2

2895 Words
Puntavega "Hala naman," hinihingal ako na napaupo na lang sa isang bench sa dulong bahagi ng quadrangle. Medyo tago ang lugar na ito at napapansin ko na wala masyadong estudyanteng nagagawi. Kanina ko pa hinahanap yung lalaking tinakasan ata ng katinuan sa utak para sana bawiin yung sketchbook ko pero nalibot ko na yata yung kalahati ng University pero hindi ko pa din siya mahanap. Hindi naman ako pwedeng sumilip na lang basta sa bawat klase para makita siya. Baka akala ng mga tao papansin ako. At hindi pa naman ako ganoong kadesperada para gawin ang bagay na iyon. Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktak sa aking noo. Naipaypay ko ang aking kamay sa aking mukha bago ko inilapag pansamantala ang bitbit kong bag sa gilid ko. Basa na tong kili kili ko sa kakalakad-takbo. June pa lang at tirik na tirik ang araw. Titirik na din yung mata ko sa uhaw at gutom. Kung lalaki lang ako baka may iba na ding tumirik sakin. Napapikit ako sandali at naihilot ang kamay sa sentido. "Nakakainis!" hindi ko na napigilan at nagpapadyak ko na parang batang paslit. Bigla niyang pinagsisihan ang ginawang pag drawing dito. Gayunpaman, bakit nito kailangang kuhanin ang sketchbook niya? "Ughhh, Chaese! Dapat hindi ka na lang lumipat ng school," bulong ko sa aking sarili. Naiirita ako at hindi ko alam kung maiiyak ba o ano. Napakadami doong sketches. Yung iba nga doon kopya pa ng mga naibenta ko noong hayskul pa ako. Napasabunot ako ng bahagya sa aking buhok. Bumalik na lang kaya ako sa dati kong eskuwelahan? Kahit minsan yung katabi ko amoy putok, pagtitiisan ko na lng siguro kaysa mastress yung kapirangot kong utak dahil sa school na to. Napasandal ako ng bahagya sa upuan para magpahinga. Biglang pumasok sa aking isipan ang aking kapatid. Ano'ng silbi ng paglipat ko rito kung hindi ko rin ito makikita? Isa pa, hindi ko din naman alam kung paano siya kakausapin. Masyado kaming awkward sa isa't isa. Natatakot rin akong magalit ito. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Dahil sa kakahanap kay Chase ay napa absent pa ako sa isa kong subject. Hindi naman big deal sa akin dahil halos umpisa pa lang ng pasukan at makakabawi pa ko. Pero nakakahiya naman kay Tita Monica kapag nalaman niya na nagbubulakbol lang ako dito. Hindi naman mura ang tuition. Pwede ko na nga atang pang down p*****t sa studio room ng condo unit yung tuition dito e. Ganoong kalaki. "E kung hayaan ko na lang yung sketchbook?" bulong ko ulit sa aking sarili. Napahinga ako ng malalim. Nagmumukha na akong tanga sa ginagawa. "Argggghhhh!!!" nanggigigil ako. "Matitiris ko talaga yung lalaki na y-" "Hindi mo siya nakita?" "Ay kabayo!" napahawak ako sa aking dibdib ng may marinig akong magsalita. Napatayo pa ako bigla. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko yung babaeng tinawag nung si Chase na Lantis kanina. "Hi Chaese..." she greeted. Napatitig ako ulit sa mga mata niya. Her face was blank but now I can still clearly see her eyes and how grey they are. "Ka-kanina ka pa dyan?" nauutal kong tanong. Lalong nanlaki ang aking mga mata ng tumango siya. Dahan dahan akong umupo ulit habang nakatingin pa rin sa kanya. "As in, nakaupo ka dyan bago pa ako umupo dito?" tanong ko ulit na tinanguan niya ng bahagya. Napaawang ang aking mga labi. "Paano?" taka kong tanong. Napaangat siya ng kilay. Akala ko mahiyain tong babae na to pero napakaweird niya. Ang hirap niyang sukatin. "Baka kase naglakad ako papunta dito?" inosente niyang sagot. Napairap ako. Pilosopo. Maligno ba tong babae na to? Pakiramdam ko nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa nerbyos. Pati yung tiyan ko parang may humahalukay na atang baboy ramo habang nagpaparty naman sa loob ng dibdib ko yung mga penguin. Napaka imposible kase na hindi ko siya mapansin dahil asa bandang kanan lang ng upuan ko yung bench na kinauupuan niya. Kahit sinong may matinong mata, makikita dapat siya. "Pahabol talaga," bulong niya bago ibinalik ang tingin sa hawak niyang libro. Napansin ko na parang nakangiti siya. Napahinga ako bahagya ng malalim para kalmahin ang aking sarili. Masyado ng mabilis ang t***k ng puso ko. Akmang aalis na ako ng may bigla akong maisip. "Wait, boyfriend mo ba siya? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang kumuha ng sketchbook ko?" I pouted my lips, bagay na lagi kong ginagawa kapag may kailangan ako may mama. Nagbabakasakali lang naman ako tutal naman, mukha silang may relasyon. “Bakit, selos ka?” makahulugan niyang sabi na lalong nakapagpataas ng kilay ko. Napaingos ako bigla pero agad ding bumaba ang aking tingin sa sahig bago ko naisandal ng bahagya ang mga kamay ko sa gilid. Nakakastress. "Dee! Tara na. Isang subject lang naman. Ayokong makita yung mukha nung prof na 'yon, panay kindat pa sakin. Kinikilabutan ako!" Napaangat ako ng tingin ng may madinig akong magsalita. Medyo malakas ang boses nung lalaki. Napalinga linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ang apat na taong parating. "Baliw ka Milan. Paano ka kikindatan noon e malabo na mata no'n? Idadamay mo pa 'tong si Dee sa kalokohan mo!" singhal nung isa pa na pinakamatangkad yata sa kanila. Parang mainit ang ulo niya doon sa isa na panay naman ang make-face habang nagsasalita siya. Halatang nang iinis. "Ay, ikaw ang may subject Julio? Ikaw? Prof mo? E si Ice nga dati tinatakasan din yoon e," "Isusumbong kita kay kuya Aedree mamaya Milan," singit ng isa na sa tantya ko ay ang pinakabata sa kanila. Una kong napansin ang mga labi niya na nakahugis kwadrado habang tumatawa. Dirediretso lang silang naglalakad papunta sa gawi ko pero hindi ni isa ay walang nakapansin sa'kin. Pinasadahan ko ang itsura nilang tatlo. Lahat sila makikisig. Iba ang mga tindig at datingan. Unang sulyap mo pa lang alam mo ng maraming babaeng naghahabol at pinaiyak. At kahit simpleng mga jumpers at jeans lang ang mga suot, lutang na lutang pa din ang taglay na mga kagwapuhan. Masyado na ata akong nakafocus sa tatlo kaya napaigtad pa ako ng bahagya ng magtama bigla ang mga mata namin ni Dee. Napataas ang kanyang kilay at nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Ang ganda nito sa suot nitong floral dress na hanggang tuhod lamang ang haba. Ang buhok niya ay nakabraid patagilid at bagama't kakaunti ang kolorete sa mukha ay nagsusumigaw pa rin sa ganda. "Sige, isumbong mo ko Ulap para makita mo ang sarili mong lumulutang lutang sa alapaap. Nang mapanindigan mo na din yang pangalan mo," paangil na sabi nung Milan. Ulap? Ang cute naman ng pangalan niya. Medyo ngumiti pa siya ng nakakaloko at dahil medyo malapit na din sila sa banda ko, mas lalo kong nakita yung boxy smile niya. "Oo, tapos ikaw naman Milan, magiging ulan ka. Kase uupakan kita hanggang sa magpaulan ka na din ng laway!" Napangiwi ako sa sagot nung matangkad na tinawag na Julio. Brutal masyado. Magkakaano ano kaya sila? "Bwisit, tara na nga lang Dee. Pasok na lang tayo. Sasakit lang tiyan ko dyan kay Julio," nakasimangot na turan ni Milan pero dirediretso lang ng lakad tong si Dee. Napakurap ako ng bahagya. Ang amo ng mukha niya at nakatitig lang siya sakin habang papalapit sa kinauupuan ko. Kakausapin niya kaya ako? "Hoy Dee!" tawag sa kanya ni Milan pero napatigil din siya sa pagsasalita at huminto sa aking harap habang lahat sila ay nakatunganga sa akin. Yung tinawag nilang Julio, nakakunot ang noo at parang nabwisit lalo ng makita ako. Bakit ba parang ipinaglihi sa sama ng loob lahat ng mga taong nakikita ko ngayong araw? "Huy Ulap, ikaw na..." sabi ni Milan na nagtago bigla sa likod ni Dee. Samantalang si Dee ay nakatitig pa din sakin. Nagtinginan silang lahat at medyo naawkwardan na din ako. "Ikaw ba ang kuya o ako talaga yung mas matanda?" Natatawa niyang sabi nito bago ako binalingan, "Ah, Miss, bawal ka dito," nakangiting turan nung tinawag nilang Ulap. Napaangat ng bahagya ang isa kong kilay. Bakit bawal? Wala naman akong nakitang signage kanina ah. "Private property ba to?" kalamado kong tanong. Tsaka bakit tong si Lantis andito din? Magsasalita na sana ko ulit ng biglang mapapilantik si Milan na akala mo may naisip na makabuluhan. "Hala baka babae nila kuya Ae yan o kaya ni Ice," turo niya pa sakin. "Ay miss kanino kang babae?" bigla niyang tanong. Namula agad ang aking pisngi sa sinabi niya. Babae? Like, girlfriend o kalandian? Pakiramdam ko, naumid bigla ang aking dila sa tanong niya. "Tanga hindi naman ganyan type ni kuya Aedree e. Hindi din kay Lexo yan kase baka milagro naman na mag girlfriend yun e baby pa yun," sagot ni Ulap. "Lalong hindi si Yelo," bulong ni Julio. Naningkit bigla ang mata ni Milan. "Hoy Julio, sayo yan no?!" bintang niya. Inirapan lang siya ni Julio bago biglang nagtama ang tingin namin ni Dee. "Sira, baka sayo. Ikaw 'tong kung sino sino babae e," "Excuse me, virgin pa ko," nagpout pa si Milan ng konti bago ko napansin ang hugis puso niyang mga labi. "Oo, sa utak. Kaya wala ka ding alam e," "Ahmmm," gusto ko sanang putulin ang pag uusap nila kaya lamang ay bigla akong nahiya. Ngunit parang hindi din naman nila ko mapapansin. Napatingin ako ulit kay Dee at napabuntong hininga ng malalim bago ako tumayo para sana lisanin ang lugar ng biglang may magsalita. "Kay Chase yan, babae niya," "Ahhhh!" napasigaw kaming lahat at tumalon pa si Milan at niyakap agad si Julio na kapwa nanlaki ang mga mata sa gulat. Si Ulap naman nagtago agad si likod ko samantalang si Dee ay napaawang lang ng bahagya ang mga labi ngunit agad ding kumalma ng makita kung sino ang nagsalita. Napalingon na din ako sa kanya. "Ano ba yan?! Bakit ka ba nanggugulat?" Sigaw ni Julio tsaka mabilis na itinulak si Milan. "Layo nga Ulan, nangigigil din ako sayo e," Tinitigan muna siya ng matagal ni Milan na parang may kinukumpirma. "Bakit ba kase bigla na lang sumusulpot yang alaga ni Chase? Muntik na kong maihi sa salawal," sinamaan niya ng tingin si Lantis na maging ako ay nakalimutan na andito din siya. "Bakit lumabas na naman iyan? " ingos ni Ulan. Nagulat ako dahil sa lakas ng boses niya. Galit ba siya? "Cloud, tigilan mo na," kalma sa kanya ni Julio. Bahagya akong naguluhan. Bakit nagalit siya agad? "Nakakainis kase. Kawawa talaga yung kakambal ko," bulong ni Ulap na bahagya na ding lumayo sa likod ko. Napalunok ako bigla. Ang bango niya ha. "Kay Chase?" sa unang pagkakataon ay nadinig kong nagsalita si Dee at naagaw ang atensyon ko ng magtaas siya ng isang kilay. Napatingin sa kanya si Milan na medyo sumimangot. "Dakota, huwag mo ng subukan," sabi ni Milan na naglakad na din at biglang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Parang nag iba bigla ang timpla niya. Sumunod na din si Julio at Ulap na bigla na lang naging seryoso ang itsura. Bakit kanina panay ngiti pa siya? Hindi nakaligtas sa akin ang pagtalim ng tingin niya kay Lantis. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang hangin sa paligid. Parang may mali. "Ah, alis na ko. Sorry sa istorbo," paalam ko bago biglang tumalikod. Handa na sana akong humakbang paalis ng may humatak sa kamay ko at agad akong hinila pabalik sa mga upuan. Bigla akong kinabahan. Dalawang malaking lamesa yun na parihaba na napapalibutan ng mga bench na may sandalan. Hindi naman kailangan ng bubungan dahil natatakpan naman ng mga buidling ng paaralan yung sinag ng araw. "Dito ka muna. Baka hanapin ka bigla ni Chase," sabi ni Dakota na siyang humila sa akin. Namula na naman ang pisngi ko bigla. "Girlfriend ka ng kambal ko? Ang bilis ah. Kakapasok lang niya kanina di 'ba?" nakakalokong sabi ni Ulap. Kambal sila ni Chase? Bakit hindi sila magkamukha? Napatitig ako sa kanya. So sila pala yung mga Puntavega... Kaya naman pala. Hindi na ako magtataka na madaming nagkakagusto sa kanila. Wala pang ten minutes pero ramdam ko na agad ang pagkabaliw ng mga to pero di ko pa rin maikakailang gwapo sila talaga. "They're fraternal twins in case you're wondering," sagot agad ni Dee. "Ang daldal mo yata ngayon Dakota," sabi ni Milan. Mukhang naiinis na naman siya. Iniyukyok niya ang kanyang mukha sa lamesa na mukhang walang gana. Tinaasan lang siya ng kilay ng huli. Noon lang din pumasok sa isipan ko ang mali nilang akala. Pinakalma ko ang aking pakiramdam bago taas noong tumingin sa kanila. "Hindi niya ko babae," sabi ko agad. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong patunayan dahil kung normal na pagkakataon lang naman to, wala akong planong magsalita. Napaangat ang kilay ni Julio. Parang pinagdududahan ang sinabi ko. "Sabi ni Lantis babae ka ni Chase. Ampon niya yan kaya hindi imposible na totoo," napaangat ang kilay ko ng ipatong niya ang kanyang mga paa sa taas ng lamesa. Masyadong brusko. "I'm nobody's girl," sabi ko ngunit inirapan niya lang ako ulit. "Whatever," bulong ko. Hindi ko alam kung anong trip nila pero medyo pagod pa ako kaya bahala na sila. "Hoy Lantis, bakit andito ka? Wala si kuya ah?" si tanong sa kanya ni Ulap. Nag angat siya ng mukha at sinalubong ang tingin ng isa. "Hindi naman ako bawal dito ah. Tsaka binabantayan ko si Kuya Yell," sagot niya sabay turo sa kabilang bench. Medyo natatakpan yun kaya hindi ko napansin kanina. Nasundan ko ang kanilang tingin. Napatayo na si Julio. "Lagot yan sa kuya niya. Umpisa pa lang hindi na pumapasok," napapailing niyang sabi bago umupo ulit. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatakip ito ng braso niya. Kanina pa siya tulog dun? "What's on your shirt?" puna sa akin ni Dakota. Napatingin ako sa puti kong damit at napansin ang pulang marka doon. Napailing ako saglit. "Binubully siya ng kaklase niya," sumbong ni Lantis. Napatingin na naman ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa hawak niyang libro. Ano din trip neto? "Binubully ka? Ano ka, grade two?" tanong ni Ulap na ngayon ay nakangiti na. Parang aliw na aliw sa itsura kaya agad akong napabusangot. Bakit ba trip ako ng mga tao ngayon? "Hindi, pero ikaw mukha kang kinder," sagot ko sa kanya. "Uy upgraded, dati mukha ka lang ipis," natatawang sabat ni Milan. Napansin ko na nakangiti na din si Julio. Napailing ako. Wala akong mapapala dito. Binalingan ko bigla si Lantis. "Sabihin mo sa kanya na ibalik niya sakin yung sketchbook ko at hindi ko siya kakausapin," turan ko bago biglang tumayo. Tatalikod na sana ko ng biglang hawakan ni Milan ang kamay ko. Napaigting ako sa gulat. "You draw?" seryoso niyang tanong bago bumalik ang tingin kay Dee. "Bakit, pati ba yun bawal dito? Huwag na din ako huminga kaya? " mapang asar kong tanong. Sa dami ng nangyari ay naiinis na rin ako. "Hindi, pero ayoko na kapangalan kita kaya magpalit ka ng pangalan," napalingon kaming lahat ng may magsalita. "Chase," bulong ko. Naramdaman ko na binitawan ako ni Milan. Nakabusangot na naman yung mukha ni Chase na akala mo naiinis. Ano ba to, pinaglihi sa sama ng loob? "Magkapangalan kayo? Hala cool!" pumapakpak na sabi ni Ulap. Nakatingin ako sa kanya habang papalapit siya dito. Napansin ko naman na hawak niya sa isa niyang kamay yung sketchpad ko. Naningkit bigla ang aking mga mata at mabilis na nagpunta sa direksyon niya at hinablot iyon. Hinarap ko siya bigla at pinaningkitan ng mata. "Bakit hindi ikaw ang magpalit ng pangalan tutal mas nauna naman ata akong pinanganak sayo." sabi ko sa kanya na ikinalukot ng mukha niya. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya dahil mabilis na kong tumalikod para kuhanin ang gamit ko sa lamesa. Nginitian ko muna sila bago nagmartsa paalis. Ayaw ko namang maging bastos. Marahil sa sobrang inis ko rito ay hindi ko an rin napigilan ang aking sarili. "Tabi dyan. Ang liit liit tapos paharang harang," bangga ko kay Chase bago siya inirapan. Nakalayo na ko ng bahagya ng marinig ko ang boses niya. "Mas matangkad ako sayo, ha!" Napairap ako. Wag ko na sanang makadaupang palad ang pamilya ng mga 'yon. Parang hindi sila normal. Baka magulo lang ang buhay ko sa kanila. Ayoko ng magulong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD