DALAWANG araw nang kasama ni Damien si Feliza, sa bahay niya pero sa dalawang araw na iyon madalang niya lang makita ang dalaga. Iniiwasan kasi siya nito at kung magkasabay naman silang kumain hindi talaga siya nito pinapansin.
He knows that Feliza's upset at what he said, but he just said those things because he believes that all people will do everything for money. Kahit pa sa masamang gawain ng mga tao makuha ang kayamanan na iyon, ay gagawin ng mga ito para lang sa yaman. Kaya sa tingin niya ay naging totoo lang siya sa dalaga at hindi dapat siya makaramdam ng konsensiya dahil lang sa iniiwasan siya nito.
Napabuntung hininga siya at matiim na napatingin sa kesame ng opisina niya. Kahit kombinsihin niya ang sarili niya na hindi dapat siya makonsensiya sa nagawa niya kay Feliza, pag naaalala niya ang mukha ni Feliza noong ipinamukha niya dito ang paniniwala niya ay hindi niya maiwasan makaramdam pa rin ng konsensiya at hindi rin niya maintindihan ang sarili niya.
Bumalik lang siya sa reyalidad nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. "Get in," utos niya dito. The door opened and one of his maids entered.
"Sir, nasa ibaba po si Sir Stephan," the maid said.
"Okay," matipid na tugon niya. Lumabas na ng opisina niya ang maid at sumunod naman siyang lumabas upang harapin si Stephan. Nasa sala ito at naabutan niya itong kumakain ng cake.
"Hey dude!" bati pa nito sa kanya. Ngiting-ngiti pa ito sa kanya, na hindi naman niya ginantihan. Nilapitan niya lang ito.
"Nagawa mo na ba ang trabaho mo?" agad niyang tanong dito.
"Grabe ka naman! Trabaho agad, hindi ka man lang maupo-
"Just tell me what you got!" iritadong putol niya sa sasabihin sana nito. Napabuga si Stephan ng hangin at may inabot itong folder sa kanya.
"That's all my information I got to her," sabi nito at muling sumubo ng cake. Kaagad niya namang binuksan ang folder at nandoon lahat ng impormasyon ng tungkol kay Feliza. Pinaimbestigahan niya kasi ang dalaga kay Stephan at may gusto siyang masigurado sa dalaga.
"Is this all?" tanong niya kay Stephan nang hindi siya makontento sa nabasa at nakita sa mga nakuha ni Stephan.
"Iyan lang talaga ang merong impormasyon na nakalap ko. Wala naman kakaiba sa kanya eh."
"But I want more!" giit niya dito. "Mag-imbestiga ka pa, I want to know everything about her!" utos niya dito.
"Iyan na nga lahat ng impormasyon niya. Ano pa bang hinahanap mo?" tugon nito sa kanya.
"Just do what I said!" iritadong utos niya kay Stephan.
Inubos muna ni Stephan, ang cake niya at uminom muna ng tubig bago tumayo. "Okay," tugon nito. "Hay! Ang hirap mo naman maging boss! Pasalamat ka kaibigan kita," nakangiting sabi nito, "sige na boss, aalis na ako," paalam nito saka tuluyang umalis.
Napabuntong hininga siya at muling tinignan ang mga papeles na ibinigay sa kanya ni Stephan at wala sa impormasyon na iyon ang hinahanap pa rin niya tungkol sa pagkatao ni Feliza kaya hindi talaga siya makontento sa ibinigay sa kanya ni Stephan. Alam niya na hindi siya nagkakamali ng hinala at gusto niyang masigurado iyon.
Bumalik siya sa opisina at humarap na muna siya sa laptop niya upang magtrabaho. Kahit weekend at wala siyang pasok, trabaho pa rin ang ginagawa niya. Nakasanayan na niya iyon at halos iyon ang naging buhay niya kaya wala ng naiba pa, pero may mga bagay na nitong mga nakaraang araw ay nagagawa siya na hindi naayon sa nakasanayan niya. Hindi maintindihan ni Damien, ang sarili niya kung bakitmay mga bagay na nagagawa siya at nang dahil iyon kay Feliza, naguguluhan tuloy lalo siya sa sarili niya at kung ano na nangyayari sa kanya.
Tumunog ang telepono ni Damien at kaagad naman niya itong sinagot. "Boss, nandito na po ang ilan sa mga aplikante na ipapalit niyo po sa dati niyong kanang kamay," bungad sa kanya ng nasa kabilang linya.
"Make sure that all of them are qualified," malamig na tugon niya dito.
"Sigurado ako boss, matagal na rin silang naglilingkod sa inyo at hindi siya magtatraydor kagaya ng ginawa ng nauna mo po dahil may mga pamilya silang pinoprotektahan," paninigurado ng nasa kabilang linya.
"Test them and choose the best one," malamig niya pa ring utos dito.
"Noted boss," tugon sa kabilang linya at saka nila pinutol ang tawag. Malalim siyang napaisip, mahirap ng makahanap ng mapagkakatiwalaan talaga ngayon at isa na doon sa halimbawa ang nagtraydor niyang kanang kamay na hindi man lang tumanaw ng utang na loob sa kanya at trinaydor pa siya. Pagkakamali niya lang pinatay niya kaagad ito dahil sa nakita niyang pananakit nito kay Feliza at hindi na niya nagawang alamin kung sino ang kasabwat nito at mastermind nito. Malaking halaga ang nawala sa samahan na pinamumunuan niya mabuti at matalalino siya at nabawi rin naman niya kaagad ang halagang nakulimbat sa kanya.
Napatingin siya sa orasan niya. Isang oras na pa lang nakakalipas na nandoon siya at hapon na rin pala. Pumasok sa isip na naman niya si Feliza kaya napatayo siya. Kinuha niya ang mga pinamili niyang mga gamit para kay Feliza, magagamit ito ng dalaga habang nananatili ito sa tabi niya.
MATAMANG nakatitig si Feliza sa kesame ng kwarto niya, wala siyang ibang ginawa simula nang nasa poder siya ni Damien kundi kumain at humilata. Gustuhin man niyang kumilos at tumulong sa mga kasambahay ni Damien at hindi siya pinapayagan ng mga ito at halata na takot pa ang mga ito na baka mapagalitan ni Damien o baka mas higit pa kung hinayaan siya ng mga itong kumilos sa gawaing bahay. Napabuntong hininga siya, hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal sa ganitong sitwasyon at sobrang nabo-boring na siya. Hindi ganito ang nakasanayan niya at kahit masagana ang ganitong buhay sa piling ni Damien ayaw naman niyang sanayin ang sarili niya at maging palagay sa ganitong buhay dahil alam niyang hindi rin iyon magtatagal. Isa pa, marami pa siyang dapat asikasuhin, si Yvonne at ang pamilya nito kailangan niya rin makausap at makaharap. Naalala na naman niya si Yvonne at nakadama na naman siya ng pag-aalala sa kaibigan. Ano na kayang nangyari sa kaibigan niya? At nasaan na kaya ito ngayon?
Nagulat siya nang may kumatok sa pinto niya at kaagad siyang napaupo sa pagkakahiga. "Pasok," utos niya sa kumatok. Bumukas naman ang pinto at nanlaki ang mga mata niya nang si Damien ang iniluwa nito na may dala dala pang paper bag. "I-ikaw pala. Bakit?" kaagad niyang tanong dito at napaiwas siya ng tingin dito nang nasalubong niya ang matiim na titig nito sa kanya.
"I just got here to give these to you," tugon nito sa kanya at nilapitan siya nito para ilagay sa kama niya ang mga dala dala nito.
"Para saan iyan?" tanong niya dito.
"Mga magagamit mo, habang nandito ka," tugon nito.
"Okay. Thank you," tugon niya kay Damien. Nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa at naiilang siya sa katahimikan na iyon, hindi pa rin naalis sa kanya ang sama ng loob sa binata sa lahat ng mga masasakit na insulto sa kanya nito, nang nakaraang araw at pinagmukha siya nitong pera. "Hindi ka na sana nag-abala pang bilhan ako. Kahit basahan, kaya kong isuot dahil laki naman ako sa hirap, baka isipin mo pa-
"Feliza, hindi iyan ang iniisip ko!" iritadong putol nito sa sasabihin pa sana niya.
"Talaga?" nang-uuyam na tanong niya. Kinuha niya ang mga paper bag na dala ni Damien at sinilip ang lahat ng ito. "Mukhang mamahalin ang lahat ng ito ah, salamat kasi ngayon lang ako makakagamit nito. Siguro, dapat enjoyin ko na lang at hindi ko na isipin pa kung ano man ang nasa isip at paniniwala mo sa aming mga mahihirap," puno ng sama ng loob na sabi niya.
"Feliza," sabi ni Parker, na may konsensiya sa boses kaya napatingin siya rito at kitang-kita niya ang pagsisisi sa mukha nito, na ikinagulat niya. Iyon ang unang beses na makita niyang may ibang emosyon ito, maliban sa galit at walang ka-emo-emosyon. "I-I'm sorry for what I've said to you. I know I'm being asshole that time, please forgive me," puno ng emosyong sabi nito sa kanya na lalong ikinagulat niya.
"Si Damien, nagso-sorry sa kanya? Teka, totoo ba ito?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili niya.
"Hindi mo ako masisisi dahil lahat ng mga nakilala ko ay pera lang ang habol sa akin at may ilan pa, na pinagtangkaan ang buhay ko para lang sa pera. H-hindi ko lang ini-expect na iba ka sa kanila," dagdag ni Damien na paliwanag sa kanya.
"Seryoso bang nagso-sorry ka?" hindi makapaniwalang tanong niya sa binata.
Mukhang nagulat ito sa tanong niya at biglang naging blangko na naman ang emosyon sa mukha nito. "I think, you can't forgive me-
"H-hindi!" putol na niya kaagda sa sasabihin pa sana nito,"nagulat lang talaga ako. P-pero syempre pinapatawad kita. Kasi naman nagulat lang talaga ako-
Ngumisi si Damien, na lalong ikinagulat niya, ngisi lang iyon pero mukhang natutuwa ito sa sinabi niya. Bakit parang kakaiba ngayon si Damien, kakaiba sa nakilala niyang tao na malupit, walang emosyon at nakakatakot na tao.
"So, we're okay now?" naniniguradong tanong nito sa kanya.
"O-oo, basta 'wag mo ng uulitin iyon." Tumango lang ito sa kanya.
"Lumabas na rin tayo sa kwarto mo at magmeryenda sa baba. Binilinan ko silang magluto ng paborito mong fishball at kikiam," aya nito sa kanya.
"Paano mo nalamang paborito ko ang mga iyon?" gulat na tanong niya dito. Simula nang nagsama sila ni Damien, hindi sila nagkaroong ng oras para pag-usapan ang buhay nila, lalo pa kaya ang mga paborito niyang pagkain, kaya nagtataka talaga siya na nalaman nito ang isa sa paborito niyang pagkain.
"I have many ways," nakangising tugon nito. "Tara na," aya ulit nito sa kanya. Nagtataka pa rin siya pero tumango na lang siya at lumakad kasabay ni Damien palabas ng kwarto niya.
Bubuksan na sana ni Damien ang pinto nang may marinig silang putukan ng mga baril sa labas ng bahay na ikinagulat at ikinatili niya. Napayakap siya kay Damien na niyakap din siya kaagad.
"Ano 'yon?" kinakabahang tanong kaagad niya kay Damien. Nakita niya na seryoso na ito at nagdilim na ang mukha nito.
"f**k!" tunghayaw nito.
Sunod-sunod ang putukan ng baril sa labas hanggang sa narinig na rin nila ito sa loob ng bahay sa ibaba at ang malakas na sigawan sa ibaba na lalong ikinatakot ni Feliza. Hindi niya maiwasang mag-alala sa mga kasambahay na nasa ibaba na maaring mapahamak. "Damien, anong nangyayari?" takot na tanong niya sa binata.
"Mukhang may nang-ambush sa atin," tugon nito na lalong ikinatakot niya.
"A-ano? Mga kalaban mo ba ang mga iyan?"
"Oo, nalaman nila kung saan ako nakatira. f**k!" gigil na sabi ni Damien.
"A-anong gagawin natin?" tanong niya dito.
Naglabas ng baril si Damien galing sa likod ng pantalon nito, mukhang lagi naman itong handa at lagi itong may armas sa katawan niya kaya pag ganitong pagkakataon may nagagamit ang binata na panlaban. Pero hindi pa rin niya magawang mapanatag lalo pa't naiisip niya na maramai ang makakalaban nito sa labas ng bahay.
"We need to get out here and find a safe place to survive," tugon nito sa kanya.
"P-pero paano?"
"First, let's get out of this room," tugon ni Damien at walang takot na binuksan ang pinto ng kwarto niya at sumilip muna bago inabot ang kamay nito sa kanya. "f**k them! I will kill them all!" puno ng galit na bulalas ni Damien. Napatitig siya sa mukha nito at kita ang poot sa mukha nito.
Makikita muli ang Damien, na malupit at nakakatakot ngayon sa harapan niya at mukhang tototoohin nito ang sinasabi nito na papatayin niya ang lahat ng mga nangahas na pasukin ang bahay nito at ambush-in sila. Walang takot sa mukha nito kaya hindi niya nagawang abutin ang kamay nito at napatitig ito sa kanya saka siya nilapitan at hinawakan ang kamay niya.
"I will do anything to make you safe. No one can hurt you," puno ng sensirong sabi nito na parang humaplos sa puso niya at nadama niya ang mahigpit na paghawak nito sa kamay niya.
A/N
Support me repz...
-KamijoMican-