Kabanata 5
KAGAYA nang naging plano ni Althea ay isinama niya ang kanyang kapatid na si Brandon sa Manila. Sobra siyang nahirapang ikumbinsi ito na isasama niya dahil ayaw umalis ng kapatid. Kagaya ng kanyang mga naunang naisip ay talagang mahirap ito dalhin kahit saang lugardahil mas matimbang sa kapatid ang manatili sa kanilang bahay dahil ang bahay lang nila ang naiwang bagay ng mga magulang.
Kahit na mayroong kondisyon si Brandon na kakaiba ay hindi talaga maaalis rito ang pagmamahal sa pamilya. Alam ng bunsong kapatid na patay ang ang kanilang mga magulang. Paunti-unti ay natatanggap iyon ng kapatid ngunit talagang pinapahalagahan nito ang mga bagay na mayroon sila na nagku-konekta sa kanilang mga magulang.
“Promise mo iyan ate, ha? Babalik tayo rito kasi may meeting ka lang sa Manila. Ayaw ko na saiyo kapag nagsinungaling ka sa akin,” banta ni Brandon sa kanya habang nakasakay sila ng kotse.
“Hindi naman kita pwedeng iwan lang basta sa bahay, e. Hindi nga ako napapakali minsan kapag na sa work ako how much more na iwan kita. Alam mo naman hindi ba na may trabaho si ate? Importante ang trabaho kung ito. Kapag hindi ako dumalo ay paniguradong mawawalan ako ng trabaho. Kapag nangyari iyon ay paano na tayong dalawa? Saan tayo kukuha ng ating pagkain sa araw-araw. Brandon, alam kong mahirap saiyo ito ngunit subukan mo ring intindihin si ate, okay? Alam kong hindi mo kontrolado minsan ang sarili mo ngunit sana iyong minsan lang. Kahit papaano ay subukan mong kontroling ang iyong minsan at gawin itong hindi palagi,” mahabang paliwanag ni Althea sa kapatid. Alam niyang naiintindihan siya nito ngunit mahirap talaga par sa kapatid na maging maayos sa lahat ng bagay lalo pa’t minsan ay hindi nila alam kung ano ang ginagawa.
“Naintindihan ko ate ngunit gusto ko lang naman na bumalik tayo sa bahay dahil ayaw kong iwan iyon. Gusto ko lang sa loob ng bahay dahil nandoon diba ang memory nila mama at papa? Miss ko na tuloy sila.”
Payak na ngumiti si Althea kay Brandon. Hinila niya ang bunsong kapatid at niyakap niya ito. “Oo naman, hindi ba sinabi ko lang saiyo na meeting lang ito? Kaya makakabalik tayo sa bahay. Pero bago tayo bumalik ay mamasyal na muna tayo sa mall pagkatapos ng aming meeting. Gusto mo ba ‘yon?
Tumango si Brandon at lumawak ang ngiti nito sa kanya. “Gusto ko po ate na mamasyal tayo sa mall para naman makakita ako ng maraming bagay.”
“Ayon naman pala, e. Gusto mo naman palang makakita ng iba’t-ibang bagay kaya minsan sumama ka sa akin kapag may lakad si ate, okay?”
Tumango si Brandon at ngumiti na naman, “basta uuwi tayo sa atin, okay?”
“Oo nga,” ngumiti siya at ginulo ang buhok ng kapatid.
Mabuti na lamang talaga na ang hotel na kanilang titirhan ay doon lang din gaganapin ang kanilang meeting. Nagpapasalamat siya dahil pinayagan din siyang magdala ng kasama at ang kapatid niya iyon. Naintindihan naman si Denzel ng mga nakakataas sa kanya sa negosyo dahil alam ng mga ito kung gaano ka sensitibo ang pagkakaroong ng kapatid na kagaya ni Brandon.
Nakarating sila sa airport at naghintay lang sila saglit ng kanilang departure. Sobrang ingay na ni Brandon at mabuti nalang kontrolado nito ang bibig. Nang nasa himpapawid na sila ay natakot na ito kaya yumakap sa kanya. Buong oras itong nakayakap sa kanya hanggang sa makarating sila sa Nino’y Aquino International Airport. Diri-diritso lang ang naging biyahe nila Althea dahil paglabas nila sa sorbang laking airport ay mayroong sumundo sa kanilang van. May mga kasama siya sa van at manager din ng ibang branch. Bumati siya sa mga ito at pumwesto sila sa likuran. Sila lang pala ang hinintay ng van at nang maging maayos na ang lahat ay umalis na sila at dinala sa hotel na kanilang titirhan ng tatlong araw.
“Ate, ang huge naman ng hotel,” wika ni Brandon nang tingnan nito ang kabuuan ng gusali. Kababa lang kasi nila mula sa van na sinasakyan at eksaktong nakikita nila kung gaano kalaki ang isang five star hotel.
“Oo ang laki nga. Pumasok na tayo para makapagpahinga,” aniya.
May gumabay sa kanila ni Althea at hinatid sila sa kanilang magiging room. Malaki iyon at king size bed. Mabuti na iyon para hindi masikip ang kanilang mahihigaan para sa kanilang magkapatid.
Mayroong kumatok sa pinto ng kanilang kwarto at si Brandon na ang bumukas niyon. Hindi na binalingan ni Althea kung sino iyon dahil abala siya sa pag-aayos ng kanilang gamit. Kinakailangang matapos niya ito dahil mamayang hapon na ang kanilang meeting.
“Ate binigyan ako ng foods no’ng guy. Breakfast raw natin at lunch ito,” ani ng kapatid habang may tulak-tulak itong kung bagay. Nandoon nakalagay ang mga pagkain.
“Sige, mauna ka nang kumain at tatapusin ko lang ito.” Inililipat ni Althea ang mga gamit nila sa cabinet para naman mas magiging madali sa kanila ang pagkuha sa mga ito at hindi pa gumusot.
“Hihintayin kita ate. Hindi pa naman ako nagugutom, e.” Kinuha ni Brandon ang remote ng tevee at binuksan iyon. Pumwesto ang kapatid sa kama at nakadapa itong nakatingin sa malaking television screen. Kagaya ng kanyang iniisip. Manonood na naman ito sa paborito nitong channel. Lahat ng iyon ay tungkol sa modeling.
“Talaga bang gustong-gusto mong maging model?” tanong niya sa kapatid. Mula noon hanggang ngayon ay ang channel lang para sa mga modelo ang tinitingnan ng kapatid.
“Oo naman ate. Gusto kong maging modelo kung mayroon sana akong chance. Gusto kong makita si Kuya Homer dahil magaling siyang modelo.
“Okay, manood ka na lamang diyan.”
Tinapos ni Althea ang kanyang ginagawa kaya nang siya ay matapos mabilisan ang kanyang pagligo at pagsuot ng pormal na damit. Nangingibabaw sa kanya ang maganda niyang damit na bumagay sa maputi niyang balat at magandang mukha. Nalagay lang siya ng kauting make up.
“I’m ready sa meeting ko,” aniya.
“Ate kumain na muna tayo,” ani Brandon at ito na ang nag-asikaso sa kanya.
“Ang sweet naman ng kapatid ko,” natutuwa niyang wika habang tinatanggap ang binigay na plato ni na may lamang mga pagkain.
“Siyempre para gagalingan mo sa iyong meeting.”
“Meeting lang naman iyon at hindi oral recitation. Muupo lang ako roon at magsasalita lang kung kinakailangan.”
“Kahit na ate, sige na at baka mahuli ka pa.”
Mas naunang natapos sa pagkain si Althea. Mali ang kanyang desisyon na maligo muna bago kumain. Mas lalong mali na nagsuot na muna siya ng lipstick niya bago kumain. Nabura ito pagkatapos niyang mag-tooth brush kaya balik na naman siya sa paglalagay.
“Dito ka lang ha? Huwag lang magpapapasok ng ibang tao sa loob ng room natin, okay? AT higit sa lahat ay huwag na huwag kang lumabas sa kwartong ito kapag hindi ako dumating,” seryosong bilin niya sa kapatid.
“Oo ate, dito lang ako sa loob ng room.”
“Good.” May nanatitira pang minuto si Althea at kaya bumaba na muna siya sa ground floor para bigyang instruction ang mga guard ng hotel. Kung baka sakaling baba si Brandon ay mahaharangan ng mga ito ang kapatid. Mabilis naman kausap ang mga security guard. Pagkatapos niyang ipakita ang larawan ni Brandon ay sumang-ayon na ang mga ito sa kanya.
Nasa second floor ang kanilang venue kaya mabilis lang siyang nakarating. Marami nang tao sa loob ng convention hall at pinili ni Althea na umupo malayo sa ibang manager na masayang nag-uusap. Nakakahiya naman kung sasali siya sa mga ito na hindi naman nuya close. Kaya mas mabuting pinili nilang tumahimik hanggang dumami pa sila ng dumami at nagsimula na ang kanilang managerial meeting.
Paglipas ng mga naunang meeting ay talagang na-bored si Althea. Kung pwede lang na umidlip siya ay gagawin niya ito ngunit hindi pwede. Nakakahiya iyon sa kanyang part na mahuling umiidlip ng tulog lalo pa’t mga manager sila. Kung sa ganitong klaseng meeting ay nakakatulog siya how much more sa actual work? Iyon ang klaseng mindset na ayaw niyang maisip ng mga ito. Talagang nilabanan ni Althea ang antok.
Nasa huling yugto na sila ng kanilang agenda at iyon na ang pinakahihintay ng lahat. Mayroong sampung empty slot bilang manager sa mga branches at umagaw sa kanyang atensyon ang Bohol at Cebu. Lalo na ang Bohol dahil dito nanggaling ang kanyang mga magulang bago paman sila iwan ng mga ito.
“May mga napili na kaming sampu ka tao ang ipapadala sa bawat province at city na ito. Kumbaga, hindi na kailangan ang mag-nominate, mag-vote at magkagulo ngayon dahil sa ayaw at gusto ninyo. Kinakailangan ninyong pumunta sa lugar na ito dahil trabaho. Huwag kayong mag-aalala dahil libre naman ang inyong matitirhan at may sarili kayong kotse. Iyon nga lang possibleng magiging permnente na ang inyong pananatili roon.”
Kahit namaganda ang offer sa kanila ay kinakabahan pa rin si Althea. May bahay na sila ngunit walang kotse ngunit sapat na sapat na iyon sa kanya.
Ilang saglit pa’y inilapag na nila ang pangalan ng manager na ipapadala at kasali na roon kung saan silang probinsiya. Kaagad na nahulaan ni Althea ang dahilan kung bakit tumawag ang kanilang big boss sa kanya last week. Iyon pala ay napili siya nitong ipadala sa Bohol!
Gustong umiyak ni Althea ngunit pinigilan niya. Kailangan niyang maging matured at professional. Ngunit ang malaki niyang problema ngayon ay paano niya iku-kumbinsi si Brandon na sumama sa kanya sa Bohol. Kinakailangang makapag-isip siya ng magandang rason para pumayag ang kapatid ngunit sa pagkakataong ito ay walang pumapasok sa kanyang utak.
Napapa-wow lang ang lahat nang malatag na lahat ang pangalan. Kung para sa mga ito ay magandang offer iyon sa kanya hindi. Ngunit, wala siyang karapatang magreklamo.
Natapos ang pagpupulong at ang napipintong ipapadala sa ibang branches ay pinaiwan na muna at kasali siya roon. Sandali silang kinausap ng CEO para sa kanilang pag-alis. Mabilis iyon at isang linggo magmula ngayon ay kailagan na nilang lumuwas.
Iyon lang ang huling meeting nila ngunit nilibre na ng kompanya ang 3-day stay in nila sa hotel upang makapamasyal sila. Bumalik si Althea sa kanilang silid na medyo mabigat ang pakiramdam. Wala siyang balak na ipaalam na muna kay Brandon ang mga naging outcome ng pagpupulong. Kailangan niyang magkaroon ng magandang tiyempo at rason.
Mayroong pagkain dumating sa kanilang hotel at kumain na rin sila kaagad ni Brandon. Tiningnan ni Althea ang oras masiyado nang madilim para gumala pa sila ng kapatid. Susulutin nalang nila bukas ang galaan dalawa.
Sa gabing iyon ay maagad silang natulog upang magkapagpahinga. Maaga din silang nagising upang maghanda sa galaans. Mas nauna pang nagising sa kanya ang kapatid. At nanood na naman ito ng telebisyon. Tulad ng dati ay sa paborito nitong channel nakatutok ang panonood.
Hinintay lang muna nila Althea ang kanilang pagkain bago paman naligo at umalis. Doon sila nagtungo sa pinakamalaking mall sa Manila. Hindi iyon ang unang beses ni Althea na makapasok roon ngunit namamangha pa rin siya sa sobrang laki at ganda niya. Higit pa roon, ang daming tao!
Ginala niya ang kapatid haggang sa magulat na lamang siya nang bigla siya nitong hilain at pumasok sila sa isang cosmetics na botique.
“Anong ginagawa natin rito?” kilala ni Althea ang mga produkto dahil sikat ito sa buong bansa.
“Kasi ate, dito nagwo-work ang ang cousin ni Kuya Homer. Baka makita natin siya rito.”
“Ha?” nagulat si Althea sa sinabi ng kapatid. Hindi siya makapaniwalang may alam itong mga impormasyon tungkol sa pamilya ng iniidolo nitong modelo.
“Ayon siya ate!”
May isang gwapong lalaki na lumabas mula sa pinto. Kung hindi siya nagkakamali ay opisina iyon. Matangkad at sobrang gwapo nito. Tila nakatingin lang si Althea sa isang artisa na abalang-abala sa pagi-entertain ng mga bisita!
“Kuya Peter!” biglang sigaw na tawag ni Brandon na ikinagulat ni Althea.
“Hoy, nakakahiya ka,” awat niya sa kapatid dahil sobra na iyon.
Napansin sila ng lalaki at napangiti ito. Lumapit ito sa kanila at mas lalo pang gwumapo ang tingin ni Althea rito.
“Hello, ano ang maipaglilingkod ko sainyo? Kilala mo ang name ko?” mabait na kausap ng lalaki kay Brandon na Peter ang pangalan.
“Cousin kayo ni Kuya Homer hindi po ba?”
“Oh wow, kilala mo rin siya. Oo cousin ko siya, bakit?”
“Naku, pasensya na po sir, ha. Talagang hindi ko mapigilang awatin ang kapatid kong ito. Alam mo na, espesyal siya sa ating.”
“Naku, okay lang iyon sa akin. Kapatid mo pala siya?”
“Oo, nag-iisang kapatid.”
“I see,” gwapong ngumiti ang lalaki at bumaling ito sa muli kay Brandon ng magsalita.
“Kasi po ay idol ko siya. Gusto ko ring maging model kagaya niya.”
“Oh wow? Talaga? Naku kapag nalaman to ni Kuya Homer ay matutuwa ‘yon saiyo. Sayang lang at nandoon siya ngayon sa New York pero babalik naman siya rito na next week at magkakaroon ng mahabang pahinga. Doon na muna siya mananatili sa Bohol kasi kasal din ng aming pinsan. Baka kilala mo rin si Kuya Douglas?”
“Pamilya lang po pero kilala ko si Veronica, artista siya dati.”
“Oo, cousin ko rin iyon. Nakakatuwa ka naman sana ay makausap pa kita. Taga rito lang ba kayo?” tanong ni Peter at tumingin ito sa kanya.
“Hindi, e. Taga Legazpi kami. Gumala lang rito at babalik din kami bukas.”
“Legazpi? Oh, nakapunta na ako roon dahil paminsan-minsan pumupunta si Ate Veronica dahil malapit lang roon ang bahay ng kanyang asawa.”
“Mukhang maliit lang talaga ang Pilipinas,” nahihiyang ngumiti si Althea.
“Gusto ko pa sanang makausap kayo lalo na itong bata na ito. Ang kaso marami pa akong gagawin. Lumabas lang ako saglit para tingnan kung maayos ba anag lahat.”
“Naku sir, okay lang po. Thank you sa pagi-entertain.”
“Its my pleasure. Ako nga pala si Peter Montecilio. You can call me Pet or Peter,” inilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya.
“Althea Natividad,” nakipagkamay siya sa lalaki.
“Ang you are?” baling muli ng lalaki kay Brandon.
“Ako po si Brandon.”