TATLONG LINGGO ang lumipas matapos ang nasimulang training kay Maki sa pangu-nguna ni Ruhk ay masasabi ni Paxton na malaki na ang pinagbago ni Maki, hindi ito katulad noong una na parang lampang bata na iiyak dahil sa mga nakukuhang bali sa katawan at pananakit nito dahil sa mga ginagawa ni Ruhk dito, na kahit si Paxton ay sumali na sa pagtuturo kay Maki ng mga dapat nitong malaman. Pabagsak na napahiga si Maki sa damuhan ng bakuran ni Paxton matapos ang huling pagte-training nila ni Ruhk, hinihingal si Maki habang nakatingin siya sa kalangitan habang nararamdaman niya ang pananakit ng buo niyang katawan. “You think he’s still alive, Ignacio?”tanong ni Ruhk na masamang ikinataas ng ulunan ni Maki at masamang tingin ang ibinigay kay Ruhk. “Gago! Kita mo ng humihinga pa at hinihingal tapo