Kabanata 45 SA TUWING magkakasama talaga si Althea at Miya ay daig pa nila ang hindi nagkakausap ng ilang isang siglo. Sobrang dami nilang mga pinag-uusapan at iba doon ang tungkol sa kaso at kanyang pagbubuntis. Napakabukas ni Miya sa usapin tungkol sa probinsiya at talagang namangha ito sa lugar dahil unang beses pa nitong makatuntong sa Bohol. Siyempre dahil may pagkapalikera din naman ang bibig ng kaibigan ay naaliw siya kung paano ito magsalita. “Uuwi na ba kayo?” tanong ni Miya nang mabayaran na ni Kelvin ang bills. Nagpresenta ito na ito ang magbabayad. “Kailangan ko pang magpahinga dahil sobrang stressful ng araw na ito. At para na rin sa kalagayan ng aking katawan at anak,” aniya sa kaibigan. “Pero idadaanan ka na namin sa tinitirhan mo,” dagdag niyang wika kay Miya. “Okay hin