Nia's POV Habang nagdadrive si Caius, nanatili lang kaming tahimik, at halos mag iilang oras kaming bumiyahe bago makarating sa bahay nya. Sumilip ako sa labas dahil sobrang taas ng pader na nakapaligid sa bahay. Pagka dating namin sa gate, otomatikong nagbukas ang pinto, pero bahagya umawang ang bibig ko ng bumukas ang gate ng bahay-teka bahay pa ba 'to?! Mas malaki pa ata to sa mansion namin ehhh! Parang kasing laki na ng kastilyo! Pinasok ni Caius ang sasakyan sa loob at halos mag iilang minuto kami bago makarating sa garahe dahil sa sobrang lawak at laki ng bahay-I mean mansion ata nya--ay Mansion ba to? Mas malaki pa sa mansion ehhh. Tinigil nya ang sasakyan at bumaba bago nagpunta sa direksyon ko para pag buksan ako ng pinto. Bumaba ako at inaalalayan nya ko. I look at him, sery