NAPAPAKUNOT ang noo ni Ruhk habang iniikot niya ang tingin niya sa mall na maagang pinuntahan nila ni Liana na hindi pa nagbubukas pero nakapasok sila dahil sa itinawag ni Liana ang pagpunta nila. Kakilala ng kaniyang ama ang may-ari ng mall na pinuntahan nila kaya pinagbigyan siya nito na maaga silang pumasok sa mall at pumunta sa isang boutique shop. “This mall was still closed, Lia.”kumentong ani ni Ruhk na naglalakad sa bandang likuran ni Liana na napatango sa sinabi niya. “Yes, 10am pa ang bukas nito.” “10am? And were here at this early time before opening? It’s just 7:55 in the morning, ito ba ang sinabi mo kagabi na dadaanan natin bago pumasok sa company mo?”kunot noong tanong ni Ruhk na ngiting ikinaharapan ni Liana sa kaniya habang patalikod itong naglalakad na ngumiti sa kaniy