Kabanata 15 Nagising ako na masakit ang aking ulo. Damn headache! Naparami talaga ang inom ko kagabi. Bukod pa roon ay wala rin akong matandaan kung ano ang nangyari sa party kagabi. Ang tanging alam ko lang ay nilunod ko ang sarili ko sa pag-inom ng alak. Naniningkit ang mata ko na tumingin sa paligid. Mukhang may nagdala sa aking kwarto pero hindi ko matandaan kung sino. Maybe Derrick brought me here dahil siya naman ang kasama ko kagabi. "You're awake,” seryosong saad niya. Kumabog ang puso ko ng pagkalakas-lakas nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon. Pinakalma ko ang sarili at saka tumingin sa kanya. He has this serious face looking at me like I did something wrong. Okay? What did I do wrong this time? Hindi pa ako tapos magtanong sa isipan ko nang dumeretso na ang tingin