Reese ANGELINE May ngiti sa labi ko na pinanood ang pag-alis ng sasakyan ni Khalil ngunit namilog ang mga mata ko nang makitang makakasalubong niya ang sasakyan ni Daddy. Doon ako may naalala ang dali-daling kinuha ang concealer sa bag ko. Luckily, I brought it! Kadalasan kasi ay pressed powder at liptint lang ang dala-dala ko. Sa sobrang pag-iisip ko sa kausap ni Khalil kanina ay nawala na sa isip ko ang paglalagay nito sa leeg ko. Habang papalapit ang sasakyan nila daddy ay nanginginig ang kamay kong kinapalan ang concealer sa leeg ko na minarkahan niya kanina. Pagkatapos para mas makampante ay inilugay ko ang buhok ko’t tinakip sa parteng ‘yon ng leeg ko. Bumusina ang kotse ni daddy at bumaba ang bintana no’n. “What are you doing there, Angeline? Kakauwi mo lang?” kunot ang no