Sorry....
"Ang tanga mo kase eh!" sita ko sa aking sarili. Halos sampung minuto na mula ng matapos ang isa kong klase at vacant ko ng dalawang oras.
Hindi ko magawang umuwi sa bahay para magpahinga o lumabas ng paaralan para magpalipas ng oras dahil dalawang araw na akong binabagabag ng aking konsensya.
Pagkatapos kong umiyak sa janitor's closet nung nakaraang araw ay tinupad niya ang kanyang pangako. Ni anino niya ay hindi ko man lang naaninag nang lumabas ako. Maliban sa isang panyo na itinali niya sa seradura ng pinto ay wala man lang bakas na magpapatunay na naroon siya sa labas at dinamayan ako sa aking pighati.
Those f*****g two days were suffocating.
Hindi ako nakatulog ng maayos. Pabalik balik sa utak ko ang mga sinabi niya.
Higit sa lahat ay nilalamon ako ng aking konsensya. Naging masyado akong marahas. Huli na ng aking mapagtanto na ginawan niya pa nga ako ng pabor.
"Kundi ka ba naman tanga, Chaese Andrea," nanggigigil kong bulong sa aking sarili.
Simula din noon ay hindi ko pa siya nakikita sa kahit anumang klase na magkatulad kami. Kahit si Lantis ay hindi ko pa din nakikita. Parang nilalamon ako ng mga boses na kumukuliglig sa utak ko. Hindi naman siguro siya lumiliban sa klase para lang iwasan ako.
Kahapon ay nakita ko siyang kasama ang kanyang kambal sa gitna ng quadrangle. Gusto ko sana siyang lapitan ngunit parang napakainit ng ulo niya. Isa pa, nakasimangot din si Ulap. Baka nag away sila.
Kanina ay nakita ko naman na kasama niya si Dee papunta sa gawi kung saan naroroon ang kanilang tambayan.
Kaya pala sinabihan ako dati nila Ulap na bawal ako dun dahil sila lang daw ang maaring tumambay dun.
Share holder ng paaralan ang kani-kanilang pamilya at isa iyon sa mga benipisyong natanggap nila. Dati daw kase ay may babaeng nagtangkang lumapit kay Lexo na muntik ng ikinapahamak ng huli. Kaya siguro parang ilag siya sa mga babae. Nagbantang magpullout ang pamilya nila kung hindi sila mabibigyan ng space kung saan pwede silang tumambay na hindi sila mapapahamak.
Nang makita ko siya kanina, gusto ko sanang tumakbo at lapitan siya pero hindi ko magawa.
Aminin mo na, nahihiya ka. Gaga ka kase. Sigaw ng boses sa utak ko.
Nagka eyebags na ko dahil dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos, idagdag pa ang sipon at sakit ng ulo ko, dala na rin marahil ng pag iyak ko ng sobra nung nakaraan.
Humakbang ako ng kaunti para silipin kung sino ang mga tao sa tambayan. Ang nahagip lang ng tingin ko kanina ay ang kambal, si Julio, Milan, Aedree at Dakota.
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Pupuntahan ko ba siya?
"Pero nakakahiya..." bulong ko. Napabuntong hininga ako bago nagbaba ng tingin sa sahig.
"Ayan kase Chaese e!" Nagpapadyak ako sa sahig sa sobrang inis.
Hindi matatahimik ang kalooban ko hanggat hindi ako nakakahingi ng paumanhin sa kanya.
"Ano ka-ay kabayo!!!!" napasigaw ako bigla ng may humawak sa balikat ko. Habang sapo sapo ang didbdib, muntik ko nang namura ng malutong ang bunso nila sa sobrang inis.
Nagpeace sign pa si Lexo kase na tuwang tuwa sa nangyari.
"Hala ka ate Chaese. Magkakaguliti ka. Kanina ka pa dyan naninilip!" nakakaloko niyang ngiti.
Napahinga ako ng marahan pagkatapos kalmahin ang sarili. Inirapan ko siya agad sa sobrang gigil.
Manang mana tong si Lexo kay Ulap, isa ding abnormal.
"Lexo, nakakainis ka. Bakit ka nanggugulat?"
Hindi na din filtered ang pagsasalita ko sa mga ito. Kahit etong si Lexo na balitang ilag sa mga babae e nagagawang lumapit sa akin. Tutal ay wala din naman silang kwentang kausap madalas ay naging palagay na din ang loob ko sa kanila.
Ngumisi siya sakin.
"Namimiss mo si Kuya no? Nag away ba kayo?" makahulugan niyang tanong. Pakiramdam ko ay may alam siya na hindi ko alam.
Nakagat ko ang aking labi.
Nag away ba kami? Pero ako lang naman ang umaway sa kanya at wala ring kami. Hindi ko tuloy alam kung ano ang tamang sagot sa kanyang katanungan.
"Nag away nga. Kaya pala hayblad yung isa," natatawa niyang sabi. "Teka nga," nagulat ako ng gumilid siya ng konti bago biglang sumigaw. "Kuya Ulap! Nandito sister-in-law mo, ililibre daw tayo mamaya ng icecream!" sigaw niya na nakapagpalaki ng aking mga mata.
Paglingon ko ay kitang kita ko kung paanong nagtinginan silang lahat sa gawi namin. Napalunok ako ng magtama ang aming tingin.
Dalawang araw lang pero parang napakatagal naming hindi nagkita. Isa pa, parang kailan lang naman kami nagkakakilala pero pakiramdam ko napakadami na naming pinagdaanan.
He was staring at me intently. It was brief at wala akong naaninag na kahit anong reaksyon mula dito hanggang biglang iniiwas na niya ang kanyang tingin sakin.
Wala na akong nagawa ng hatakin ako ni Lexo papunta sa kanilang direksyon.
"Hi Chaese, miss mo kuya ko?" nakakalokong sabi ni Ulap. Mas matanda yata ng ilang segundo si Chase sa kanya.
Napatingin ako kay Chase. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Busy siya sa kakatype sa phone niya.
Napansin kong nakatingin silang lahat sakin. Si Dakota, nahuli ko pang nagtaas ng isang kilay.
Ano ngayon, Chaese? Andito na siya sa harapan mo.
Nahugot ako ng hininga.
"Ahm, Chase, pwede ka bang makausap?" lakas loob kong sabi. Tutal ay nadito naman na ako ay lulubusin ko na.
Tahimik silang lahat. Si Chase, hindi man lang nag aangat ng tingin mula sa kanyang cellphone.
"Uy, nangangamoy LQ," bulong ni Ulap sabay hagikgik nila ni Lexo. Mga abnormal.
"Chase... Usap daw kayo," nadinig kong sabi ni Milan, nakangisi pa.
"Oo nga, magbati na kayo ng babae mo hindi yung pinag iinitan mo ng ulo sila Ulap at Lexo,"
"Pansin mo din Kuya?" si Lexo.
"Oo, akala mo nga bagong tuli si gago. Nag away lang pala. Pusta ako si Keso may kasalanan. Nalate ka sa date niyo no? Napabagal kase mag ayos," nanunuya turan ni Julio.
Napatingin si Chase sa kanilang dalawa, matalim ang mga tingin.
"Hindi ko sila pinag iinitan," inis niyang turan.
"Sus, e binato mo nga ng remote si Ulap kanina," singit ni Lexo.
"Gago ka, sinong matutuwa sa abnoy na yan e sinabit yung b*a ng alaga niyang aso sa fan. Tsaka bakit mo ba nilalagyan ng b*a yung aso mong sira ka," sita ni Chase sa kapatid niya.
"Kuya, importante yun. Napakaano mo. Inaano ka ba ni Baby V ko? Isusumbong kita dyan kay Mama," nakasimangot na sagot ni Ulap.
"Ewan ko sayong abnormal ka. Kundi kita kambal iisipin kong ampon ka. Masyado kang abnormal,"
"Napapalayo tayo sa usapan. Makipagbati ka na sa babae mo Keso at naaalibadbaran ako sa inyo," namula ako sa sinabi ni Julio. Nakakahiya. Gumagawa pa ako nag eksena dito.
Nanlaki naman agad ang mata nila Ulap. "Lagot ka kambal, naiiyak na tong girlfriend mo,"
Napalunok ako at lalong nanlaki ang mga mata.
Hindi naman ako naiiyak ah. Aminado akong kinakabahan ako pero hindi ako naiiyak. O baka dahil sinisipon ako?
Pasimple kong napunasan ang gilid ng aking mga mata sa isiping nagluluha na nga ako. Medyo mapula na din kase ang ilong ko kanina.
"Walang puso," Napapailing na sabi ni Aedree.
"Walang damdamin," si Milan.
"Walang mata," si Lexo.
"Walang bayag," sabi naman ni Julio.
"Walang pera..." napangiti na lang ako sa sinabi ni Dakota.
"Walang ti-" natakpan biglan ni Lexo ang bibig ni Ulap na nanlaki bigla ang mata at nagkakakaway na akala mo kinakapos ng hininga. Naguluhan naman ako bigla.
Pero hindi pa din sila pinansin ni Chase. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro nga galit talaga siya akin. Di ko naman siya masisisi. Sinigaw sigawan ko pa siya.
Nainis na din siguro siya sakin.
"Ahm, Chase, magsosorry lang ako. Sorry dun sa isang araw," lakas loob kong turan. Kung ayaw niya akong makausap, at least nasabi ko yung gusto kong sabihin. Baka kase lalo akong hindi makatulog neto.
I saw him snicker, a proof that he doesn't even acknowledge my apology. Napasinghot ako saglit.
"Chase, sorry daw. Pansinin mo na siya huy..." si Aedree. Mukhang naaawa na siya sakin. Nakatayo lang kase ako sa harap nila kanina pa.
"Hindi, okay lang. Kasalanan ko naman talaga. Alis na din ko. May klase pa ko mamaya e," nahihiya kong sabi. Ayaw ko na ding makaistorbo. Baka lalo lang mainis si Chase sakin.
"Liar, you have a vacant class for two hours," napalingon ako sa gawi ni Dakota.
"Alam mo ang schedule ko?" gulat kong tanong pero nagkibit lang siya ng balikat.
"Hayaan mo na Chae. Gusto mo tayo na lang ang magdate. Hiwalayan mo na ang kambal ko. Tayo na lang," inakbayan ako bigla ni Ulap.
"Tigilan niyo nga," inis niyang sabi ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.
"Wag si Ulap. Walang pera yan. Ako na lang ate, madami akong allowance," singit ni Lexo na ikinatawa bahagya ng kuya Aedree niya.
"Baliw. Umiihi ka pa nga sa kama tapos magjojowa ka. Tigilan mo nga,"
"Kuya naman e!"
"Alis na tayo Chaese, dali. May alam akong masar-" bago pa natapos ang sasabihin ni Ulap ay may biglang humatak sa pulsuhan ko.
Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Chase habang hatak hatak ang aking kamay.
"Mga bwisit," nadinig kong bulong niya.
Napalingon ako mg madinig kong magtawanan ang magpipinsan sa likod ko habang paalis kami.
"Seloso si ungas,"
"Nag iinarte pa kase,"
Naguguluhan man ay nagpatianod na lang ako habang ang aking mga mata ay nasa magkasalikop na naming mga kamay.
Parang bigla akong kinabahan. Sisigawan niya din ba ako tulad ng ginawa ko sa kanya?
Wag naman sana.
Pero ito naman ang gusto ko, ang makausap siya.
Nagulat ako ng bigla na lang siyang huminto sa harap ko. Salubong ang dalawang kilay at nakapahilot pa ang isang kamay sa sentido.
Medyo malayo na din kami sa tambayan nila ngunit wala pa din namang mga estudyante sa paligid.
"Nakapag sorry ka na. Umuwi ka na," malamig niyang turan. Pakiramdam ko ay may kung anong kumurot sa aking kalooblooban sa sobrang talim ng mga mata niya.
Napalaro ako sa aking mga daliri.
I'm not used to confrontations. I don't usually need to apologize because I don't do things that need apologizing for. Ayaw ko ng lumalapit sa mga tao.
"You don't need to apologize. I've crossed the line too kaya patas na tayo," bigla niyang sabi. Naumid bigla ang dila ko sa sinabi niya. Mukhang galit nga talaga siya sakin.
"Wala kang kasalanan. Pinigilan mo lang ako. Sorry kung naabala kita," bulong ko.
"Okay," sagot niya. Bakit ganun? Bakit parang wala lang sa kanya? At bakit pakiramdam ko hindi naman talaga okay sa kanya?
Lalo tuloy akong kinakabahan.
"Galit ka pa ba?" tanong ko, kagat kagat ang pangiba kong labi. Napansin kong nag iwas siya ng tingin.
"No,"
"Ililibre kita para makabawi ako," bigla kong naisip. "Gusto mo ng icecream?"
Nakakunot ang kanyang noo na nakatitig sa akin.
"Ayoko," matigas niyang sabi.
Pero hindi ako susuko. Tutal kinapalan ko na din naman ang mukha ko, lulubos lubusin ko na.
"Sige na. Ganito na lang. Ako na ang bibili tapos dalhin ko na lang sayo sa tambayan," nakangiti kong turan. Hindi ko na siya hinayaan sumagot, agad akong tumalikod para hindi na siya makahindi.
Hindi ko siya nilingon kahit tinawag niya ko.
Kailangan mong bumawi sa katangahan mo dahil may utang na loob ka. Kahit ngayon lang Chaese Andrea, wag kang masyadong gaga.