Kabanata 5
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
MARTHA
PAGBALIK ko sa taas ay si Sir Arthur na ang naghahain ng pagkain sa hapag kainan.
"What took you so long?"
"M-may kakilala lang akong nakita sa labas," pagsisinungaling ko.
"Nanay, look at my car," pagmamalaki ng anak ko.
"Nice anak. But hindi pa tayo tapos sa assignments mo ha?" Reminder ko sa kanya.
"But it's Friday tomorrow," sabi ng anak ko.
"Kahit sa Monday pa ang checking of assignments ay kailangan na nating tapusin baby," sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya.
Sumimangot ang anak ko.
"How's work sir?" Tanong ko kay Sir Arthur na ngayon ay naglalagay na ng ulam sa tason.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na don't call me sir when we are here?"
"Na-submit na ba ang mga articles na pinoproblema mo?" Tanong ko sa kanya at binalewala ang sinabi niya.
"It's okay now. Nagawan na ng paraan," sagot niya saka umupo.
"Mabuti naman. Oh anak, lead the prayer," sabi ko sa anak ko na ngayon ay hawak pa rin ang kanyang laruan.
"Papa God, salamat po sa pagkain namin sana po ay mabusog po kami at sa nag-prepare po na si nanay sana po di niyo siya pababayaan. Amen," tuloy tuloy at walang patid ang salita ng aking anak habang nagdarasal.
"Amen," halos sabay naming wika ni Arthur.
Ngayon lang ulit siya nag-dinner dito sa apartment.
Naaalala ko noong unang beses akong nandito, isang taong gulang pa lang si Hercules noon at ako ang ginawa niyang tagapagbantay ng apartment na ito.
Alam kong hindi iyon ang intensyon niya ngunit wala na talaga akong matatakbuhan dati. Nahihiya na rin akong makituloy kina Rosy dahil lumalaki na rin ang pamilya nila at mahirap ding makipagsiksikan pa ako.
Although mababait naman sila ngunit ayaw ko lang talagang umabuso.
So, from that time, dito na kami pinatira ni Sir Arthur. Sinabi kong magbabayad ako ng renta ngunit ayaw niyang tanggapin.
He would always say na marami siyang pera at hindi niya kailangan ang ibabayad ko. So bilang mabait siya sa akin at sa aking anak ay kada nandito siya ay nagluluto ako ng pagkain. .
Hindi naman siya maarte sa pagkain dahil lahat ng luto ko ay masarap para sa kanya. Hindi rin ako nahihirapan dahil kompleto ang kagamitan dito. Minsan pa nga ay siya na rin ang nagdadala ng mga groceries dito.
For Hercules, hinahatid ko siya sa school daily. Half day lang siya sa eskwelahan dahil primary grade pa lang siya. Susunduin ko siya before lunch and sa opisina na kami magtantaghalian o kaya naman ay sa labas kung maluwag ang time.
There are times na si Sir Arthur ang sumusundo sa kanya kapag mayroon akong importanteng gagawin. And half day, ay sa opisina lang nag-iistay si Hercules, nauupo sa sofa ng opisina ni Sir Arthur, nanonood ng cartoons sa phone ko or natutulog.
Kaya naman wala siyang matatawag na playmate.
"Tomorrow, I'll be in a business trip in Baguio City. Baka gusto mong sumama?" Wika ni Arthur.
Baguio city.
"Hindi ako pwedeng mag-absent,"
"You are with your boss, aabsent ba ang tawag doon?"
"I mean, maraming gagawin sa office,"
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong kasama,"
"Sir," pinagtaasan ko siya ng boses.
"Hercules, your nanay doesn't like to be with me," wika pa niya saka bumaling sa anak ko.
"She is always like that, tatay," sagot ng anak ko na tila ba alam ang nangyayari.
Natawa na lang kaming dalawa dahil sa sinabi ng anak ko. Ginulo ni Arthur ang buhok niya at napangiti.
"I am just kidding. Kasama ko ang ilan sa mga managers and alam kong maiilang ka lang kapag sumama ka," pag-iiba niya ng mood.
"Uwian mo na lang ako ng jam," sabad ko.
"Alright. Just jam?"
"Iyong mura lang," sabi ko.
"Uhm Hmmm," tumango siya.
"Ilang araw kayo doon?"
"The initial plan is 5 days. I hope medyo madali lang kami," sagot niya bago sumubo ng pagkain.
"Who will sign the needed documents kapag wala ka?"
"Nagbigay na ako ng instructions kanina,"
"Okay. Good," sabad ko.
"Wait, you sounds like my boss," nakangiti niyang wika.
"Ha? Hindi ah," tanggi ko.
"You are," aniya.
"Mali ka lang ng dinig,"
"But it sounds good," sabi pa niya.
"Okay," nagtaas ako ng kilay at ngumiti.
"I like it," sabi niya.
"What time kayo aalis?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Madaling araw, mga alas kwatro," sagot niya.
Pagkatapos naming kumain ay nag-usap lang sila saglit ng anak ko habang ako ay naghuhugas ng pinagkainan bago siya umalis.
Nasabi niya rin na hindi niya kami maihahatid bukas. Ayos lang din naman dahil medyo malapit lang ako sa workplace ko at isang sakayan lang bago makarating doon.
Pagkatapos kong maghugas ay inasikaso ko na ang anak ko. Pinaliguan ko siya at binihisan.
Malalaglag na rin ang talukap ng mga mata niya habang binibihisan ko siya kaya naman hindi ko na pinilit pang gawin namin ang kanyang assignments.
Pinatulog ko na siya sa kama. Hindi siya makakatulog ng maayos kapag hindi ko siya tinatapik.
Nakatabi ako sa kanya, hindi pa ako nagsa-shower kaya naman pagkatulog niya ay doon pa lang ako maghahanda ng mga gagamitin niya bukas pagpasok saka ko gagawin ang mga bagay para sa sarili ko.
Ganito na ang naging routine ko simula noon.
Habang pinagmamasdan ko ang anak ko na natutulog ay naiisip ko ang mga bagay bagay na nangyari kanina.
Baka nga sinadya ng tadhana na mahanap siya ni Hector upang magkita sila at upang makilala nila ang isa't isa.
Mayroong tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung bibigyan ko na ba ng kasagutan o hindi pa oras para doon.
Kailangan ko na bang sabihin sa kanila ang katotohanan?
Ako, si Rosy at si Sir Arthur lamang ang nakaaalam ng tungkol sa ama ni Hercules at hindi ko kailanman maitatago ito, maging habang buhay.
Hinimas ko ang ulo ng anak ko at saka siya humikab.
"Nanay," tawag niya sa akin habang nakapikit.
"Yes baby," saka ko siya niyakap.
"I want superman," wika niya.
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Sleep now anak. Magkikita pa naman kayo,"
"I want to play with him nanay," mahina ang boses ng anak ko ngunit naririnig ko.
"Soon anak,"
Hindi na siya kumibo pa at hinayaan ko na siyang nakapikit.
Magkamukha sila ng kanyang ama. Hindi ko maikakaila ang bagay na ito at kahit na itanggi ko ay hindi lang maniniwala ang lahat.
Kaya ngayon ay inihahanda ko na ang sarili ko sa mga posibilidad na ito dahil mas lalo lamang magiging komplikado ang lahat kung patuloy kong itatago si Hercules sa kanyang ama.
Ngunit bigla akong nakaalala. Kumusta na kaya si Carmina? Kumusta na ang estado ng relasyon nila ni Hector?
Hindi ko iyon natanong kanina dahil ayaw kong magkaroon kami ng kamustahin. Ayaw kong magkaroon kaming dalawa ng komunikasyon kaya naman nilimitahan ko ang pakikipagusap sa kanya.
Hanggang sa makatulog na ang anak ko. Dahan dahan akong bumangon at tumayo.
Tanging lampshade lang ang tanglaw sa loob, sapat lang para mayroong makita ang anak ko sakaling magising siya.
Paglabas ko ng kwarto ay tinungo ko kaagad ang kusina. Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan na ginamit ni Hercules kanina nang libangin siya ni Sir Arthur.
At saka naman nagring ang cellphone ko.
From a new number ito at mayroon akong kutob na si Hector iyon. Ayaw kong sagutin kaya naman hinayaan ko lang.
Pagkalagay ko ng mga laruan sa basket ay nagring ulit iyon.
Tiningnan ko lang ito habang nagriring at nang namatay ay nakita kong naka 8 missed calls na pala at 5 messages.
Dinampot ko iyon at saka nagbasa.
From: +6397766…
"Hey. Answer my calls or I'll go there now."
Isa pang message ay:
"One last call, if you'll not answer it, magdadrive na ako papunta diyan."
Puro ganito ang laman ng messages niya at nakumpirma ko kung kanino nga iyon galing.
Hinintay ko ang tawag ngunit wala nang tumawag.
"Shocks," nasapo ko ang noo ko nang mapagtanto na baka nga nagtungo na siya dito.
Ako na mismo ang tumawag sa kanya ngunit hindi na sumasagot at nagriring lang.
Sinubukan kong tawagan ulit at saka siya sumagot.
"Anong problema mo?" Bungad ko sa kanya.
"At last, tumawag ka na," boses niya iyon.
"Ano bang kailangan mo?"
"You,"
"Sorry, busy ako,"
"Kanino? Kay Arthur?"
"Sa anak ko at sa sarili ko,"
"Good,"
"And please stop calling me," saka ko ibinaba ang tawag.
Inilapag ko na ang cellphone ko sa lamesita at saka ako nagsimulang magwalis dahil wala na akong oras bukas para maglinis pa.
Nag-ring ulit ang cellphone at saka ko kinuha at naiinis na sumagot.
"Kung wala kang magawa sa…,"
Ding Dong!
Natigil ako nang tumunog ang doorbell.
"Open the door. Nandito ako sa tapat ng apartment mo," wika niya sa kabilang linya.
Gusto ko siyang ipadampot sa gwardya ngunit wala akong magawa.
Naiinis kong tinungo ang pintuan at padabog na binuksan iyon.
"Gabi na, ano bang ginagawa mo dito?" Naiinis kong bungad sa kanya.
Nakita kong mayroon siyang hawak na malaking kotse-kotsehan at tedy bear.
"For your son and for you," abot niya.
"Hindi namin kailangan…," Isasara ko na sana ang pintuan ngunit buong lakas niyang hinarang ang sarili niya.
He is wearing a round neck white sando and maong shorts.
"Wait," aniya.
"Please make me a coffee," demanding niyang wika.
"Hindi na kita boss,"
"But I am your daddy," saka siya kumindat.
Wala na. Nakapasok na naman siya.
Kainis.
Pagtatapos ng Ikalimang Kabanata.