ISA-ISANG ibinaba ni Ruhk ang tatlong bantay ni Liana na wala paring mga malay sa harapan ng mansion ni Liana. Hindi na sila natuloy na dalawa sa dapat dinner nila dahil sa tatlong bantay na gumulo sa kanilang dalawa, at iniuwi nalang ang mga ito. Napabuntong hininga nalang si Liana habang nakatingin sa mga walang malay na bantay na padala ng kaniyang ama, dahil napuruhan ang mga ito ni Ruhk. “Binalaan ko na kasi kayo.”sambit ni Liana sa mga ito ng mapalingon siya kay Ruhk na nililibot ang tingin sa kabuuan ng mansion nila. “You live in this big mansion?”tanong ni Ruhk na ibinagsak na ang tingin sa kaniya na ikinatango niya dito. “Sino kasama mo dito?” “Limang maids at si Yaya Meldy lang, malaki ang mansion na ‘to para sa amin kaya mas ramdam ko ang pagiging mag-isa. Tanging si Yaya Me