Chapter 11

2331 Words
Flashback "What was that?" Bakas na bakas ang pagkamangha sa boses ng kakambal niyang si Lucas matapos nilang bumalik sa engineering building galing sa economics department. Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay naupo na lang siya sa swivel chair sabay talikod para tumingin sa labas. "Huy, I'm asking you!" Hindi pa ito nakuntento at hinila ni Lucas paharap yung swivel chair para mapatingin sa kanya. "It is what it is." Kibit-balikat niyang sagot. “You know me. Hindi ko naman ugali ang magbiro.” "You're seriously going to court her? That… that girl?" Natatawang tanong ni Lucas. Tumayo pa ito at naglakad papalayo sa kanya. “As in, hindi ka talaga nagbibiro?” Logan took it personally. He leaned against the wall. "Why not? What’s wrong with her? Kung ikukumpara mo naman sa mga tipo mong babae, she's so much better." "Ouch. Ang sakit mo namang magsalita. Kakambal ba talaga kita?" Madramang tanong pa nito sa kanya. Napailing na lang ng wala sa oras si Logan. He and Lucas look exactly the same. Same built, same height. Magkaiba lang sila when it comes to fashion. While Lucas is your typical campus varsity heartthrob, siya naman ay walang hilig sa mga ganoong bagay. He’d rather spend his time alone than be surrounded by people. At siya iyong tipong seryoso. Ganoon ang daddy nila noon. Si Lucas ang nakamana ng pagiging babaero ng daddy nila. Pero babaero man ang ama nila, seryoso naman ito kung magmahal. At iyon ang nakuha ni Logan. “I’m just telling the truth, why are you overreacting?” Kunot-noong tanong niya sa kakambal. “It’s not my fault na gusto mong magtala ng record sa paramihan ng naikama.” He tsked. “I don’t even know who you’re fighting against.” “Hey, hindi ko rin naman ata kasalanan kung palay na ang kusang lumalapit sa manok. Alangan namang tanggihan ko?” “Hindi rin naman siguro porke nilalapitan ka ng manok e tutukain mo na lang lahat bigla. Mamili ka naman, baka bigla kang makarma sa mga ginagawa mo e, maging lola ng maaga si Mommy.” “Meh. That won’t happen. Wais to ‘no. Palagi akong may dalang condom sa bulsa kaya impossibleng mangyari ‘yon.” Halata ang pagkairita sa boses nito. “Teka nga, bakit napunta sa akin ang topic samantalang ikaw ‘yong pinag uusapan natin dito?” Bumuntong-hininga sabay kibit-balikat si Logan. “You liked boasting about yourself kaya pinagbigyan kita.” At mas okay na rin na ang kapatid ang pagusapan nila at hindi si Alea. HIndi niya nga alam kung anong naisip niya at kung bakit niya pa isinama si Lucas sa management building e. “f**k you.” Pabirong sabi nito sabay bato sa kanya ng nilukot na papel. “You know, when you said you like matured woman, I thought you meant matured woman. Tipong mga kagaya nina Tita Yngrid at Tita Lizz.” Nakangising saas ng kakambal. I won’t blame you if you do. Kase kung ako ang tatanungin, papatulan ko rin sila. “I said, matured. Not old. And maturity is a state of mind and not just a number. Nakita mo naman siguro si Alea hindi ba? Nakita mo kung anong pinagkaiba niya sa ibang mga babae doon? That’s what you call maturity.” “Kung sabagay, may itsura naman siya. But not my type. Parang siya 'yong tipo ng babaeng kailangan mo pang ligawan bago mo maikama–" "Hindi ba ganoon naman talaga? Kapag interesado ka sa isang tao, you'll court her. You'll get to know her." "Not me!" Mabilis na sagot ni Lucas. "I don't even need to know a girl's name bago ko siya matikman” Napailing na lang si Logan ng wala sa oras. His twin brother will never change. “Don’t worry. Hindi ko papatulan si Alea. She’s all yours. She’s different. She looks complicated. I don’t like complications.” “Not different. Unique. And I like to keep things with higher values–” “Yeah, yeah. I get what you’re trying to say, she’s off-limits and that I should back off and keep my hands all to myself.” Anito habang taas pa ng dalawang kamay senyales ng pagsuko. “Wala naman akong balak na diskartehan si Alea, dude. She's all yours. Isa pa, hindi ko alam kung anong nakita mo sa kanya but okay, it's your life and I don’t want to interfere with it. Ang tanong, makukuha mo nga ba siya? Nakita mo naman kung anong reaksyon niya kanina. She’s not happy with all the attention she’s getting. Isa pa, hindi ba binasted ka na niya?” Nakangising sabi ni Lucas. Naalala na naman tuloy niya kung paanong halos ihampas sa kanya ni Alea ‘yong bulaklak na hawak nito kanina. “The great Logan Araullo, ginanon ka niya? Kung ako ‘yon hindi kita gaganunin.” Dagdag pang aasar pa nito sa kanya. He took it lightly. “So what? Kung hindi siya interesado sa akin, then I’ll make her. Dude, if she's easy, she’s not worth it.” Sagot ni Logan matapos niyang talikuran muli ang kapatid. Napansin niya ang pananahimik nito kaya naman lumingon ulit siya sa likod. “Putangina Logan! Tinamaan ka nga kay Alea!” Humahalakhak pang sabi nito. “There’s nothing wrong with my intentions kaya kahit sinabi niyang ayaw niya, hindi ako titigil. Bakit kaya hindi mo subukang magtino at magseryoso?” “Hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatino sa akin.” Nakangising sagot nito sa kanya.. “Ay wait, ipinanganak na pala. ‘Yon nga lang, cheesedog ang paboritong kainin. Sayang, gusto ko pa naman sanang ipakain sa kanya itong hotdog ko. Pero okay lang. Willing to wait naman ako.” Naalala ni Logan ang bunsong anak nina Yngrid at Liam na si Sophia. His twin brother is really interested in her. “Elementary pa lang si Sophia. Sa feeding bottle pa nga siya umiinom ng gatas–" "That's her training. Ten, fifteen years, iba naman ang susupsupin niya." Nakangising sabi pa nito na ikinakilabot niya. "Hayop ka. Pumili ka nga ng kaedad mo. Pedo ka talaga!” Singhal niya. "Kapag nalaman ni Tito Liam ‘yan, ewan ko na lang talaga sa ‘yo.” “Pakyu! Wala naman akong ginagawa kay Sophia ah? Sabi ko nga hihintayin ko siyang lumaki e.” “Buang. Paglaki ni Pia, matanda ka na. Kaya tigilan mo ‘yan.” “Wala kang pake. My life, my rules. At saka, bakit mo ba iniiba na naman ang usapan e. Nililibang mo na naman ako. Diyan ka lang, kailangang malaman ‘to nina Rylie!” Tatawa-tawa pa ito na naglakad papalayo sa kanya. Narinig niya na lang na may kausap sa telepono ang kakambal at sa isip-isip niya ay si Rylie na nga iyon. Wala naman sa kanya kung malalaman ng mga kaibigan ang tungkol kay Alea. He is serious about her. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klase pakiramdam parea sa isang babae. Kinikilig siya. Gustong-gusto niya itong lapitan at kausapin ngunit sa tuwing susubukan niya ay tila siya kinakabahan. And Alea doesn’t care about his wealth. Kung ibang babae ang nilapitan niya ay baka ito pa ang maghabol sa kanya. Alea on the other hand, tila mas naiirita pa itong makita siya kanina. ‘Pwede bang umalis ka sa harapan ko?’ Naalala niya pang sabi nito kanina. 'Kung pinagti-tripan mo lang ako, wala kang mapapala sa akin. Sorry ka na lang, hindi mo ako madadala d'yan sa mga pa-epek mong 'yan.' "Unique. That’s what she is." Hindi mapigilang mapangisi ni Logan habang inaalala ang itsura ng dalaga kanina. She’s genuinely shocked to see him, even annoyed. Her nostrils flared. Her cheeks red. Hindi niya alam kung kinikilig ang dalaga o kung gusto na ba nitong umalis siya sa harap nito. hindi alam ni Logan kung anong mayroon sa dalaga but she manage to make her way through his heart. She's living inside his head. Rent free. Gustong-gusto niyang haplusin ang mahaba at kulot nitong buhok. He even wanted to remove her glasses para mapagmasdan niya ang mahahabang pilik-mata ng dalaga. He wanted to look at her eyes so badly pero ayaw niya naman na mailang ito sa kanya. “Alea Montecito. What have you done to me?” —- “Ali! Isang lap pa!” Natigilan si Logan sa paglalakad matapos niyang marinig ang pangalang ‘yon. Alam niyang mayroong gumagamit ng pool para sa gym class pero hindi niya alam kung anong department. But now that he heard her name, na-curious tuloy siya. “Go Ali! Kaya mo yan!” Sigaw pa ng isa. Sumilip si Logan at nakita niyang hirap na hirap si Alea sa pagkaway para lang makarating sa dulo. Logan saw them cheering for her pero nakikita rin niya kung paano nila pagtawanan si Alea. His Alea. How dare they make fun of her? Sumandal si Logan sa wall at tahimik lang na pinagmamasdan ang mga nangyayari. He is standing sa gilid at nakita niya ngang hirap na hirap si Alea sa paglangoy. "Breaststroke, Miss Montecito. You're doing it wrong!" "Ali! Frog stroke 'yang ginagawa mo!" Nakita pa ni Logan ang kaibigan ni Alea na tumatawa habang sinasabi 'yon. She's making fun of Alea. His Alea. At hindi siya makakapayag doon. “Try mo na rin mag kokak-kokak habang lumalangoy!” Dagdag pa nito. She’s not helping her Alea. Logan spent his time watching them. Nakita niya pa kung paanong pagalitan ng instructor nila si Alea at ibang klaseng pagpipigil ang ginawa niya sa sarili niya para lang hindi sugurin at sapakin ang professor at noong nag dismiss na ang professor nila at nag uunahang pumasok sa shower room ang mga kaklase ni Alea, hinintay niya ring makatapos silang lahat at makalabas sa swimming pool bago siya pumasok sa shower area. Alam niyang naiwan sa loob si Alea dahil hindi niya ito nakitang lumabas. Call him creepy but he’s really worried about her. Kailangan niyang malaman na okay lang ito. “Alea?” Tawag niya pa. Wala siyang narinig sa sagot galing sa loob but he heard someone crying. Biglang kinabahan si Logan. Naalala niya ang kwento na may multo daw sa shower area sa Xavier University. Lalabas na sana siya nang marinig ulit ang malakas na hagulgol sa loob. "Alea?" He uttered again. Naglakad siya papasok sa loob at nakita niya ang hubo't-hubad na si Alea. Umiiyak ito habang nakatakip ang kamay sa kanyang mukha. "Alea are you okay?!" Halos manakbo si Logan papalapit sa dalaga. Alea removed her hands from her face and she froze. And then she screamed. "Aaaaahhhhhh! Manyak! Manyak!" Sigaw niya pa. "Alea naman, sa gwapo kong 'to, sasabihin mong manyakis ako? Respeto naman." He said coolly. Medyo na-offend siya sa sinabing 'yon ng dalaga. Isa pa, ayaw niyang may makarinig sa kanila at biglang sumulpot dito. He doesn't want anyone to see Alea's body– her naked body that will probably stay in his mind and will keep him awake at night for a very, very long time. "Anong ginagawa mo rito kung wala kang masamang balak sa akin?!" Tanong ulit nito. "Lumabas ka dito kung hindi, sisigaw talaga ako!" Hindi siguro alam ni Alea kung ano ang una nitong tatakpan kung kaya tinakpan na lang nito ang kanyang mukha and that made him chuckle. "Kakausapin ka." Malumanay niyang sabi. "Get dressed. Tigilan mo 'yang kakasigaw mo d'yan at baka magkatotoo iyang ibinibintang mo sa akin.” “Subukan mo kaya munang lumabas para makapagbihis ako!” Bumuntong-hininga siya bago tumalikod at naglakad papalayo. He waited for her outside. Ilang sandali lang ay lumabas na rin naman si Alea. Her hair still dripping and her clothes wet na tila sa pagmamadali nitong magbihis ay nakalimutan na nitong gumamit ng tuwalya para tuyuin ang katawan niya. 'Her wet and naked body.' Napalunok ng ilang ulit si Logan at saka siya nag iwas ng tingin matapos niyang maalala ang itsura ng dalaga kanina. He feels hot, his c**k starts growing inside his pants at pasimple siyang tumalikod para ayusin iyon at para hindi mahalata ni Alea ang pagtigas ng alaga niya. "Anong pag uusapan natin?!" Galit na tanong nito sa kanya. She's fixing her gym bag habang nasa isang kamay nito yung plastic na pinaglagyan ng mga damit niya. Logan tried taking the gym bag off of her shoulder but she pulled it back. "Ako na. Kaya ko 'to." Nakasimangot pa ring sabi niya. "Ano ngang pag uusapan natin?" 'Small, cute and feisty.' She reminds him of that meme he say on the internet last time. That teddy bear holding a knife. "Teach me math." Tipid niyang saad. Tumigil sa paglalakad si Alea at saka ito tumingin sa kanya na tila ba nasisiraan na siya ng bait. "Why would I teach you math e hindi ba, Dean's lister ka?" Kinapa ni Alea yung bulsa ng gym bag niya at saka kinuha iyong salamin niya sa case. She looks better without her glasses but there's something about her glasses that makes him wanna throw her back inside the shower area and do nasty things with her. "So you're interested in me too," pang asar niyang sabi sa dalaga. "Hindi ah! Narinig ko lang na pinag uusapan ka ng mga classmates ko!" She said in a defensive tone na lalong nagpangisi kay Logan. "Hindi nga kase! Bat naman ako magkakainteres sa'yo?! At saka, ano ba talagang pag uusapan natin? Kung wala rin lang namang katuturan, may klase pa ako." Anitong naiinis na. Akmang tatalikod at maglalakad na ulit si Alea noong hinila ni Logan ang kamay niya. "Teach me Math and I can teach you how to swim. You need it more than I do." "Yabang! I know how to swim–" "I know. I saw it too." He said, smirking. "Sige, kung ayaw mo akong turuan ng Math, may mas okay akong deal. I'll teach you how to swim and you'll teach yourself how to love me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD