JASLEAH SANCHEZ POINT OF VIEW PITONG TAON na rin ang lumipas mula nang mangyari ang lahat. Maraming nangyari mula noon, ang mga mundo namin ay hindi na muling nagtagpo pero hindi ibig sabihin no'n ay naging mabuti ang lahat para sa amin. Sinubukan kong mabuhay ng normal, magbagong buhay at tuparin ang aking pangako kay Edison. Sinubukan kong maging masaya gaya niya, sinubukan kong ngumiti sa bawat litrato na kinukuha ko. Alam kong ngayon ay masaya na siya. Maganda na ulit ang buhay niya kasama si Shu Qi. Wala na akong mahihiling kung 'di ang makamit niya ang kaligayahan na hindi niya makakamit sa aking piling. "Ate Jas, okay na ba 'tong damit ko?" tanong ni Sedrick sa akin habang pilit na inaayos ang kaniyang uniporme. Ngayon na ang simula ng unang klase nito sa kolehiyo. Kumukuha si S
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books