CHAPTER 13

1364 Words

CHAPTER 13 NAMIMIGAT man ang mga talukap ay pilit nang iminulat ni Daphne ang kaniyang mga mata para alamin kung nasa tabi niya si Brian. Nasilaw siya sa liwanag mula sa salaming bintana. Hindi pala niya naisara ang mga kurtina kaya naman tagos na tagos ang liwanag nang umagang iyon sa kuwarto. Nag-alala siya nang hindi niya makita si Brian sa kuwarto. Tila nawala ang kaniyang antok at agad na bumangon para hanapin si Brian sa labas ng silid. Naisip niyang tumuloy ito sa planong pag-alis kagabi. Baka hinintay lang nitong makatulog siya saka lumabas. Sa naisip ay lalong sumidhi ang kaniyang pag-aalala. Ngunit nang marating niya ang sala ay agad na nawala ang kaniyang kaba. Nasa couch si Brian at tulog na tulog. Naawa siya sa ayos nito habang himbing na natutulog sa di kalahikahang couch

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD