KAKATAPOS LANG ni Ruhk sa pagtitimpla niya ng dalawang tasa ng kape ng mapalingon siya sa pintuan ng pantry ng magbukas ito at magkasalubong ng titig si Ruhk at si Rico, tahimik na naglakad na ito papuntang lagayan ng mga kapehan at hindi pinansin si Ruhk na wala din namang pakielam dito. Parehas ng hinawakan ni Ruhk ang dalawang tasa ng kape na ginawa niya, isa para sa kaniya at isa para kay Liana. Nagsimula na siyang maglakad papunta ng pintuan ng Pantry nang magsalita si Rico. “Alam mo sana kung anong role mo sa tabi ni Liana, tagabantay ka lang niya kaya alamin mo ang lugar mo.” Natigilan sa paglalakad si Ruhk at binalingan ng tingin si Rico na nakatalikod sa kaniya dahil naglalagay ito ng kape sa tasa nito. “Who are you to lecture me about my role and my place with Lia? You’re jus