Chapter 7: The Wing’s Cage

3329 Words

JASLEAH MARIE SANCHEZ POINT OF VIEW UMAGA na ng magising ako, nasa tabi ko na si Jam at tila ba walang bahid ng kahapon ang kwarto. Naalala ko ang pagdating ni Edison, ang yakap niya sa akin, ang mga napag-usapan namin. Napapikit ako dahil alam ko na dapat iwasan ko na siya matapos ang nakita niya. Bakit ko ba kasi hinayaan na maging malapit ang loob ko sa kaniya?  Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang numero ni Edison. Nag pop up, ‘di ko sinagot ang tawag niya. Sa halip nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at saka ako lumabas ng kwarto upang magluto ng almusal. Matapos kong maligo para maghanda sa pagpasok sa eskwelahan ay binalikan ko ang cellphone ko, nakita ko ang mahigit 60 missed calls niya at mahigit 100 niyang message. Na-memory full nga ang cellphone ko dahil doon. “Ate…”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD