bc

Owned by the Yakuza

book_age18+
57
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
sex
boss
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG R-18

Dyanne Zamora is a famous and successful chef, pastry, and dessert queen expert in the world of culinary. Despite her success in her life, she still feels incomplete, and she has been to a long-time relationship with his boyfriend. When she found out that her boyfriend was secretly planning an evil scheme against her family, she needed to act fast. But his boyfriend planned it all well that she was almost left at the gutter. And when all hope seems to be lost and gone, she found a savior that would save her. But little did she know that the guy has a few skeletons in his closet.

Will these two individuals find its way to have their destiny be twisted by fate successfully or the other way around?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ate Dyanne, please wake up! We still need to go to your church rehearsal, remember?" Iyan ang maririnig ni Dyanne habang binubuksan ng kanyang kapatid ang kurtina så kanyang kwarto. Agad naman na napatakip si Dyanne sa kanyang mukha gamit ang kanyang unan sabay dumaing at narinig din niyang napadaing din ang kanyang kapatid at agad na hinila nito ang kanyang kumot pababa na kanyang ikinainis. "Sierra, what are you doing? I'm still sleepy, and I went home late last night," sagot ni Dyanne habang nakapikit pa ang kanyang mga mata. "Ate, sinabi naman namin sa iyo na huwag ka nang magtrabaho ng late dahil may appointment ka ngayon. Seriously, ikaw lang yata ang nakita kong ikakasal na hindi busy så sarili niyang kasal," sita ng kanyang kapatid så kanya pero hindi niya ito sinagot. Pagkatapos nun ay nagsawa na yata ang kanyang kapatid sa kakukulit sa kanya kaya naman nainis itong lumabas ng kanyang kwarto at idinabog ang pagsara så kanyang pinto. Iminulat na niya ang kanyang mga mata at napatulala så kawalan habang iniisip na malapit na pala siyang mawala så kalendaryo ng pagiging single. Itinaas niya ang kanyang kamay så ere sabay napatingin så singsing na binigay sa kanya ng kanyang nobyo noong nakaraang taon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na siya pero hindi niya ito sinasabi hindi dahil sa masaya siya kung hindi ay naguguluhan siya. Katulad ng ibang ikakasal na bride ay sana masaya siya at excited sana sa papalapit na kanyang kasal pero mas nararamdaman niya ang takot na magiging mabuting may bahay siya. I should be happy, but why am I regretting that I said yes to my fiance? Iyan ang sinasabi niya ngayon sa kanyang sarili. Bumangon siya sa pagkakahiga at napatingin siya sa study table kung saan ay nakalagay doon ang litrato nila ng kanyang fiance na si Harold. She’s been with a relationship with him for six years and six months. Wala pa sa balak sana niya ang magpakasal pero noong nag-propose siya ng kasal så harapan mismo ng kanyang mga magulang noong birthday niya ay hindi na niya ito natanggihan pa. She loves Harold, but she doesn't think she loves him enough to be married to him yet. Isa pa ay twenty-seven pa lang naman siya at hindi på niya natutupad ang kanyang mga pangarap na magtayo ng isang resto så Japan. Dream country niya kasi ito at simula nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay sinabi niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat makapunta lang ng Japan. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang mapunta sa Japan. Pero så tingin niya ay hindi niya na ito maisasakatuparan oras na magkaroon na siya ng pamilya. Paano ba naman kasi kung gaano niya kamahal ang Japan at kung gaano niya ka-gustong pumunta ng Japan ay kabaliktaran nito si Harold. Ayaw ni Harold så mga hapon at noong tanungin niya kung bakit ay ayaw naman niya itong sabihin så kanya. Pakiramdam niya ay oras na pakasalan niya si Harold ay para niya na ring sinabi na hindi siya tatapak så Japan kahit kailan. Huminga siya ng malalim at agad na inayos ang kanyang kama sabay pumanhik så baba at dumiretso så kusina kung saan ay nakita niya roon ang kanyang ama at kapatid na abalang kumakain. Nang magtama ang mga mata nila ng kanyang kapatid ay inirapan siya nito na kanyang ipinagtaka. 'Ano naman kaya ang problema niya?' sabi niya sa kanyang sarili. Humalik siya sa pisngi ng kanyang ama sabay umupo så tapat ni Sierra at agad siyang pinagsilbihan ng mga maid så bahay nila. Habang naglalagay sila ng pagkain så kanyang pinggan ay napatingin siya sa kanyang ama nang magsimula itong magsalita. "Dyanne, how's the restaurant doing in New York?" Napatango naman siya ng isang beses sa tango ng kanyang ama habang ngumunguya siya ng kanyang pagkain. "It's fine, Dad. We are still one of the top restaurants in New York. You don't need to worry." Napangiti naman ang kanyang ama at itinuloy na lamang ulit nito ang pagkain. Napatingin naman silang dalawa kay Sierra nang marinig nila itong dumaing. "Hays. Kahit ba så harapan ng hapag kainan ay business ang pag-uusapan niyo? Dad, you are aware that Ate Dyanne is going to marry next week, right?" pagalit na tanong ni Sierra så kanilang ama. "I am well aware. Isa pa hindi naman siguro masama na tanungin ko siya tungkol sa mga businesses natin lalo na at siya ang susunod så aking mga yapak." Napahinga ng malalim si Sierra så sagot ng kanilang ama. Rowan Zamora is well known as one of the best chefs, culinary cooks and businessmen in America, Asia and Europe. Ang mga tinayo niyang restaurants så iba't ibang panig ng bansa ay palaging top one så magazine ng Bon Appetit at ang pangalan ng kanilang ama ay palaging naf-feature så Forbes Magazine. At dahil tumatanda na ito ay ine-expect niya na si Dyanne ang maghahawak ng lahat ng mga businesses niya. Nagkataon naman na hilig rin ni Dyanne ang pagluluto kaya naman kumuha siya noon ng course sa culinary and pastry. Pagkatapos ay kumuha siya ng extra units sa business kaya noong natapos na siya sa pag-aaral ay agad siyang trinain ng kanilang ama. Hindi pa naman opisyal na siya ang magh-handle ng lahat pero kung sakali lang na biglang mawala ang kanilang ama o magretiro ay handa na siya. Gusto niya naman ang ginagawa kaya lang ay ang kapatid niya ay ayaw na ayaw så salitang business. Hindi alam ni Dyanne pero tuwing pinag-usapan ang salitang ito ay para bang kulang na lang ay ipaalis na niya ito sa dictionary. Pero kahit gano'n siya ay magkasundo naman silang magkapatid at super close na lahat ng problema nila sa isa't isa ay nasasabi nila. "It's okay, Dad. Hayaan niyo na ho si Sierra at alam niyo naman na ayaw na ayaw lang niya na nag-uusap tayo tungkol sa business kapag nasa hapag kainan." Umirap naman ito sa kanya at pinanlakihan niya naman ng kanyang mga mata ang kanyang kapatid. "You're right. Anyway, how's the preparation for your wedding?" Nang tanungin ito ng kanilang ama ay bigla na lamang siyang nawalan ng gana pero hindi na lamang niya ito pinahalata. Saktong sasagutin niya ito ay lumapit ang isang kasambahay nila at agad na binigay ang wireless phone sa kanilang ama. Nag-excuse siya at agad na tumayo sabay may kinausap dito. Napatingin naman siya kay Sierra at napaiwas lang ito ng tingin så kanya dahil alam niya na ayaw nito ang maikasal siya kay Harold. Matapos silang mag-almusal ay naghanda na sila para pumunta sa isang sikat na nagtitinda ng mga wedding gowns. Last week ay dumating na ang wedding gown na pina-sadya niya sa kanila kaya isusukat niya ito kung sakto lang ba. Kung may alterations ay kahit papaano ay masasabi niya ito agad. Sumakay na sila ni Sierra så sasakyan at agad silang hinatid ng kanilang family driver. Nag-alok na si Dyanne na siya na lang ang magd-drive pero sigurista ang kanilang ama kaya naman napilitan siyang sumunod na lang dito. Ilang minuto lang naman ang byahe papunta sa boutique kaya pagdating ay agad na ipinarada ng driver ang sasakyan. Pumasok na sila så nasabing boutique at nang makilala nila si Dyanne ay agad nila siyang inasikaso. "Good morning, Ma'am. Tamang-tama ho ang dating niyo dahil dumating na ho ang gown niyo." Bungad ng isang saleslady sa botique at iginiya siya nito sa fitting room kung saan ay nakita niya ang kanyang gown. Habang pinagmamasdan niya ito ay imbes na matuwa siya sa kanyang nakikita ay mas lalo lamang sumisikip ang kanyang dibdib. Nang matapos niya itong isukat ay tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin at gano’n na lamang ang kanyang kaba. Hindi dahil sa tuwa kung hindi dahil ay gusto na niyang mag-back out agad. Kunting-kunti na lang ay gusto nang kunin ni Dyanne ang kanyang cellphone at sabihin na hindi na tuloy ang kasal nila ni Harold. Pero agad na napigilan ang plano niyang iyon nang marinig niya ang mga hiyaw ng mga taong nandoon. Pagtingin niya sa kanyang kapatid ay napailing na lamang ito sa kanya sabay napatingin sa hawak niyang cellphone. Napabuntong hininga na lamang siya at tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit ba siya pumayag sa kasal? Iniisip niya tuloy kung tama ba ang naging desisyon niya. Hindi naman sa nag-iisip siya ng masama pero ipinagdarasal niya na sana ay may mangyaring milagro upang hindi matuloy ang kanilang kasal. Nang matapos nilang i-fit ang kanyang gown ay agad na nagpasalamat na si Dyanne sa babae sabay binayaran na rin niya ito. Paglabas nila ng botique ay hindi man lang umiimik si Sierra at alam na alam na niya ang iniisip ng kanyang kapatid. Habang lulan sila ng sasakyan ay napag-isipan ni Dyanne na pumunta na muna sila ng mall upang bumili ng kanyang sapatos na gagamitin niya sa kanyang kasal. Habang papunta sila roon ay napatingin si Dyanne sa kanyang kapatid at mukhang naramdaman nito na nakatitig ito sa kanya. "Ate, sigurado ka na ba na itutuloy mo ang kasal?" Malungkot na tumango si Dyanne. "Pero mahal mo si Harold?" Tumango siyang muli. "Mahal ko siya pero alam ko na hindi pa siya ang mapapangasawa ko. Kailangan ko på ng mahabang panahon para kilalanin sana siya." Kunot naman ang noo ni Sierra na nakatingin sa kanya. "Kung hindi ka naman pala handa ay bakit ka pumayag?" tanong niya. "Alangan naman na tanggihan ko siya e yinaya niya ako ng kasal så mismong birthday ko noon kung saan ay ang daming medya 'di ba? Kapag tumanggi ako e di napahiya på sina Papa at Mama dahil sa ginawa ko." Napailing naman siya tuwing inaalala niya ang mga panahong iyon. "Ang hirap kasi så iyo Ate ay mas iniisip mo pa ang kaligayahan ng ibang tao kaysa så sarili mo. Ayos lang sa iyo na naghihirap ka basta makita mong masaya ang mga taong mahal mo. Hindi mo ba naisip na habang buhay kang matatali kay Harold ay sasaktan mo lang iyong tao dahil sa ginagawa mo? Hindi lang si Harold kung hindi pati ang sarili mo ay pahihirapan mo." Napasimangot naman siya at hindi siya umimik. “Ate kapatid mo ako at gusto ko na maging masaya ka sa taong pakakasalan mo. May oras ka pa para bawiin ang kasal niyo ni Harold. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Iatras ko iyong kasal gayong nakahanda na ang lahat at ang daming gastos ni Papa rito. At saka halos nailathala na yata så bawat magasin at newspaper na ikakasal na ang unica iha ni Papa." Napabuntong hininga si Sierra sabay napailing. "Ikaw ang bahala, Ate. Pero tandaan mo lang na kung anuman ang magiging desisyon mo ay palagi lang akong nandito." Napangiti naman si Dyanne dahil gano’n ay alam niyang suportado siya ng kanyang kapatid. Nang makarating sila ng mall ay na dumiretso sila sa may shoes section para mamili ng sapatos na babagay sa kanyang gown. Habang namimili siya ng sapatos ay napalingon siya upang tanungin sana ang kanyang kapatid kung babagay ba ang kulay sa kanyang gown. Ang kaso ay hindi niya mahanap ang kanyang kapatid kaya nagsimula na siyang tumingin sa kanyang paligid. Pero habang ginagawa niya iyon ay bigla na lamang siyang may nabunggo at agad siyang napatingin dito. One word: ‘Yummy’ Iyon agad ang pumasok sa utak ni Dyanne habang nakatitig na sa lalaki. Paano ba naman kasi ay isang matangkad na lalaki ang nasa kanyang harapan na nakasuot ng isang americana. Iyong gwapo nito ay para bang pinanganak siya sa clinic ni Dra. Vicky Belo dahil sa kinis ng kanyang mukha. May tattoo sa kanyang leeg ng isang ahas na nakakagat ng isang katakana at parang ang tattoo na ito ay hanggang sa kanyang likod. Bluish gray ang kanyang mga mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi na kumikinang at makinis na balat. This guy is drop dead handsome and gorgeous. Naisip niya tuloy kung may girlfriend na ba ito o wala dahil kung wala ay walang atubili niyang hihiwalayan si Harold. Pero napailing na lamang siya at natawa sa kanyang iniisip dahil napaka-imposibleng mangyari nun.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

His Obsession

read
88.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook