SAKTO sa sinabing oras ni Erik nang dumating ito para sunduin siya. Hindi alintana ang mga kapitbahay niyang nakamasid sa kanya ay sumakay siya sa dalang sasakyan ng binata. "Ikaw na ang bahala ah," si Erik nang maikabit niya ang seatbelt. Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa sinabing iyon ni Erik dahil sa pagtataka. "A-Ano?" naguguluhan niyang tanong. Tumawa ng mahina si Erik. "Ikaw ang babae, kaya mas marami kang alam kaysa sa akin sa pag-aayos ng babay. Kaya ikaw na ang bahala pagdating natin sa mall," anitong pinatakbo na ang sasakyan pagkatapos. Hindi maunawaan ni Mia kung anong klaseng emosyon ang parang pakpak ng ibon na humaplos sa puso niya dahil sa sinabing iyon ni Erik. Pero hindi niya napigilan ang ngumiti ng matamis. "Sige, kung iyon ang gusto mo," ang tanging isinagot ni