Wala sina Ate Iyra at Ate Roxane kaya naman bored na bored ako isang tanghali. I still haven’t enrolled to a summer class. Hinayaan naman ako nina Mommy dahil siguro ay alam rin nila na may ginagawa naman na ako rito sa El Amadeo dahil nandito ang magpipinsang De Alba. Nandito rin sina Ate Iyra at Ate Roxane. Napagpasyahan ko na lang na magpunta sa ilog para maligo. At gaya noong nakaraan ay hindi pa rin ako pinapayagan ng mga kasambahay na gumamit ng kabayo. But as a stubborn teenager that I am, I still chose to break their rule. Sa ilog ang tungo ko ngayon at hindi lamang sa batis. Medyo tago kasi ang batis at nakikinig naman ako noong sinabi nila na delikado raw kung mag-iisa ako roon, so I chose the alternative! Hila-hila ko ang tali ng kabayo habang pinapalakad ito sa lilim ng m