Forbidden one ANGELINE Me: Are you kidding me? I thought the reason you– Mariin ang pagkakatikom ng labi na binura ko ang mensahe ko para kay Khalil at inis na ibinaba ang phone ko sa kama. Kinuha ko ang unan at frustrated na sumigaw ro’n. Ipinikit ko ang mga mata ko at magpapasyang matulog na lang dahil sabi niya nga pagod ako pero gising na gising ang diwa ko. No. I’m not going to let you do this to me. I was looking forward to coming home. Kulang na nga lang ay hilahin ko ang mga kasama ko para makauwi na kami agad. Dahil sa paraan ng pagte-text niya iniisip kong kahit anong oras pa kami makauwi, pupuntahan niya ako. Para saan? Para sukatan mo siya? Nang ganitong oras? Ikaw lang ang iniisip niya, pagod siya– Hindi nga ako pagod! Sana tinanong niya kung pagod ba ako talaga o gust