Tinutukso ANGELINE “Mauna na ako sa labas. Hindi naman ako bibili dito. Hindi bagay sa akin ang mga nagmamahalang gown na ‘yan,” ani Chiara matapos akong insultuhin sa harap ng mga kaibigan ko. Nanggagalaiti kong pinagmasdan ang pagtalikod ni Chiara sa amin at naikuyom ang kamao ko. How dare you! Gusto kong magwala at habulin siya. Kung hindi lang dahil sa iminungkahi kong plano kay Kuya na paibigin siya, nunca na papayag akong makasama siya sa amin ngayong araw. Isang linggo mahigit na ang nakakalipas nang dumating sila sa buhay ko. Since then, wala atang araw na hindi mainit ang ulo ko dahil sa kanya at sa bubwit niyang kapatid lalo na rin sa Regina na ‘yon! If not because of my father’s promise to me of another bag that I wanted him to buy, I wouldn’t let them stay for this lo