Aalis ANGELINE Hindi ako pinanganak para maghabol. Bukod sa maganda, matalino, ay isa akong Figueroa–ang pinakamayamang pamilya sa lugar namin. I could get any man I wanted. Maraming nagkakagusto sa akin. Bakit ako magpapakabaliw para sa isang lalaki? If he no longer wants me. Kung bumalik na siya sa ex niya na obsessed sa kanya. Wala na akong pake pa. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya. Hinubad ko ang suot na kwintas at pinunasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko. Kung iniisip niyang naging laro lang ang lahat sa akin, wala na akong magagawa pa. Hindi na ako magpupumilit na paniwalaan niya. Para saan pa? Magkasama na sila ng ex niya–o baka hindi na nga lang ex ulit. “Ma’am–” Itinaas ko ang kamay at tinakpan ang bibig nang kumawala ang hikbi sa bi