SA UNANG pagkakataon sa buhay ni Ruhk, ang nararamdaman niyang takot sa puso niya habang nakatingin kay Liana na may bombang nakakabit sa katawan nito ay ang unang beses niyang naramdaman sa tanang buhay niya. Sumisikip ang dibdib niya habang nakikitang umiiyak sa takot at pangamba si Liana dahil sa sitwasyon nito. Si Ruhk ay isang Verchez na walang kinakatakutan, hinaharap niya ang kamatayan sa bawat may nakakalaban siya. Pero sa mga oras na ‘yun simula ng ibigin niya si Liana at lumalim ang pagmamahal niya dito sa pagdaan ng mga araw, linggo na kasama niya ito, may isa na siyang kinatatakutan, ang mawala si Liana sa kaniya. “B-Ben..anong gagawin ko, natatakot ako…”iyak na hagulgol ni Liana habang hindi makakilos sa kinatatayuan nito dahil sa takot sa bomba na nakakabit sa katawan nito.