NAKASIMANGOT si Maki sa kinauupuan niya habang kinakausap ni Ruhk sina Charles at Samuel na ipapahiram ni Ruhk sa agency na nakausap ni Liana, pagka-alis nila sa bahay ni Paxton ay sa mansion sila ng dalawa dumaretso. Ang malaking akala ni Maki ay siya ang ipapalit ni Ruhhk para mag model kaya laking pagkabagsak ng balikat niya ng dalawang butler ni Ruhk ang sabihan nito. Nakilala niya na sina Charles at Samuel, hindi inakala ni Maki noong una na may butler si Ruhk. Hindi pa siya naniniwala ng una pero ng tawagin ng dalawa si Ruhk na master na walang pagbibiro ay naniwala na siya na tagasunod ni Ruhk ang dalawa na sa tindig at porma ay masasabi niyang mayayaman ang datingan. “Oi Verchez, bakit silang dalawa ang isasabak mo sa modeling eh ikaw ang gusto ng nakausap ni Liana para magmodel