CHAPTER 10 THE church was adorned with her choice of flowers in white baskets. Mula sa tinted glass shield ng bridal car ay tanaw niya ang rangya ng Manila Cathedral. Ang hindi alam ni Daphne ay nag-uumpisa nang mamuo ang tensiyon dahil hindi pa dumarating si Brian. Maging si Dylan ay hindi alam kung saan ito nagpunta. Magkasama sila kagabi at sabay na natulog, pero paggising niya sa umaga'y wala na si Brian sa loob ng condo. He tried to call him, pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gayundin ang mga tawag ng mga magulang nito. Parang hihimatayin na sa matinding pag-aalala si Donya Belinda, habang nagpupuyos naman sa galit si Don Alvaro dahil sa hinalang nagdesisyon na ang anak na umurong na sa nakatakdang kasal. Nagtaka sina Daphne at Monica sa loob ng bridal car dahil wala p