CHAPTER 1: The Girl

1498 Words
A few months earlier... Nia's POV "Naaawa na talaga ako sa alaga natin, Emma..." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng marinig ko ang boses ni Nanay Emelda sa kusina. "Kaya nga po, Sumosobra na si Sir Gray..." Sagot ni Emma sa kanya. Dahan dahan akong lumapit at sinilip sila, "Jusmeyo naman, ano kasing nangyari sa kay Gray at nakaganon, ayos naman sila dati diba?" Sabi ulit ni Nanay Emelda habang naggagayat ng sibuyas. I smile bitterly, Huminga na lang ako ng malalim at tumalikod tapos nagsimula na kong maglakad. "M-ma'am?" Lumingon ako sa gilid ng may tumawag sakin. "Handa na po ang hapunan..." Sabi ng isang maid sakin bago yumuko at umalis. Huminga ako ng malalim at nagpunta sa Dining Room. Pagka dating ko dun, Same as usual... Ako na naman ang nauna... Walang gana akong naglakad papunta sa upuan at tiningnan ang silya nya. His busy again... Pagkatapos kong kumain dumiretsyo agad ako sa kwarto ko, Nandito ako ngayon sa balkonahe ng kwarto habang nakatingin sa kawalan. "Nakauwi na sya?" Tanong ko kay Emma, She's my personal maid that's why she's here. "O-opo" Kinakabahan nyang sagot. The aura seems weird. "Ohh? Bakit ganan ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya na parang nagpabalisa lalo sa kanya. "M... Meron po kasing kumakalat na balita sa Mansion... n-na" Nauutal nyang sabi. "Na?" Tanong ko. "N-nag-uwi daw po ng babae si Sir G-Gray..." Nakayuko nyang sabi. Kumirot bigla ang puso ko sa sinabi nya, tumingin ako sa kawalan at huminga ng malalim bago magsalita... "Anong sabi nya?" Tanong ko. "Nakita daw po n-ni Gray yung babae sa lansangan na walang malay na duguan ang ulo, at ang sabi po ng doctor na aksidente daw po ito, ang sabi sabi pa po ng ibang mga maids parang naapektuhan ang ulo nito..." Sagot ni Emma. Ha... "Bakit dito nya dinala? Bakit di nya dinala sa hospital?" Minasahe ko ulo ko at tumingin sa kanya. "Leave me alone, Emma I'm tired..." Matamlay kong sabi sa kanya habang humihiga sa kama ko. Pagkahiga ko, napaisip ako bigla... It's been a long time since we share a room together. We never shared a room again for almost five years... Gray, just what are you thinking?? *** Nandito ako ngayon sa dining table habang hinihintay ang asawa ko, Halos mag iisang oras na bago sya dumating.... Napadako ang tingin nya sakin pero tiningnan nya lang ako ng malamig at walang ekspresyon tsaka sya umupo sa pinaka dulong silya ng long table. Still the same, huh? "Rinig ko... Nag uwi ka raw kahapon ng babae..." Pagsisimula ko sa usapan namin dahil sa tahimik ng dining room. "Who told you that?" Malamig nyang tanong. "Mahalaga pa ba yun? Ang gusto kong marinig ay kung tunay yun" Seryosong sabi ko habang diretsong nakatingin sa malamig niyang mga mata. Hindi nya ko sinagot at iniba ang usapan. "F*ck... Can you just shut up? I'm already tired from work, Nia." Sagot nya habang ginugulo ang kaniyang buhok. I scoffed, Me? Shut up?, asawa ko ba talaga 'to? He clearly doesn't want me to get involved in his business. *** "Ma'am Nia, Kamusta po?" Tanong ni Emma sakin habang sinusuklay ang buhok ko. "He doesn't want to talk to me." I said while playing with my nails. Hindi na umimik si Emma at may awang tiningnan na lang ako. I'm in my room now, nakaupo lang ako sa bed habang nakaangel sit, Ayokong lumabas dahil pareperehas lang sila. Yung titingnan nila ako ng ganon, na para bang ako na ata ang pinaka nakakawawang taong nabubuhay sa mundo... I really hate those look at their faces, nakaka walang gana lumabas. "Ano nang nangyari sa babaeng inuwi ni Gray?" Tanong ko habang tumitingin sa mga paa ko. Napatigil saglit ang pagsusuklay nya sakin pero agad ding tinuloy. "A-ang sabi sabi po ay lagi daw pong bumibisita si Sir Gray sa kwarto ni Ma'am Charlotte para pakainin at alagaan mismo.." Nag dadalawang isip nyang sabi. Charlotte... that's her name... Parang may tumusok na maliliit na karayom sa puso ko dahil sa sinabi nya, he's feeding her? He never done that to me when I was sick... What now, Gray. "Don't let the rumors spread..." Sabi ko sa kanya, nagnodd naman sya kaya tumingin na ko sa ibang direksyon, I sigh. I can't believe I'm forcing myself to turn a blind eye. *** It's been two days since I talk to Gray, nandito ako sa garden, nagdidilig ako ng mga halaman, this is my way to relax my mind. Hindi parin humuhupa ang usap usapan ng pagdadala ni Gray ng babae sa mansion lalo na ang pagaalaga nya dito. Simula ng bigyan ako ni Gray ng cold shoulder, sya na ang nagsimulang mag manage ng companies kasama na din yung mga akin. Minsan nga I can't help but think that... "Pinakasalan nya lang ako dahil sa mga mana ko" Napatingin ako sa gilid ng magnarinig akong nagsasalita. "Wow! Sino sya ang ganda nya" I heard someone at my back whisper. "Shhh, Ma'am-!!" Sandaling nawala ang bulungan kaya tinuloy ko ulit ang pagdidilig ko pero... nabaling ang atensyon ko sa gilid ng may nagsalita. "Hello!" May malambing na boses nyang sabi, I look at her. Wavy blonde hair, an adorable face, and innocent eyes. This must be the weak girl their talking about. I look at her with cold eyes, innocent girl? "Gray... Is that your type?" I thought. "Ma'am Charlotte, hindi po tayo pwede dito..." Natatarantang bulong ng isang maid sa gilid nya. Kita ko ang pagyuko nya ng mga magtagpo ang mga mata namin, nilingon ko ulit si Charlotte, Sumimangot sya at sumagot. "Pero sabi ni Cedric pwede daw ako pumunta kahit saan!" Parang batang maktol nya, nanlaki ang mata ng maid na kasama nya at tiningnan ako, did she just call Gray's second name? Their closure must be worse than I imagined. Pinatay ko ang pump-up sprayer nahawak ko bago nagsimula ng maglakad, parang kasing wala silang balak umalis sa garden ko, tinangka ko ng umalis pero hinawakan ni Charlotte ang braso ko. "Hello po! I'm Charlotte!" Masiglang sabi nya pagkaharap ko. Pasimple kong tinanggal ang kamay nyang na kakapit sakin at tiningnan siya ng blanko. Medyo nagulat sya sa reaksyon ko pero hindi ko sya pinansin at nagsimula na ulit na umalis. Pagkalabas ko ng garden, may biglang humablot na naman ng braso ko, kinunot ko ang noo ko at tiningnan sya. "Anong pangalan mo, Ate? Are you Cedric's wife?" Tanong ni Charlotte sakin pero tiningnan ko sya ng masama dahilan para mapabitaw sya sa braso ko. *** Pinapanood kong lumubog ang araw ng maramdam kong lumapit sa direksyon ko si Nanay Emelda. "Nanay Emelda, may ginawa ba kong mali?" I asked out of knowhere. "I met the girl that Gray brought, she seemed kind and adorable..." Napalingon si Nanay Emelda sa direksyon ko. "But recalling those rumors that Gray and she had that sort of relationship makes me angry to the point that I give her a cold shoulder..." Sabi ko habang tumitingin sa kawalan. Hinawakan ni Nanay Emelda ang dalawang kamay ko at pinaharap sa direksyon nya. "Hindi ka masama, hijah..." "Normal lang na maramdaman mo yan dahil may pinagsamahan din kayo ni Sir Gray... May karapatan kang magalit dahil asawa mo sya..." Sagot sakin ni Nanay Emelda habang niyayakap ako ng mahigpit. Si Nanay Emelda ang nag alaga sakin simula bata pa ako at sya ang pinaka nakakaintindi sakin bukod kila Dad. Niyakap ko din sya, Maya maya hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha kong matagal ko nang pinipigilan. *** It's been four days since I met Charlotte, I'm with Nica today, Nica's my bestfriend since my childhood maliban kay Gray. We're at a coffee shop today. "Hoy Gaga ka, Ang tagal nating hindi nagkita tapos ano? tulala ka pa?" Napabaling ang direksyon ko kay Nica ng magsalita sya. "Sorry, Nics. It's just I'm not feeling well today" Pagdadahilan ko habang sinusubukan kong ngumiti. Pinanliitan nya ako ng mata. "Ayos lang ba kayo ni Gray ha?" Nagulat ako sa biglaan nyang tanong. "Hahahaha, ano ka ba? Bakit mo natanong?" Nakangiti kong sabi habang sinusubukang huwag ipahalata ang kaba. "Sabi ng asawa ko matagal ka na raw hindi pumapasok sa opisina, magfifive years na?" Nagtataka nyang tanong. Nakalimutan ko nga palang director sa isang kumpanya ni Gray napasok ang asawa ni Nica. "Ayaw kasi ni Gray na pagurin ako sa trabaho kaya sya na lang ang nagmamanage ng kumpanya." Pagdadahilan ko sa kanya habang nakangiti. My family and Gray's family still didn't know the real situation of our relationship, so I can't tell her now. "Sabagay hindi mo na kailangan magtrabaho dahil mayaman na naman din kayo" Sabi nya habang umiinom ng kape. Habang umiinom sya napatingin siya sa likod ko at napakunot ang noo. "Isn't that your husband?" Nakakunot noong sabi ni Nia habang tunuturo ang likod ko. Napatingin ako sa likod ko at nakita si Gray at Charlotte na magkasama habang magkahawak kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD