Ang sabi nila, ang mga uri ng pagmamahal na nararanasan sa pagkabata ay hindi raw totoo. Ang tawag lang daw roon ay ‘puppy love.’ Hindi ito pagmamahal na tumatagal nang panghabang-buhay at lalong hindi ito ang uri ng pagmamahal na sineseryoso. Noong unang mamulat ako sa mundo ng crushes, si Reigan ang parang light bulb na pumasok sa isipan ko. I was asked by my girl classmates kung sino raw ang crush ko. At ewan ko ba, si Reigan De Alba talaga ang pumasok sa isipan ko! Siguro ay dahil hindi kami close. Kaya naman misteryoso siya para sa ‘kin. Hindi tulad nina Kuya Shilloh, Kuya Caleb, at Kuya Killian na nakakasama ko naman at medyo malapit sa akin kumpara sa kaniya. He doesn’t even know I admire him. He doesn’t even have an idea that I like him! Ang alam niya ay siya ang pinakahindi