Kabanata 3
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
MARTHA
"OPEN THE DOOR."
Utos niya nang malaman niya mula sa aking anak kung saan ako tumutuloy.
Inilabas ko mula sa aking bag ang susi ng pintuan at saka iyon binuksan. Inunahan pa niya akong pumasok na parang sa kanya ang bahay.
Hinayaan ko lang.
"Where's your room?" Tanong niya.
Ayaw ko siyang papasukin sa kwarto namin ni Hercules kaya naman sinagot ko siya.
"Pwede mo na lang ibaba si Hercules diyan sa sofa," sabi ko saka ibinaba ang bag ko sa lamesita.
Hindi na rin siya sumagot.
"Okay, you are home now big man. You may now sleep again," ibinaba niya ang anak ko sa sofa.
"Hindi na ako makakatulog, Superman," wika ng anak ko.
"Why?"
"Coz I want to play again with you. Let us fly," bumangon ang anak ko.
"I can't,"
"But you said you can fly," curious na curious ang mata ng anak ko habang nakatitig sa kanya.
Bigla namang bumulong si Hector sa kanya. Napakaganda nilang pagmasdan at hindi ko maikakaila na hiniling ko ang bagay na ito na makita silang mag-ama na magkasama at nag-uusap. Hiniling ko ito hindi para sa akin kundi para sa aking anak.
Pagkatapos niyang bumulong ay tumingin sa akin si Hercules.
"Nanay," tawag niya.
"Yes?"
"Pwede pong mag-prepare ka ng juice for Superman?"
May balak silang dalawa. Hindi ko alam kung balak talaga nilang dalawa o balak lang no Hector na iniuutos niya sa aking anak. Ginagamit niya ang anak ko para magtagal dito sa apartment.
Matalino si Hector. Magaling. Mahusay.
Tiningnan ko si Hector na hindi nakatingin sa akin. He is using my son para magtagal dito and sa bawat minuto na nagtatagal siya ay nangangahulugan na matatagalan din bago ako maging komportable.
Naiilang ako sa tuwing tumitingin siya sa akin, naiilang ako sa tuwing magtatama ang aming mga mata at sa tuwing kami ay nag-uusap.
Pinagpapawisan din ako ng malamig sa tuwing napatitig ako sa kanyang mga labi na minsan ko nang natikman at nahalikan.
Inalog ko ng bahagya ang ulo ko at nag-focus sa anak ko.
"O-of course baby," sagot ko.
Agad akong tumalikod at nagtungo sa kusina. Namalayan ko na lang na sumara ang pintuan ng aming kwarto. Nilingon ko iyon at ang huling nakita ko ay si Hector na pumasok sa loob.
Napailing na lang ako at ngayon ay nag-focus na lang sa pagtitimpla ng juice.
Hindi ko masisisi ang anak ko kung masyado niyang gusto si Hector.
Una ay hindi nagkakaroon ng tiyansang makapaglaro ang anak ko dahil kami lang dalawa ang magkasama palagi. Naghahanap siya ng makakalaro at heto si Hector, gustong maging kalaro ang anak ko.
Pangalawa, hindi ko rin siya masisi kung magaan ang loob niya kay Hector dahil hindi naman mahirap unawain ang isang katulad niya. Nasasabi ko ito dahil nakasama ko siya at napagdaanan ko ang mga bagay bagay sa kanya..
Panghuli, hindi ko rin maaaring sisihin ang anak ko kung gustong gusto niya si Hector kahit pa ngayon lang sila nagkakilala dahil siya ay ang kanyang ama. Maaaring sabihin na iyon ay lukso ng dugo at ayaw kong i-deny na nakikita ko iyon sa kanilang dalawa.
Pagkatapos kong magtimpla ng juice nilang dalawa ay dinala ko iyon sa kwarto.
Bubuksan ko sana ang pintuan ngunit naka-lock ito.
"Bakit sila nagsasara?" Tanong ko sa sarili ko.
"Baby, why did you lock the door?" Sigaw ko mula sa labas.
"Nanay, just stay there!" Sigaw ng anak ko.
"Why?"
"Just stay there, nanay. We are playing," sigaw ng anak ko mula sa loob ng kwarto naming dalawa.
Walang kibo si Hector at tanging si Hercules lamang ang nagsasalita.
Hindi ako kampante kaya't nilagay ko muna sa katabing mesa ang mga baso at kinuha ko ang susi ng kwarto.
Isinuksok ko ang susi at saka binuksan ang pintuan. Naabutan ko si Hercules na kinakabayo si Hector.
Nakasakay siya sa likuran nito habang hawak niya ang damit ng ama niya. Nasa ibabaw sila ng kama at masayang nagtatawanan.
"Nanay, I told you to stay outside," naiinis na bumaba ang anak ko at saka pinalalabas ako.
"Baby, Hector is busy. He needs to leave now,"
"But he is not. Sabi niya maglalaro kami, diba po superman?" Lumingon siya kay Hector na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama at nakatitig sa akin.
Sumenyas ako kay Hector na lumabas na sa kwarto namin saka naman siya tumayo.
"Come here baby. Drink your juice and sleep again," sabi ko pa.
Lumabas na kaming tatlo at nagtungo sa sala.
Inilapag ko na ang juice nila sa lamesita at saka sila uminom. Sabay pa sila ng kanyang ama at parehong kanang kamay ang gamit sa pag-inom.
Nakikita ko ang pagkakapareho nilang dalawa.
Naunang naglapag si Hector at sumunod si Hercules.
"Do you want to see me when I was younger?" Tanong ng anak ko kay Hector.
Nagulat ako at maging si Hector.
"S-sure," nagpalipat lipat ang tingin ni Hector sa aming dalawa.
"Baby, Hector is...," hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Hercules at tumakbo papasok sa kwarto.
"Wait for me," sigaw niya at patakbong nagtungo sa kwarto.
Nagkibit balikat si Hector na tila ba sinasabing "Wala tayong magagawa."
Pagbalik ng anak ko ay hawak niya sa kanyang dalawang kamay ang malaking album.
"Baby, it's not okay to let strangers see that," binalak kong agawin ang album ngunit mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ni Hector.
Kumandong siya bigla sa ama at saka binuksan iyon.
Napakamot ako ng ulo ko dahil maraming litrato doon. Nandoon ang mga dinevelop kong litrato naming dalawa ni Hector na pinakilala kong tito niya.
Sana ay hindi niya mamukhaan at sabihin kay Hector na ipinakilala ko siyang tito.
"Look at this Superman. I am wearing your shirt," turo ni Hercules sa litrato niya noong siya ay dalawang taon pa lang.
"Nice. You are a real superman," ginulo ng ama ang buhok ng anak.
Nakatayo lang ako at pinagmamasdan silang dalawa.
Inilipat ni Hercules ang pahina at tila ba nagtataka ang ama niya.
"Where's your tatay by the way?"
Agad akong kinabahan.
"He is at work," agad na sagot ng anak ko.
"I mean, where is he here?" Tinuro ni Hector ang album.
"Hector, you should leave," sabad ko.
"Nanay said that I don't have a father. Kaya po si Tatay Arthur ang tatay ko. Nanay told me to forget my real father," sabi ng anak ko.
Napayuko ako.
Hindi ko magawang tingnan si Hector at ang anak ko na hindi magawang magsinungaling.
"Let me see the other pictures," pagpapatuloy ni Hector.
"Hector please," pinilit kong ipakita na matatag ako kaya't napalingon silang dalawa.
"Nanay, are you mad?"
"No baby," sagot ko.
"Then why are you yelling at superman?"
"Kailangan na niyang umuwi anak,"
"Is it true superman?" Tumingala siya at tiningnan si Hector.
"No," umiling si Hector.
"See, nanay. Just let us look at this," saka inilipat ni Hercules ang pahina.
Sa sobrang kabog ng dibdib ko ay tumalikod ako at nagtungo sa kusina at naghanap ng magagawa.
"Why am I here?" Halatang nilakasan ni Hector ang boses upang marinig ko.
Hindi ako lumingon.
"Really? Is this you?" Halata ring amazed na amazed ang anak ko.
"Yeah, that's me and your nanay,"
"Are you sure?" Di makapaniwala ang anak ko.
Lumingon ako at ipinagkumpara ng anak ko ang litrato at si Hector.
"But why do you have a lot of hair on your face here, in this picture?" Tanong ng anak ko.
"Because I didn't shave,"
"What's shave?"
"Long story,"
"I remember nanay saying that this was uncle. She said that uncle died," sabi pa ng anak ko.
Hindi nakakibo ang kasama niya.
"Nanay, come here. Look at this. It's superman. He is in our family album," tumayo ang anak ko at saka hinawakan ang album at patakbong lumapit sa akin.
Matalino ang anak ko at alam kong hindi ko siya maiisahan.
"Baby, please return this to our room," lumuhod ako sa harapan ng anak ko at tiningnan siya sa kanyang mga mata.
"But nanay, Superman wants to see this,"
"He should not,"
"Hercules, come here," utos ni Hector.
Napalingon kaming dalawa at saka patakbong lumapit ang anak ko sa kanya.
Kumandong ulit si Hercules sa ama niya at nang puntong iyon ay nakita ko ang labis na tuwa sa mata ng anak ko.
Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata at ngayon ay hindi ko mapigilang maluha dahil sa unang pagkakataon ay nakikita ko ang aking anak sa piling ng kanyang ama.
If only alam nilang pareho ang katotohanan.
Tumalikod ako at saka nagbukas ng refrigerator upang maglabas ng karne ng baboy.
Magpeprepare na ako ng pang hapunan namin mamaya.
Hanggang sa lumipas ang oras at nakita ko na lamang na nakatulog na si Hercules habang nakaunan sa hita ng ama. Si Hector naman ay nakasandal lamang sa sofa at tila natutulog din.
Palapit na ako sa kanila nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa pa pala niya.
Napamulat siya ng kanyang mga mata at saka dinukot ang cellphone ngunit siniguro na hindi magigising si Hercules.
"Thanks," sagot ko nang i-abot niya iyon sa akin.
Sinagot ko kaagad si Arthur.
"H-hello,"
"Are you home?"
"Yes sir,"
"How's the kid?"
"Sleeping,"
"Wake him up. I have something for him. Nasa baba na ako," wika pa niya.
Napatingin ako kaagad kay Hector na nakatingin lang din sa akin.
"Ah yeah, sure," sagot ko.
Ngayon ay hindi ko malaman kung paano ko sasabihin kay Hector na nasa baba na si Sir Arthur, ang may-ari ng apartment na tinutuluyan naming dalawa ni Hercules.
Magtatagpo ba sila?
Bakit ako kinakabahan?
*Ding Dong!
Tumunog ang doorbell at halos mahulog ang puso ko sa kaba.
Pagtatapos ng Ikatlong Kabanata.