente na may biak, biak yung braso at nasabit raw sa isang matalim na bagay ng di niya napansin. Masyado malalim ang pagkakahiwa at kinakailangan ko pang tahiin. Twenty stitches napakalaki kasi talaga ng pagkakahiwa, kaya maraming tahi rin ang dapat na gawin. Nang matapos ako, nginitian nako ni Nurse Mia at pinauna na niya.
Buti naman at natapos na rin ako. Makakabalik na ulit sa kwarto ko saan nanduon si Apple at naiwan ko kangina.