Kabanata 22 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA SA BUONG ISANG oras na kumain kami ni Maricris sa kainang iyon ay panay ang pagmamatyag na ginawa ko. Hindi ko akalain na makikita ko sila ngayon dito sa lugar na ito kung saan ako dinala ni Maricris. Nauna silang umalis sa amin at naiwan kaming dalawa ng kapatid ko. Ni hindi na nga kami nakapag-usap ng maayos sapagkat mas inuna ko ang pagmamatyag sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngunit mayroon akong kutob na mayroon silang ugnayan ng Francis Tamayo na iyon. Unang beses ko silang nakita sa daan nang sunduin namin ang anak ko sa paaralan. Ang akala ko a