THEY WERE LOOKING AT THE OLD PHOTOS OF BRIX AND HAIL. Tapos na sila kumain ng hapunan at nasa salas na habang tuwang-tuwa siyang tinitingnan ang mga baby photos ni Brix. Mostly ay kasama nito si Hail sa mga pictures. "What Hail looks like now?" Ali asked. "Mas gwapo pa rin ako. Right, Pops?" Brix said confidently. Natawa naman siya dahil doon. "You're both handsome," natatawa na sabi ni Michael, "but the truth is, si Hail talaga ang mas kamukha ko kasi ikaw ay mas maraming kinuha kay Lana." "Of course not. Mas kamukha mo ako kaysa kay Hail." Apela pa rin ni Brix sa sinabi ng ama. Natawa naman si Michael nang tuluyan dahil doon and she smiled sa nakikitang kulitan ng mag-ama. "May I see your wedding pics?" nasabi niya out of curiosity. "Nandyan sa isang album, hija. The blac