Cry
"Hoy! Bakit ka kinakausap nila Ulap?" napataas ako ng kilay ng may biglang humarang na tatlong babae sa lalakaran ko. Papunta na ako sa susunod kong klase at medyo malelate na din.
Humakbang ako pakaliwa para sana iwasan sila ngunit humakbang din sila upang harangan ako.
"Please, may klase ako," magalang kong sagot sa kanila bago sinubukang muling humakbang pero hinarangan ulit nila ang dadaanan ko.
Napapikit ako saglit habang pinipigilan ang inis na unti unti ng sumasakop sa kalmado kong imahe.
Chaese, huwag kang papatol. Hinga ng malalmim.
I gritted my teeth to try to calm myself.
Medyo mainit na kase ang ulo ko kanina pa. Simula kaninang umaga, wala na yatang tamang nangyari sa araw ko. At iyon ang hindi ako sanay.
Chaese Oliveros is calm and collected. Kahit siguro biglang lumindol, hindi ako agad magpapanic. But transfering to this school tests my patience. Meeting that family is something I don't consider as good for my sake. Tapos ay mahaharang pa ako ng mga tagahanga nila.
Sa naisip ay bigla ko ring naalala ang kapatid ni Chase na si Cloud. Nakasalubong ko kasi ito kanina sa hallway. Imbes na lalampasan ko na lang sana, huminto talaga siya sa harap ko at itinaas ang kamay para mag apir daw kami. Dahil lamang sa simpleng bagay na iyon ay mabilis na rin na kumalat ang tungkol doon.
Sino daw ako at bakit daw ako kinakausap ng mga Puntavega?
Kaninang umaga ko lang napatunayan kung gaano kalala ang pagkasikat ng mga ito. Meron kase akong katabi sa isa kong klase, si Xantha. Nerd ang datingan pero hindi yung tipong may braces, nakabangs at may malaking salamin. Pero nakaipit palagi ang buhok niya pataas. Hindi din siya mahilig maglagay ng kung ano anong kolorete sa mukha.
Siya lang ang nakakausap ko madalas dahil may apat na units kaming magkatulad. Tatlong araw pa lang ng makilala ko ang kalahati ng mga Puntavega.
It turns out that their family are rich. Well, hindi naman ako nagtataka kase nahalata ko naman din agad nung una.
Sa tatlong araw na lumipas, madami na din akong nalaman tungkol sa mga ito. Magkakapatid at magpipinsan daw ang pito.
Sina Chase, Cloud at Milan Rain ay magkakapatid. Hindi ko din agad nahalata nung una kase ang weird naman makipag usap ni Ulap kay Milan non. Walang katakot takot. Akala mo siya yung kuya. Kaya din pala siya tinawag na Ulan ni Julio.
Si Ice naman na nakita ko kahapon dahil meron pala kaming isang klase na pareho ay mayroon ding dalawang kapatid, si Alexo na bunso at ang kuya Aedree nila na graduating na.
Si Julio, may kapatid daw na babae pero fourth year hayskul pa lang. Pero sikat din daw yun dito dahil kilalang play girl.
Si Dakota, na mas kilala sa school bilang Dee. hindi niya daw alam kung sino ang nobyo sa kanila. Eversince naman daw kase magkakasama na yung mga ito. Kababata yata, at hindi lang siya. Meron pa silang kababatang babae na nag aaral naman sa ibang paaralan - Si Mattee. Ang sabi ni Xantha, sa public school daw pero hindi siya sigurado. Hindi naman daw nagagawi dito yun, bali-balita lang. Yung mga Puntavega daw ang dumadayo sa eskwelahan ni Mattee.
Wala naman sana akong planong alamin ang tungkol sa kanila pero sabi ni Xantha, mainam na daw na alamin ko dahil halos sa kanila umiikot ang buhay ng mga estudyante dito. Para daw alam ko kung kanino dapat umiwas.
Pansin ko lang, parang ilag si Xantha sa mga lalaki.
Natanong ko din sa kanya si Lantis pero napakunot lang siya ng noo sakin. Sino daw Lantis.
Hindi na lang ako kumibo. Hindi naman malabong hindi niya kilala dahil parang may sa maligno yata yung babae na yun. Ultimo yung nga Puntavega hindi siya napapansin minsan.
Yun nga, itong si Ulap na napaka isip bata, gumawa ng eksena kaning umaga. Kundi ba naman bored masyado sa buhay.
Hindi ko na sana siya papansinin pero bigla na lang niyang kinuha yung isa kong kamay para ipaapir sa kanya.
"Sa susunod gawa tayo ng secret handshake. Kami ni Lexo meron e," excited niyang sabi.
Lusaw yata ang utak at hindi agad napansin na parang lalamunin na ako ng buhay nung mga nakapalibot sa amin.
"Ayan ha. Baka sabihin ni kambal di ko pinapansin yung babae niya," nakakaloko niyang asar na ikinaikot ng mga mata ko.
"Ulap, utang na loob, layasan mo ako," nakabusangot kong turan. Hindi ko alam kung bakit pero palagi ko na lang nakikita ang sarili ko komportableng nakikipag usap sa kanya. Nung isang araw din kase, nakasalubong ko siya. Kaya lang dirediretso ako pero siya todo ngiti sakin, parang tanga.
"Lexo!!!" Napalingon ako sa aking bandang likuran sa lakas ng sigaw niya. Winagayway niya ang kanyang kamay at sumenyas na lumapit yung tinawag niya. Napatakip pa ako saglit ng tengga ng biglang magtilian yung mga babae sa hallway. Mga nakakumpol pa akala mo mga alagad ng dyablo.
Medyo malayo siya samin kaya nag jog pa siya papalapit. At tulad ng mga Puntavega na nakasama ko kahapon, sobrang gwapo din ng lalaking ito.
Mamula mula ang kanyang pisngi na hindi ko sigurado kung dahil ba sa pagtakbo niya o natural na ganun. Ang puti niya din kase, matangos ang ilong at base sa tingin ko, halos magkasing tangkad lang din sila ni Ulap.
Bigla siyang napatingin sa gawi ko, nagulat ako ng huminto siya agad at nanlaki ang mga mata. Nadinig ko pang tumawa ng malakas si Ulap.
Baliw talaga.
"Wag kang duwag, hoy. Safe lapitan to, babae ni kambal. Lika dali, papakilala kita kay Chaese," napabusangot ang aking mukha sa nadinig.
"Sinabi ng hindi niya ko babae e!" gigil kong turan. Nahampas ko pa siya sa balikat.
"Aray ha! Close na tayo, nakahampas ka na. Kapag nagselos kambal ko, bahala ka, "nang aasar niyang sabi sakin.
Nagliwanag bigla ang mukha nung tinawag niyang Lexo at agad ding lumapit samin.
Inakbayan siya agad ni Ulap at bigla ding bumulong. Lalong nanlaki ang mga mata ni Lexo at nakita ko pa yung bunny teeth niya.
Cute din pala.
And then, he f*****g giggle. Ge'ez.
"Chase din ang pangalan mo?" napapangiting tanong ni Lexo. Napabuntong hininga na lang ako.
"Yeah, and for the nth time, I am not his girl or anything. Ikaw Ulap, nagdagdag ka pa. Layasan niyo nga akong dalawa" sagot ko at plano na sanang lampasan ang dalawang ito ng may madinig akong sumigaw mula sa kabilang hallway. This time, sa bandang likuran naman ni Ulap.
"Hoy Alexo Gold! Lagot ka sakin, huwag kang aalis dyan. Tumakas ka kanina sa bahay, hindi ka naghugas ng plato!" sigaw niya. Napangiwi ako dahil ang lakas makaeskandalo ng magpipinsan na to.
"Patay," napahawak si Lexo sa balikat ni Ulap pagkakita sa lalaki. "Tinawag mo pa kase ako e, pag napingot ako ni kuya di talaga kita bati kuya Ulap," nag pout pa siya. Hindi ko alam kung matatawa sa itsura niya o ano.
For some reason, he look so adorable.
Nagpapadyak pa siya talaga ng paa.
Muntik na kong matawa kase mukha talaga siyang bata.
"Hala ka Lex, lagot ka sa kuya mo," pati si Ulap ay mukha na ding kinabahan. "Hala, parang may topak si kuya Aedree ngayon. Takas na tayo, huy!"
"E kase si kuya Yelo naman dapat maghuhugas ng plato e," sagot ni Lexo na kagat kagat na ang pang ibabang labi.
Akala ko ba mayaman sila? sila pa din naghuhugas ng pinggan?
"Subukan mong tumakbo, wala kang baon ng isang linggo," Kitang kita ko ang pagmamartsa ng lalaking sumigaw kanina palapit sa amin.
Habang papalapit siya, unti unti kong naaaninag ang kanyang mukha.
He was walking with grace. Kahit na halata sa mukha na mainit ang ulo niya, hindi pa din maikakaila ang kagwapuhan na taglay.
His lips were thick which matches his prominent nose. Likas din ba sa kanila ang mapuputi?
Dear God, siguro sa lahat ng Puntavega, masasabi kong siya na ang pinakagwapo. He look like a prince, everybody's Prince Charming.
"Kuya, hindi naman ako ang naka assign ngayon e, si Kuya Ice. Ang daya daya naman. Tsaka andun naman si Grey, bakit ako?" nagtago siya sa likod ni Ulap na mukhang kinakabahan din.
Huminto siya sa harap namin at pinatong ang magkabilang kamay sa baywang. "Huwag mong asahan si Grey dahil bihira mo lang mapalitaw yun."
Napatitig ako sa mukha niya.
Bakit mukhang makinis pa yung mukha niya sakin?
"Hindi ka fair kuya. Mas mahal mo si Grey," nagdabog si Lexo at nagulat ako ng bigla siyang nagwalk out.
Wow, style. Takas. Nakita ko kase na napalunok siya.
"Hala hoy Lexo, wag mo kong iwan," nagtatatakbo pasunod si Ulap sa kanya pero tumingin muna siya sakin at kumaway.
"Bye Chaese. Sama kami pag nagdate kayo ni Kambal ha? Hindi niya kase kami nililibre," tinapik niya pa ko sa balikat bago nagtatatakbo.
"Hoy! Alexo!" sigaw ng kuya niya pero kitang kita ko kung paanong parang mga kiti kiting nagtakbuhan yung dalawa. Mga abnoy.
Nagulat ako ng pagharap ko sa kabila ay nagkasalubong ang aking tingin at nung kuya ni Lexo.
"Ikaw ba yung si Chaese na babae daw ni Keso?" salubong ang kilay na tanong nia.
Keso? Grabe nakakahilo na tong mga to. So I'm assuming that's Chase.
Napabuga ako ng hininga pero namula din agad ang pisngi ko.
Ano bang trip netong pamilya na to?
"Sabi ng di niya ko babae e!" inis kong turan. Malapit na talaga kong mapikon sa mga to.
"Sabi ng ampon, babae ka daw ni Keso. Di yun sinungaling. Sabihin mo sa lalaki mo bayaran niya yung utang niyang trenta sakin, "
Napaawang na lang ang labi ko ng bigla niya kong tinalikuran.
Ano daw? Abnormal ba tong pamilya na to?
Si Lantis ba yung sinasabi niyang ampon ni Chase? Yun din ang nadinig kong sabi ni Julio nung nakaraan. Pero ano naman ang paki ko.
Napapikit ako sa naalala.
Yun ang naging eksena kaninang umaga na mabilis na kumalat. Ang tahimik kong buhay na halos ilang linggo lang ang itinagal, ay agad ding natapos. Dahil lang sa mga Puntavega.
At ngayon naman, kailangan ko pang pagdaanan ang ganitong mga eksena.
Ayaw kong maging bayolente pero itong tatlong babae sa harap ko ang dahilan kung bakit bigla kong naalala yung nangyari kanina. Nastress yata ako lalo.
"Malandi ka! Siguro inakit mo si Ulap no? Imposible na patulan ka noon kung wala kang ginawa," angil ng isa.
Nanatili akong nakapikit. Hinga Chaese, kalma lang. Wala pang dede yang mga yan. Wag papatol.
"Lalo na si Lexo! Ang landi landi mo. Imposibleng kusa kang kausapin ni Alexo, hindi nga yon nakikipag usap sa mga babae kung hindi kay Dee. Mangkukulam!" napaatras ako ng itulak niya ko sa balikat.
Napansin kong madami ng taong nakatingin sa direksyon namin.
"Ang pangit pangit mo naman. Ang putla putla mo. Tsaka, mas maganda naman kami sayo ah!"
"Paano ka ba pinalaki ng magulang mo? Alam ba nila na panay kalandian lang ang inaatupag mo dito?"
Agad akong napatingin sa kanila, salubong ang mga kilay.
"Siguro ginagamit mo yang katawan mo kaya ka nakapag enrol dito. Hindi ka naman mukhang belong. You look cheap!"
Napapikit ako ulit at huminga ng malalim.
"If you guys are done, I have some place to be," I tried walking past them again pero tinulak ako nung pinakamaliit na mukhang inararo ng lipstick yung mukha.
I balled my fist in anger at handa na sanang manakit na batang nakababy b*a pero nagulat ako ng biglang may kamay na pumulupot sa balikat ko.
"Ay baka namana mo sa nanay mo ang kalan-" hindi na natulog ng isang babae ang sasabihin sa gulat.
Napaangat ako ng bahagya ng tingin at nagulat ng bumungad sakin ang madilim na mukha ni Chase. Parang mainit ang ulo niya.
Nadinig kong may mga napasinghap sa paligid.
"Ano niya si Chase?" nadinig kong tanong nung isang babae sa gilid namin.
"Kasama niya pa si Miss Dee,"
Napalunok ako. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga. Palagi ko siyang sinasabihan na maliit siya pero ngayong magkatabi na kami, hindi maipagkakaila na mas matangkad siya ng di hamak sa akin.
Ibang iba ang awra niya ngayon. Kung nung isang araw ay ramdam ko na ang kaseryosohan niya, ngayon pakiramdam ko makakapatay na siya ng tao. Medyo kinabahan ako sa itsura ni Chase.
"Leave," napalingon ako sa kabila ng madinig nag boses ni Dee. Nakatingin siya sa mga babae habang blangko ang mukha.
"Miss Dakota," parang natakot pa yung isa dahil sa kanya. Pero yung isa, mukhang di alam kung ano ang nangyayari.
"Siya kase e, inaakit niya sila Ulap..." dagdag naman ng isa. Akala mo naghahanap ng kakampi e wala namang umaapi sa kanya.
Umahon lalo ang inis sa akin. Siya yung kung ano ano yung sinasabi sa kanina e. Idadamay pa yata ang nanay ko.
"Malandi siya! Mana sa nanay!"
Kaya kong magpigil pero wag nilang dinadamay ang nanay ko. Sasabog talaga ako.
Inalis ko ang kamay ni Chase sa aking balikat.
"Alam mo kung anong nakakaakit? Yang mukha mo nakakaakit." Iniamba ko ang kamao sa kanya, "Naaakit tong kamay ko na saktan yang muk--" bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na ang pagtakip ni Chase ng aking bibig.
Lalo akong nanggigil. Pinagpapalo ko ang kamay niya ngunit hinatak niya lang ako palayo.
Nakakagigil. Makakapatay talaga ko ngayong araw.
Bwisit!
Nakita ko na parang may sinabi si Dakota sa kanila bago sila biglang napaatras. Gusto ko sanang bumalik pero itong si Chase hindi ako binibitawan. Masyado siyang malakas.
Sa isang iglap, nakaladkad na niya ko palayo sa kanila hanggang sa nawala na sila Dakota sa paningin ko. Lumiko pa siya ng isa hanggang umabot kami sa pinakadulo kung nasaan ang janitor's closet.
Nagpupumiglas ako lalo sa kagustuhang makawala sa kanya. Naamoy ko na kase yung pabango niya. Isa pa, pakiramdam ko sasabog ang puso ko.
Sa sobrang inis ay nakagat ko ang kamay na nakatakip sa aking bibig.
"Aray ko!" singhap niya na mabilis naialis ang kamay sa mukha ko, sapo sapo na ng isa pang kamay. "Bakit ka nangangagat? Aso ka ba?" inis niyang turan.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Mukhang nasaktan yata siya.
"Bakit mo ba kase ako inilayo doon?" sa sobrang inis ay nahampas ko pa siya sa balikat. Pakiramdam ko umahon lahat ng dugo ko sa aking ulo.
"Aray! Sobra ka na ha. Tsansing ka na lang yata e!" lalo akong nanggigil sa sinabi niya. Simula ng nakuha ko sa kanya yung sketchbook ko nung isang araw ay iniwasan ko na din siya.
Gusto kong magwala. Gusto kong manakit. Tahimik akong tao pero nawawalan ako ng kontrol sa sarili kapag tungkol na sa pamilya.
Nakatingin lang siya sakin.
"Dapat kase hindi ka na lumapit. Sino ka ba?!" masyado na kong galit at hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Pakiramdam ko may gustong sumabog sa aking dibdib at nag iinit na din ang gilid ng aking mga mata. "Hindi pa ko tapos sa kanila. Hatak ka ng hatak dyan!"
Huwag iiyak Chaese. Wag sa harap niya.
Simula bata ako, nadadamay na si Mama kapag may nanlalait sakin. Sobrang bait ng nanay ko. Ang sakit sakit sa dibdib kapag nasasabihan siya ng mga ganun. Hindi ko kaya.
Kaya kong wag magsalita kahit ano pa ang itawag nila sakin. Pero yung nanay ko, huwag dahil wala akong pakialam kahit umabot pa sa ma expel ako sa school. My mother is a sensitive subject for me.
"Niligtas lang kita. Bakit mo ibaba ang sarili mo sa mga ganoong tao?" blangko niyang sagot. Pansin ko na piga piga niya pa din yung kamay niya na kinagat ko. Napalakas yata.
Hindi ko naman pinansin yung kaba na bigla kong naramdam dahil doon.
Hindi mo kasalanan Chaese. Huwag kang makonsensya. Bulong ko sa sarili ko.
"Wala ka pa ring pakialam. Ano ba kita? Hindi naman tayo close pero nakikisali ka sa g**o ko! " Sita ko sa kanya. "Lumayo ka nga sakin! Ayaw kitang nakikita!" sigaw ko. Ramdam ko ang pagtaas baba ng aking balikat dahil sa galit.
Nanginignig ako. Kaya hindi ko gusto ang nawawalan ako ng kontrol. Masyado akong nadadala at nanginginig ang kalamnan ko. Alam kong anumang sandali, tutulo na din ang mga luha sa mata ko.
Napaangat ako ng tingin, kagat kagat ang pang ibabang labi hanggang sa magtama ang aming paningin. Pakiramdam ko ay sinusuri niya ang kalooblooban ko.
Bakit ganoon? Wala akong mabasang kahit ano sa mukha niya. Hindi siya mukhang galit. Napakablangko.
"Stay away from me," I whispered, my eyes now avoiding his gaze.
Dahan dahan akong tumalikod. Hindi ko na ininda ang nanginginig kong mga tuhod.
Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na mahina ako. Hindi sa kanya, dahil ilang segundo na lang, alam kong maiiyak na ako.
Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ng maramdama ko na may biglang humila ng aking kamay.
Nagulat ako ng buksan niya bigla yung Janitor's closet sa gilid namin at sinilip iyon. Nang makuntento sa kanyang nakita ay agad akong itinulak papasok don bago niya isinarado muli.
Napatili ako sa gulat.
"Diyan ka. Diyan mo gawin kung anuman ang gusto mong gawin. Sumigaw ka, murahin mo ako. Bahala ka. Pagkatapos, tsaka ka lumabas at itaas mo yang noo mo. Hindi kasalanan ang maglabas ng emosyon. Tao ka. Lahat ng tao may pakiramdam. Kung ayaw mong may makakita sayo, dyan ka sa loob. Pag natapos ka jan, kumatok ka lang ng dalawang beses at aalis ako dito para makalabas ka. After then I'll stay away from you like you wanted..."
Natahimik ako sa sinabi niya. How did he know?
Alam niya ba na maiiyak na ako?
Madilim sa loob at patay ang ilaw. Tanging dalawang timba, isang mop lang ang nasa loob.
Gusto ko sanang magprotesta ngunit ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti unti ng lumandas sa aking pisngi hanggang sa may hikbi ng kumawala sa akin.
He's giving the space that I need.
Umiyak ako. Hinayaan kong tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan kong kumawala sa akin ang galit na kanina ko pa gustong pakawalan.
Naidikit ko ang aking noo sa pintuan, ang mga kamay ko ay nakapaikot na sa aking katawan.
Wala na akong pakialam kung nadidinig niya ba ko sa labas. Lahat ng tinitimpi kong sakit, ngayon sila nagsisilabasan.
I don't usually cry. I can always keep my composure and bottle the pain away.
I saw how my mom had endured all the hardships from raising me alone. Nakita ko kung gano katagal siyang umiiyak minsan sa sala habang nagkocompute ng mga gastusin kapag akala niya ay tulog na ako.
Lahat nang paghihirap at pang lalait ng ibang tao na akala niya ay di ko alam, nadidinig ko. Lahat ng pagtitiis, lahat lahat.
My mom gave up a lot of things for me kaya ang makadinig ng mga ganoong salita mula sa ibang tao dahil sa akin, nakakapunit ng puso. Wala siyang naging kasama. Ang alam ko, itinakwil siya nila lola ng ipagbuntis ako.
I promised to myself that my mom will never cry because of something I did.
Hinding hindi ako gagawa ng makakasakit sa nanay ko. At hindi ako papayag na may umapi sa kanya.
So I cried, I cried until the pain of their words were gone.
Umiyak ka ngayon Chaese. Pero bukas, ngingiti ka na ulit.
Smile for her. Smile for your mom. Sigaw ng utak ko.
Naisip ko bigla ang magiging epekto kung nakipag away ako kanina. Siguradong malalaman ng aking ina ang pangyayari at iiyak ulit siya.
Nakagat ko ang aking labi.
Looks like Chase had saved me afterall.