MARAHAS ang singhap na hinugot at pinakawalan ni Mia nang bumaba sa leeg niya ang mainit na labi at mga halik ni Erik. Hindi naman malinsangan ang panahon pero dahil nga sa maalab na damdaming unti-unting binubuhay at sinisindihan ng binata sa kaniyang katawan, pakiramdam niya nang mga oras na iyon, ang bawat daanan ng mga haplos at halik nito sa kaniyang balat ay sinisilaban. "Erik," anas niya nang magsimulang damhin ng binata ng malikot nitong kamay ang isang niyang dibdib na sinimulan nitong bigyan ng masarap at banayad na masahe. Para siyang kinukuryente dahil sa masarap na epekto ng mainit nitong palad sa kanyang dibdib. "Mia, akin ka lang ha? Kasi baliw na baliw na ako sa iyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero sigurado ako na hindi ko na kayang itigil ito," bulong