Kabanata 21 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA HINDI MUNA AKO SUMAGOT SA KAGUSTUHAN niyang makipag-usap kami kay Carmina. Ang para sa akin ay mas mabuti munang silang dalawa muna ang mag-usap bago niya ako isama sa muli nilang pag-uusap. Mas makabubuti siguro na magkasundo sila sa mga bagay na kailangan nilang pag-usapan katulad na lamang ng bahay, lupa at ang tungkol sa kanilang anak. Hindi naman ako selfish upang ipagkait kay Carmina ang bagay na ito. Ngunit ang para sa akin ay para sa akin na. Babawiin ko si Hector sa kanya. Totoong naiinis ako kay Hector dahil ginagamit niya ang anak ko sa mga plano niya para sa akin.